CHAPTER 6
ELAINE POV:
"Kong yan ang gusto mo. Sige."
Halata ko ang pag-aalinlangan nya. Sino ba naman kasi ang maniniwala na galing ako sa Present?
Pinunasan ko ang mukha ko. At yumakap sa kanya. Ginantihan naman nya yon.
Sa totoo lang hindi ko alam kung paano sya madadala sa present pero hahanap at gagawa ako ng paraan.
Pero paano?
"Babe? Paano mo nga pala nalaman na may sumusunod sakin? Kanina? At sa lalaking sumusunod?" Sunod sunod na tanong nya sakin.
Malalim akong bumuntong hininga bago kuhanin ang notebook sa bag ko at sagutin ang mga tanong nya.
"Eto.. Eto Yung notebook mo at sabi ko nga sayo galing akong sa present dahil 10 years ka ng patay pero wala parin nakakaalam kung anong kinamatay mo at sino ang pumatay sayo kaya hanggang 10 years wala parin kustisya ang pagkamatay mo.. Kaya nung nabigyan ako ng pagkakataon na bumalik dito sa nakaraan... Ginawa ko na ang lahat para malaman ang totoong nangyari sayo... Sinusundan kita lagi kahit saan ka man magpunta lagi akong nakasunod sayo... Lagi ko rin nakikitang may sumusunod sayo.. kaya di'ba nga sabi mo nung nakaraan parang may laging sumusunod sayo?? Dalawa kaming sumusunod sayo pero binabantayan ko kung anong gagawin sayo nung lalaking sumusunod sayo..."
Mahabang paliwanag ko sa kanya. Kita ko naman bahagyang pagtutubig ang mata nya. Kaya yumakap ulit ako sa kanya ng mahigpit at hinalikan ang ulo nya. Mas humigpit naman ang yakap nya sakin.
"Sige sasama ako aayo.. kahit saan basta wag ka lang mawala sakin.."
Sabi nya kaya napa-ngiti naman ako.
.
.
.Dumaan ang friday at sabado na paulit-ulit ang ginagawa ko. Ngayon ay linggo at naka-hanap ako ng isang matandang lalaki na may kakahayang makapag-pabalik sakin at kay Oliv na makabalik sa Present.
"Mang Perting.. Ano po ba ang pwede naming gawin para maka-balik po sa present??" Tanong ko kay Mang Perting.
"Yang Hinihiling nyo ay hindi madali. At may kapalit ang Hinihiling nyo?" Sabi nya.
Bigla naman akong kinutuban at ramdam ko naman ang paghigpit ng hawak ni Oliv sa kamay ko. Napa-tingin ako sa kanya kaya ngumiti nalang ako.
"Sige po.. kahit anong kapalit po" naka-ngiting Sabi ko.
Kita ko at pag-aalinlangan ng matanda na tumingin samin. Bago gawin ang hinihiling namin.
.
.
.Sa isang iglap ay nagising ako pero ganon na lang ang tuwa ko ng makita ko sa tabi ko Oliv.
Ginising ko si Oliv. Hindi naman nagtagal ay nagising rin sya.
"Babe.. Nadala na kita dito sa present.." tuwang sabi ko. Kita ko naman ang laki sa ngiti nya at tuwa sa mata nya.
Hindi ko mapigilang hindi yumakap sa kanya. Gumanti sya sakin ng yakap kaya mas hinigpitan ko payon.
Naghiwalay na kami ng yakap at tinignan nya muna ako bago nilibot ang paningin nya. At duon ko lang napagtanto na nasa kwarto ko pala kami.
Yung sugat sa braso ko ay wala na rin at kahit peklat ay wala na.
Sana tapos na lang lahat..
"Tara baba tayo.." masayang aya ko sa kanya. Naka-ngiti naman syang tumango.
Naka-ngiting kaming lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.
"Inay?" Tawag ko ng walang akong makita na kahit sinong tao rito sa loob ng bahay.
YOU ARE READING
TIME TRAVEL
Mystery / ThrillerThis story is about a woman named Elaine Rodriguez who goes back in time to reunite with her dead boyfriend.