Kabanata 11

122 7 1
                                    

"I can drive ha, kapag inaantok ka na or pagod, just tell me. Okay?" Paalala ko kay Avery habang pinupunasan ang gilid ng labi nito gamit ang tissue. Gusto niya raw kasi kumain ng spaghetti na binili namin kanina sa McDo drive thru, kaso nag dra-drive siya. Sabi ko nga huminto muna kaso sabi niya 'wag na dahil may shop daw na gusto niyang puntahan na maagang nag sasara kung kaya't nag volunteer na lang ako na pakainin siya.


"Yes, Mademoiselle. Areglado." Natatawa nitong sagot.


"Umayos ka, Avery ha." Kunwari kong masungit na saway sa kan'ya habang hawak ang softdrinks at straw na iniinuman niya. "Being here with you feels so illegal." Saad ko habang nakatingin sa hindi pamilyar na dinadaanan namin.


"What do you mean by illegal?"


"Illegal kasi nagagawa ko pang gumala kaysa mag review." Natatawa kong sagot dito. Parang kasalanan 'tong ginagawa ko dahil mas pinili ko pa ito kaysa sa magsunog ng kilay sa pag re-review.


"Half day lang naman," tumingin ito sa rear-view-mirror kung kaya't nagtama ang paningin naming dalawa at tumawa. "Isipin mo na lang na cheat day 'to sa 'yo."


Umiling-iling na lang ako rito at nilabas ang cellphone.


Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa mahinang tapik sa 'kin.


"We're here na..."


Soft spoken.


Soft spoken si Avery to the point na kapag kinausap ka niya ay mas gugustuhin mong matulog dahil sa lambing at gentle nitong magsalita.


"Hmm," pag-dilat ko ay si Avery na nakangiti ang sumalubong sa 'kin.


"Hello, wake up na."


Kinusot ko ang aking mga mata at inayos ang hitsura dahil baka may laway o muta pa ako. Nakakahiya!


Pagkaayos ko ay 'agad ako bumaba dahil nasa labas na rin naman si Avery.


"Wow," bumungad sa 'kin ang maganda, malawak, nakakakalma, at malamig na paligid. Nilibot ko ang aking paningin at mula rito sa kinatatayuan ko ay tanaw ang sky ranch at ang magagandang tanawin. "Tayo lang dito?" Tanong ko kahit halata naman na kami lang.


Tumango-tango ito.


"Wala gaano pumupunta rito kasi mas pinipili nila 'yung sa mga tourist spot. 'Tsaka, naisip ko na baka ayaw mo sa ma-tao, eh. Ayaw mo ba? We can go to another place—"


"No, no it's okay." Nakatitig lang 'to sa 'kin kung kaya't lumapit ako sa kan'ya nang kaunti at ngumiti. "Okay like okay siya." Paninigurado ko rito.


Ngumiti ito pabalik at bumalik na sa kan'yang ginagawa. Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang picnic set.


"Gumawa ako kanina ng sandwich, sana okay pa siya." Natatawa nitong turan habang nilalabas ang mga pagkain. Umupo na ako sa blanket na nakalatag na at hinubad ang sandals.

The Beginning Of The EndWhere stories live. Discover now