CHAPTER 2

5 1 0
                                    

Elaine POV:

Lumipas ang ilang araw ay magkasama parin kami ni Oliv. Kahit saan sya magpunta ay sinusundan ko sya.

Ngayon ay nandito ako sa hagdan paakyat sa room namin. Pinatawag daw ako ni Oliv dahil may papakita daw sya sakin.

Nandito na ako sa harap ng pinto at binuksan ko yon. Pagpasok ko ay bumungad sakin ang isang madilim na kwarto.

Kinapa ko ang pindutan ng ilaw at binuksan yon.

"SURPRISE!!!"

Namaintad ako sa gulat dahil sa biglang sigaw ni Oliv.

Naka-ngiting naka-tingin sakin ang mga kaibigan namin at mga klassmate pati narin ang teacher namin. Tinignan ko si Oliv.

Naka-ngiting na katingin sya sakin. Pero hindi ko magawang gantihan ang ngiti nya dahil nangangamba ako sa mga alaala na nanunumbalik sakin.

Bakit?

Bakit parang nakikita ko ang nangyari non?

Bakit parang bumalik sakin ang lungkot ng Araw na yon?

Huminga muna ako ng malalim para pigilan ang luha ko na kunti-kunting na lang ay babagsak na bago nagpilit-ngiti akong lumapit sa kanya at niyakap sya.

Ayokong ipakita sa kanya na nalulungkot ako...

"Happy monthsary babe.." naka-ngiting nyang Sabi nung humiwalay ako sa kanya ng yakap.

"Happy monthsary din babe.." naka-ngiting sabi ko habang pinipigilan ang emosyong ko.

"Yieeeee!!"

"Sweet naman!"

"Sana all!!"

Sigaw ng mga klassmate namin pati si Sir na teacher namin ay binigyan din kami ng panunuksong tingin.

Niyakap ulit ako ni Oliv ng mahigpit at bago nagpaalam kay Sir at yayain akong lumabas para kumain sa labas.

.
.
.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Dahil Dito napili ni Oliv na kumain kami at may hinanda daw syang dish na nirequest nya mismo.

"Babe kumain kana..., Nirequest ko talaga yan para sayo dahil di'ba paborito mo yan?" Naka-ngiting sabi nya habang pinagseserve nya ako ng pagkain.

"Oo naman babe..." Naka-ngiting sabi ko kaya natawa sya bago umupo ng maayos.

Masaya kaming kumain....

KINABUKASAN.....

Nandito ako ngayon sa park at naka-tago sa likod ng puno.

Tinalo ko pa si detective Conan sa pormahan. Dahil naka-suot ako ng black hoodie at simpleng black, nag white flat shoes lang ako at naka-sumbrero din at nagsuot din ako ng shades.

Sinusundan ko si Oliv ngayon na pumasok sa isang fastfood na malapit dito sa park.

Nang lumabas na sya ay umalis na ako sa tinataguan ko at dahan dahan syang sinundan.

Tumigil sya sa paglalakad kaya napatakbo ako sa mga magkakaibigan at kunwaring nakikisama sa kwentuhan nila.

"Bes ang pogi nya diba?"

"Oo nga Bes!"

Usapan ng mga babae sa harapan ko. Sabay sabay pa silang tumingin sakin na may pagtataka.

Pero hindi ko na pinansin yon at
Tinignan ko si Oliv sa gilid ng mata ko. Nakita ko syang lumingon sa paligid. Bago tumuloy ulit sa paglalakad.

Sinundan ko ulit sya. Sa Ngayon ay naka-rating na kami sa favorite place namin sa EK.

Tumigil ulit sya sa paglalakad kaya lumingon sya sa gawi ko. Kaya tinanggal ko ang sumbrero at shade ko.

Para naman syang nakahinga ng maluwag ng makilala nya ako.

"Babe palagi moba akong sinusundan?" Tanong ni Oliv kaya Tinignan ko sya ng may pagtataka.

Palagi?

Oo sinusundan ko sya pero hindi palagi...

Sinusundan ko sya 2 or 3 a week..

"What do you mean?" Takang tanong ko sa kanya.

"Sa tingin ko kasi may sumusunod kasi sa akin palagi." Sabi ni Oliv kaya  bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa sinabi nya.

Sumusunod palagi sa kanya?

Sino naman ang sumunod sa kanya?

Hindi ko pinahalata sa kanya na kinakabahan ako sa sinabi nya.

"Bakit ka nga pala nandito??" Tanong nya kaya napa-tingin ako sa kanya.

"May kikitain lang... Si ninang Anna dito kasi sya nagtatrabaho eh.. maninigil lang ako ng pamasko" palusot na sabi ko kaya natawa naman sya.

"Hahah sira ka talaga.. Tara sakay tayo sa rides nandito na rin naman tayo eh" natatawang sabi nya kaya tumango nalang ako.

Sumakay kami sa mga rides tulad nga ng sinabi nya.

OLIVER POV

Ilang araw na ang nakalipas ngunit napapansin ko palagi na may kakaiba na sa kinikilos ni Elaine ayaw ko sa nang mag alala sa kanya.
Ngunit hindi ko maiwasan.

Minsan tinatanong ko sya ngunit hindi nya naman ako pinakikinggan. Ngunit nakikita ko sa kanyang mata na napapaluha sya palagi at pinipilit lamang na ngumiti.

Palagi nya rin akong sinusundan nong nakaraan na araw pa na papansin ko yun.
I dont know what's really going on.

"Babe bakit ang weird mo? Okay kalang ba talaga?Nong nakaraan na araw pa akong nag tataka sayo."Sabi ko sa kanya ngunit ngumiti lamang sya at sinabi...

"Okay lang ako babe."Sabi nya at niyakap nya ako. Naguguluhan man ngunit niyakap konalang sya pabalik.

Pagkatapos namin kumain ay eh hahatid kona sana sya sa kanilang bahay. Ngunit nagtaka ako bakit ako ang kanyang eh hahatid?

Ako yung boyfriend kaya dapat ako ang mag hahatid sa kanya. Sabi nya wag na raw akong madaming tanong at sundin konalang daw ang gusto nyang mangyarie. Kaya sinunod konalang sya hangga sa naka dating na kami sa akin bahay naka ngiti syang tumingin sa akin.

Agad nya akong hinalikan sa akin buhok at niyakap ako ng mahigpit.Nagulat ako ng napapasingot sya at nong tinignan ko sya ay umiiyak na pala sya ng palihim.

"Babe, okay kalang ba talaga?"Tanong ko sa kanya."Nag aalala na talaga ako sayo ano na ba ang nangyayarie? Bakit palagi kanalang umiiyak ng palihim?"

Katulad kanina ngumiti lamang sya at pinunasan ang luha galing sa kanyang mata.

"Masaya lamang ako babe, Dahil nakakasama kita, Nayayakap , At higit sa lahat andito ka ngayon sa tabi ko buhay na buhay."Sabi nya kaya napakamot ako sa akin ulo.

"Babe naman eh ginawa munaman akong patay nyan."Sabi ko ngunit nakita ko nanaman syang malungkot at umiyak nanamam ulit."Nag tataka na talaga ako sa kanyang pinag kikilos.

"Babe samahan nalang kaya kita sa bahay nyo?"Sabi nya nong pa pasok na ako sa amin bahay

"Babe wag na, Andito sila mama baka mamaya ano pa ang sasabihin nya."Sabi ko

"Mag iingat ka palagi babe."

"Babe pang ilang beses munayan sinabi sa akin. Sige na Babe mag iingat karin pauwi sa inyo i love you babe."Sabi ko

Ngunit patakbo syang pumunta sa akin at niyakap ako.

"I love you too babe."

TO BE CONTINUED...

TIME TRAVELWhere stories live. Discover now