Kabanata 13

109 7 1
                                    

Iyak lang ako nang iyak habang yakap si Avery ngayon.


Kanina ay tinawagan ko ito para ibalita ang nangyari sa isa kong kaibigan. 'Agad ako nito sinundo sa condo ni Brie at dumiretso rito sa rooftop ng hospital para raw may fresh air kahit papaano.


Ayoko sana siya tawagan kasi sabi ko ginagawa ko siyang emotional punching bag ko kaso kailangan ko ng someone, eh. Ilang araw ko rin 'to kinimkim.


"Iiyak mo lang 'yan para malabas lahat." Sana may isang tao rin na nagsabi kay Brie katulad ng sinabi ni Avery. "I'm here," bulong niya muli.


Lalo akong naiyak dahil sana nasa tabi ako ni Brie noong panahon na kailangan niya ng isang taong masasandalan. Sana nakita ko na kailangan niya ng tulong... sana nasalba ko rin siya katulad ng pagsalba niya sa 'kin.


"S-sana... sana nakita ko 'yung signs para naman na s-save ko siya." naiiyak kong kwento kay Avery. "Si Brie, Avery... s-she needs someone..."


"Raji..." Alo nito sa 'kin. "Hindi natin kayang sagipin lahat." Tumingin ako rito habang hilam ang aking mga mata.


"Hindi ko nakita 'yung signs, eh. What if nakita namin 'yung signs?" Hindi ito umimik. Sinubsob ko ang aking mukha sa kan'yang tiyan habang yakap siya. Hinigpitan nito ang kapit sa 'kin. "Say something..." I want to hear anything from Avery regarding dito. I want to hear it. I want to comfort myself through her words.


"Na kwento mo sa 'kin before na... mahilig kang mang-ligtas ng ibang tao when you were a teenager." I smiled bitterly while remembering that era of my life. Taga-ligtas ng iba pero hindi maligtas ang sarili.


I am always the teenager who always listens to people's problems or anything else. Hindi ako nagrereklamo kasi gusto ko rin 'yun, I feel loved, I feel like they trusted me so much, kaya okay lang. But sometimes, I always wonder, how does it feel to be seen and heard?


She continued. "Kamo kaya mo 'yun ginagawa kasi You know how it feels to not be saved. 'Yung mga katulad mo nakakatuwa, because they have you, who is willing to save them from drowning even though you're drowning too." Hindi pa rin tumigil ang aking mga luha sa pagtulo. "Sinasabi ko 'to para ma-remind ka na you can't save everyone, Raji. We are thankful to have people like you, but you can't, and it's not your obligation to save everyone, especially those who can't help themselves... 'yung mga taong ayaw din mag pasalba." Napapikit ako nang haplusin ni Avery ang aking buhok.


"Don't try to save a person who doesn't want to be saved." Pahabol niya.


Pagkatapos sabihin ni Avery ang mahabang iyun ay pinanatili namin ang katahimikan ng paligid. Minuto ang lumipas bago ko naisipan na magsalita muli.


"Thank you," pilit akong ngumiti rito. Nilagay niya ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid ng tenga ko at ngumiti.


"Salamat din at hinayaan mo ako samahan ka sa ganito." Mahina niyang saad na tila nanghihina.


"Okay ka lang?"

The Beginning Of The EndWhere stories live. Discover now