Huminga ako nang malalim at bumuntong-hininga.
"Lalim non, ah. May problema ba?" 1 week na ang nakalipas nang nagkasagutan si Brie at Eli pero hanggang ngayon ay bitbit ko pa rin 'yun dahil simula non ay dumalang na sumabay sa 'min si Brie mag lunch. Kung sumabay man ay tahimik ito. Napansin ko rin ang pag lalim at pag-itim ng eyebags nito at ang pag-payat na parang bang hindi kumakain at natutulog.
"Nag-aalala ako sa isa kong kaibigan." Kwento ko. "Para kasing may problema siya, eh."
"Edi i-ask mo kung kumusta ba siya. Ang powerful kaya ng pangangamusta." Kinuha niya ang isa kong kamay na nag ta-tap sa lamesa at hinimas-himas ito ng dalawa niyang kamay. "Relax, Raji." Ngumiti na lamang ako rito at ginawa ang breathing exercise na tinuro ng therapist ko na ginagawa rin ngayon ni Avery.
"Breathe in slowly..." Huminga ako nang malalim katulad ng sinabi niya. "And breathed out gradually through your nose." Sinunod ko naman ang mga ito hanggang sa unti-unti ng umayos ang paghinga ko.
"Thank you," I genuinely uttered.
"Tagaytay kaya tayo bukas? Unwind lang, para before finals kaya na ulit."
Tumingin ako rito kung seryoso ba siya o nagbibiro. Hindi ito ngumisi o tumawa kung kaya't nasiguro ko na seryoso siya sa sinabi niya.
"So, are you g?" Choices.
Sasama or hindi?
"G," nakangiti kong saad.
"Okay, but for now, let's go to the hospital's rooftop first." Tumayo ako sa pagka-upo at binitbit ang kape na binili namin dahil si Avery na ang nagbitbit ng bag ko.
"Ano gagawin natin doon? Wala ng sunset, ah." 2:42 AM na pero ito kami ngayon nilalakad ang papuntang hospital. Naka 3 days off si Avery at valid ito hanggang bukas kung kaya't si Kuya Michael ang pumalit sa kan'ya.
"Secret, surprise 'yun." Maraming tao ang naabutan namin sa hospital pero kami ni Avery ay nag tuloy-tuloy lang sa pag-akyat. Pagpasok namin sa rooftop ay bumungad sa 'kin ang nakalatag na blanket at mga unan sa lapag. Meron ding maraming pagkain sa maliit na lamesa.
Tumingin 'agad ako kay Avery ng nagtataka.
"Surprise?" Nakangiti niyang tanong. "I chose to surprise you with this because I've seen that you've been worrying a lot lately about your upcoming finals. I hope you like it."
"Avery..." tumingin ako rito.
"Bakit? You-you don't like it?" Kaba at takot ang bumalot sa boses niya at sa kan'yang magandang mukha.
Naluluha akong umiling dito.
"Oh, why are you crying?"
"Eh, kasi binigla mo ako!" Natatawa kong saad habang pumapatak ang mga luha sa mata ko. Kung para sa iba ay mababaw ang ganito, para sa 'kin ay sobra-sobra ito lalo na para sa katulad kong first time maranasan ang ganito. "Thank you, Avery, thank you so much." I wholeheartedly uttered. Kung pwede lang mag lagay ng emoji habang kaharap ang isang tao ay ginawa ko na dahil sobra ko talagang na-appreciate ito.
YOU ARE READING
The Beginning Of The End
RomanceA short story. (Completed) She wanted to die. She wanted to live. At an unexpected place and time, two different people happened to meet. What can love do for them? Is the love that is growing between them helping them hang on to each other despite...