CHAPTER 4

1 0 0
                                    

CHAPTER 4

KIM POV:

Tinitignan ko ang bawat kilos ni Oliver dito sa loob ng Classroom. Bising-busy sya sa paghahanda at pagdedecorate para daw sa  kung anong surprise nya para sa birthday ni Elaine.

Tsk.. may surprise-surprise pang nalalaman! Kala mo namang magkakatuluyan kayo!

Walang sayo Elaine!!

Akin lang si Oliver!!

Napa-irap ako bago lumapit kay Oliver na may malaking ngiti sa labi.

"Oliver.. Inom ka Muna" naka-ngiting Sabi ko sabay abot ng water bottle."Mukang pagod na pagod ka na eh.." dagdag na sabi ng abutin nya ang bote na hawak ko.

"Thank you."

.
.
.

Nagising ako ng may yumugyog sakin. Minulat ko ang mata ko at nakita si Yam na ginigising si Elaine.

Pero napa-tingin ako sa braso ni Elaine na dumudugo. Bigla akong kinabahan dahil parang bumalik sakin ang lahat ng nangyari nung makalipas ng sampung taon at kanina bago ako makapasok sa libro.

FLASHBACK

Nagtatawanan kaming naghahanap ng book ni Yam Dito sa dati naming school.

"Kim, sundan mo nga si Elaine" utos na sabi nya habang naka-tingin sa kung saan galing si Elaine.

Palihim akong napa-irap bago plastik na ngumiti at tumango sa kanya.

Umalis na ako at sinundan si Elaine na ngayon ay naka-upo sa table namin at may kung anong notebook na binabasa.

Malayo ako banda sa kanya kaya siguro hindi nya ako napapansin. Hindi nagtagal ay nakaramdam ako na parang tumigil ang oras.

At ganon nalang ang paglaki ng mata ko ng makitang umiilaw ang notebook na binabasa ni Elaine na ngayon si Elaine ay tulog. At ang mga tao dito sa loob ng library ay parang mga istatwa na.

Lumapit ako Kay Elaine na ngayon ay mahimbing na natutulog. Tinignan ko ang binabasa nya at Ganon nalang ang gulat ko ng makaramdam ako na parang hinihigop ng libro.

.
.
.

Hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng sakit ng katawan dahil para akong hinagis dahil sa pagkakahulog.

Umayos ako ng tayo at tinignan ang paligid.

Nandito ako sa dati naming school?

Lumabas ako at pumunta sa room namin dati at nakita ko roon ay umi-iyak si Elaine habang nakayakap kay Oliver.

Bakit parang nakita ko na toh?

Eh kung bumalik ako sa nakaraan! Edi mabuti at makakasama ko pa si Oliver.

Napa-ngisi nalang ako at sabay na tinignan ng masama ang dalawa.

"I know na babalik at babalik ka sa nakaraan. Kaya hinandaan korin ang muling pag babalik ko at hindi ko kayo titigilan" Sabi ko habang naka-tingin sa kanila ng masama.

.
.
.

Makalipas ang ilang araw ay nandito parin ako sa nakaraan at palihim na sinusundan sila parehong.

Ngayon ay nandito sila sa EK at sigurado akong pauwi na sila kaya hanggang sa bahay nila Oliver ay sinundan ko sila.

Nang maka-uwi si Oliver ay sinundan ko sa di kalayuan si Elaine.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang Kuya ko na si Mark sa di kalayuan sa kinarorounan ko.

"Hello.."

TIME TRAVELWhere stories live. Discover now