CHAPTER 5

1 0 0
                                    

CHAPTER 5

ELAINE POV:

Ngayon ay nasa restaurant kami kasama sina Yam at Kim. Dahil nag-aya silang kumain.

Hindi ko maiwasang maging emosyonal dahil sa kung saan kami ni Oliv na kumain nung nasa nakaraan ako. Parehong table ang kinainan namin noon at kinakainan namin ngayon ng mga kaibigan ko.

Hindi nagtagal ay dumating na ang inorder namin kaya sinimulan na namin ang pagkain. Hindi rin nagtagal ay nagkwento ako sa kanila. Ngumunguya naman silang tumango sakin.

"Alam nyo ba? Nakita ko si Oliv sa nakaraan..." Malaking ngiting kwento ko.

Nabitawan naman ni Yam ang parehong kurbiyertos nya at nag-aalalang tumingin sakin.

"Elaine, tama na.." Nalulungkot na sabi nya. "Pagpahingahin mo muna yung sarili mo.."

"Yam.. Totoo ang sinasabi ko.." naka-tingin ako sa mata nya habang  sinasabi ko yon at bigla namang bumagsak ang luha ko habang naka-tingin sa kanya.

Ninayap nya ako ng mahigpit. Nakita ko naman umirap si Kim pero Hindi na yon pinansin. May naririnig pa akong binubulong nya pero hindi malinaw.

Alam kong ayaw maniwala sakin ni Yam...

Kaya kumalas ako ng yakap sa kanya at kinuha ko ang bag ko at binuksan yon.

Pero napatigil ako ng makitang sa bag ko ang notebook ni Oliv.

"Ah girls, restroom lang ako?" Biglang paalam samin ni Kim kaya tumango nalang kami sa kanya.

Binalik ko ang tingin sa bag ko at hinalungkat ko ang lahat ng laman ng bag ko pero hindi ko parin mahanap. Sinubukan ko ng hanapin sa ilalim ng lamesa nagbabaka sakali na nalaglag yon ngunit wala rin.

"Elaine, ano bang hinahanap mo dyan??" Tanong ni Yam sakin.

"Yung notebook!!" Inis na Sabi ko habang nagbabadya nanamang tumulo ang luha ko.

"Baka?,. Nasa bag mo lang"

"Yammm,. Please hanapin natin yung notebook! Importante sakin non..." Naiyak na sabi ko.

"Sige na, Sige na hahanapin na natin..." Sabi nya bago simulan ang paghahanap. "Baka? Sa kung saan mo lang naiwan?"

"Hindi ko naiwan yon... Dahil bukod dito sa restaurant na toh wala na akong pinuntahan pang iba.." Naka-ngusong sabi ko sa kanya habang tuloy parin sa buhos ng luha ko.

Paano na ako makakabalik nito??

Paano ko pa makikita ulit si Oliv??

Pero ganon nalang ang gulat ko ng makitang may hawak na notebook si Kim pagbalik dito samin.

"Eto ba hinahanap mo??" Tanong nya kaagad sakin.

Paano nya nalaman na may hinahanap ako??

At bakit nasa kanya yan?

Kala ko ba magccr lang to? Bakit sa kaliwa sya galing eh nasa kanan yung Cr?

Hindi pina-halata na iniisipan ko sya ng masama kaya tumango ako at kinuha ang inabot nya sakin na notebook.

Nag-pilit akong ngumiti sa kanya. "Saan mo pala nakita toh??" Tanong ko sa kanya.

"Dun sa restroom"Naka-ngiting sabi nya pero halata ko namang peke yon.

Restroom? Eh hindi naman ako nagcr..

May nahahalata na ako Dito ah?!

Nagpilit-ngiti lang ako sa kanya. "Salamat"

.
.
.

Nandito na kami ngayon ni Yam sa labas ng restaurant habang hinihintay si Kim. Dahil may kakausapin lang daw sya.

TIME TRAVELWhere stories live. Discover now