CHAPTER 8
YAM POV:
Nauna na akong bumalik sa present at iniwan ang dalawa sa nakaraan.
Inutusan ako ni Elaine na magmasid-masid sa paligid. Nandito ako ngayon sa park na lugar kung saan nakikipagkita si Kim sa lalaking kausap nya.
Letcheng babae toh!! Napaka landi!!
Plastik!!!
"Oh gawin mo lahat ng pwede mong gawin?! Wag lang nilang malalaman!"
Walangya talaga tong babaeng tong!! 10 years ng makalipas hindi parin tumutigil sa kagagahan nya.!!
"Masusunod po madam.."
Sabi naman nung lalaki habang naka-saludo pa na kala ko general yung kaharap niya.
Umalis na sila kaya umalis narin ako sa pinagtataguan ko. Habang naglalakad ako ay nakita kong sumusunod sakin si Blaster.
"Love..."
Tawag nya sakin pero hindi ko sya pinansin at patuloy parin sa paglalakad.
"Love.. Pansinin mo na ako.. ano bang problema?.."
Nagmamakaawang sabi nya pero hindi ko parin sya pinansin at mas binilisan ang lakad.
Hanggang sa makarating kami sa palengke ay nakasunod parin sya sakin.
Pero napatigil ako ng may nakita akong dalawang tao na namimili sa isang tindahan sa palengke.
Si Kuya Ellie? Malakas at masayang tumatawa?
At si Tita Eliz na Buhay at masaya ring tumatawa?
Nakaramdam ako ng tuwa sa dibdib ko ng makitang maayos at malakas ang Kuya at Nanay ng Beshie ko.
Pero ganon na lang ang pagbalik ng init ng ulo ko ng marinig ko ang boses ni Blaster.
"Love naman...."
Pero ganon na lang din ang gulat ko ng buhatin nya ako ng bridal style at tumakbo.
"Ano ba?!! Ibaba mo nga ako!!" Inis na sabi ko pero hindi nya ako binaba.
Panay ang pumiglas ko pero hindi nya ako binitawan.
Nakarating na kami sa isang iskinita. Binaba nya ako at kinorker sa pader. Habang ang dalawa nyang braso ay nakaharang sa magkabilang gilid ko.
Tinignan ko sya ng masama.
"Love.. Ano bang problema?" Naluluha na nyang tanong.
"Gusto mo malaman kung anong problema?!!" Galit na tanong ko sa kanya naiyak naman syang tumango sakin.
Tinulak ko sya ng malakas kaya napasaldan naman sya sa pader na nasa likod nya.
"Diba alam mo naman ang ayaw ko sa lahat ay Yung nagsisinungaling?!! Eh bakit nagawa mong pagtaksilan Ako?!! Ha?! Pinagkatiwalaan kita tapos ganto lang ang ipapalit mo sakin?! Pati kaibigan mong si Oliver dinamay mo?!! Tapos ano?!! Malalaman kong may nangyari sa inyo ni Kim?!! at talagang araw pa ng birthday ko nyo pa ginawa ah?!!" Galit na Galit na sabi ko.
"Your a cheater!!! bukod dito ano pa ang tinatago mo?!! " Dagdag na sumbat ko sa kanya.
Umalis na ako sa lugar nayon at iniwan sya dun.
Naiyak akong naglakad pauwi sa bahay.
Mas matatanggap ko pang aksindental kiss lang nung nakaraan eh? Kaso malalaman kong may nangyari na pala sa kanila!
Nung nakaraan na nakita akong tulala ni Blaster. Dalawang dahilan talaga ang dinidibdib ko nong araw na yon.
Sinabi ko sa kanya na naawa ako sa sitwasyon ni Elaine pero hindi ko sinabi sa kanya na nakita ko sila ni Kim na naghahalikan.
YOU ARE READING
TIME TRAVEL
Mystery / ThrillerThis story is about a woman named Elaine Rodriguez who goes back in time to reunite with her dead boyfriend.