Suicide is a tragedy.
Kapag gusto mo ng mag pakamatay magiging makasarili ka na lang.
Habang hawak mo 'yung bagay na papatay sa 'yo hindi mo na maiisip 'yung sasabihin ng ibang tao sa 'yo kapag patay ka na.
Hindi mo na iisipin 'yung kung anong mararamdaman ng pamilya mo, kaibigan, o mga taong mahal ka kapag mag papakamatay ka na.
Hindi mo na rin maiisip kung makakapag bigay ka ba ng trauma sa mga taong nakapaligid sa 'yo. Ang tanging nasa isip mo lang ay mag pakamatay.
Gustong-gusto ko lang naman mabuhay pero bakit ang hirap? Bata pa lang ako isa na ito sa mga tanong ko.
Sinampal-sampal ko nang mahina ang mukha ko upang mawala sa isip ko ang mga gano'ng thoughts. Sabi ni Tita, ang pansamantala ko munang gawin upang mawala ang gano'ng thoughts ko ay isipin ko na lamang muna ang mga masasayang bagay na nangyari sa buhay ko habang naghahanap siya ng therapist para sa 'kin.
Lahat ng mga bagay na nag pa-saya sa 'kin sa kahit sa maikling panahon.
'Yung mga jokes ni Brie.
'Yung tinig ng tawa nina Hope at Sol na parang walang bukas.
'Yung minsanang ngiti ni Eli.
'Yung bonding namin ni Tita.
Bumangon ako at kinuha ang pulang hoodie at dahan-dahan lumabas ng kwarto. Ang buong bahay ay madilim na dahil ang mga ilaw ay nakapatay na. Panigurado tulog na sila Mama kung kaya't dumiretso ako ng kusina.
Binuksan ko 'agad ang ref namin at nakahinga ako nang maluwag ng may nakita akong tirang ulam. Ayaw ni Mama ako kasabay sa hindi ko alam na dahilan kung kaya't swertihan kung may ulam pang matitira.
"Gusto mo ba initin ko 'yan?" 'Agad ako lumingon kay nanay Lucing nang pumasok ito sa kusina.
Si nanay Lucing ay ang pinagkakatiwalaan na katulong ni Mama. Na-witness niya rin kung paano ako lumaki sa mala-impyerno na bahay na ito.
Ngumiti na lamang ako rito sabay iling. "Hindi na po, Nay. Tulog na po kayo..." mukha kasing naalimpungatan lang ito.
"Oh, siya sige, may tinabi akong cake r'yan ha. Para sa 'yo 'yun, alam kong paborito mo kasi." Lumapit ako rito at niyakap siya.
"Salamat po."
Habang iniinit ko ang ulam ay nilabas ko 'agad ang cake na sinasabi ni Nanay.
Tila may kumislap sa mata ko ng makita ko ang dalawang slice ng cake. Nilabas ko 'agad ito at nilapag sa lamesa. Sakto pagbaba ko nito ang siya naman pagpasok ni Kuya Kairus sa kusina.
"Sakto may cake pa." Kukunin niya sana ang cake ng kuhain ko 'agad ito. "Aba, ang damot mo, ah!" Halos napapikit na ako ng maamoy ko ang alak sa hininga nito at sa lakas ng sigaw niya.
YOU ARE READING
The Beginning Of The End
RomanceA short story. (Completed) She wanted to die. She wanted to live. At an unexpected place and time, two different people happened to meet. What can love do for them? Is the love that is growing between them helping them hang on to each other despite...