CHAPTER 3
Elaine POV:
Habang pauwi ako galing kila Oliv. Dahil hindi talaga ako mapakali kung may mangyayaring masama kay Oliv.
Ngayon ay malapit na ako sa kanto ng bahay namin. Pero napatigil Ako ng nakaramdam ako na parang may sumusunod saakin.
Bago pa ako makalingon ay nakaramdam akong may tumusok na matalim na bagay sa tagiliran ko at may biglang sumakal sakin gamit ang braso nya.
"Sino ka?!! Anong kailangan mo sakin?!" Galit na tanong ko sa kanya.
Imbis na takot ang maramdaman ko pero hindi dahil galit ang naramdaman ko.
"Wag kang maingay kung ayaw mong mamatay!!" Galit din na sabi nya.
"Wala akong pakealam! Ang mahalaga malaman ko kung anong kailangan mo sakin!!!"
Nanggagaliting Sabi ko sa kanya. Bago ko sikuhin ang tyan nya.
Napabitaw naman sya sakin habang iniinda ang sakit sa tyan. Kahit nasasaktan sya sa sakit ay nakuha nya pa akong tignan ng masama.
Mabilis syang tumakbo papalapit sakin habang naka-tutok ang kutsilyo. Paglapit nya sakin ay mabilis ko syang tinakdyakan at binalibag. Pero Hindi nakaligtas sakin ang hapdi ng braso ko dahil nagawa nya pa akong hiwaan.
Pero wala akong pakealam don. Habang naka-dapa sya sa sahig ay mabilis kong kinuha ang isang braso nya lumuhod ako habang naka-tuhod sa likod nya.
"Anong kailangan mo sakin?!!" Galit na tanong ko sa kanya.
Wala naman syang sinagot kaya mas diniinan ko pa ang pagikot ng braso nya sa likod nya.
Rinig ko ang pag-inda nya pero hindi ko pinansin yon.
"SINO KA?!!! AT ANONG KAILANGAN MO SA AKIN?!!! SUMAGOT KA KUNG AYAW MONG MABALIAN NG BRASO!"
Galit na sabi ko pero hindi talaga sya sumagot hanggang sa may dumating na tanod. Kaya napilitan akong tumakbo at hinayaan sya.
Tumakbo ako pauwi ng bahay.
Nang maka-uwi ako sa bahay ay bumungad sakin ang inay. Nagmano lang ako sandali bago magpaalam na aakyat na sa kwarto.
Naglinis at nagbihis lang ako ng pantulog. Balak ko pa sanang mag-isip kung sino ba talaga yung kanina pero hindi na kinaya ng katawan ko kaya naka-tulog ako ng deretso.
.
.
.Nagising na lang ako ng may yumugyog sakin. Minulat ko ang mata ko. Nakita kong tumatawang naka-tingin sakin si Yam at Kim.
"Naka-tulog ka nanaman? Hahaha" natatawang Sabi ni Yam sakin.
Napa-tayo ako sa gulat ng makita ko ang paligid ko hindi ko maiwasang hindi kabahan. Lumingon-lingon ako pero.....
panaginip lang ba?
Pero bakit parang totoo?
Nandito parin ako sa library. Paanong nangyari yon? Pero napa-daing ako ng mahina ng makaramdaman akong may tumutulo at humahapdi sa braso ko.
Tinignan ko yon at ganon nalang ang gulat ko ng makitang walang tigil sa pagtulo ng dugo ang braso ko.
"Elaine! Anong nangyari sa braso mo??" Nag-aalalang tanong ni Yam sakin.
Paano? Eto Yung sugat nung nahiwaan ako nung lalaking gustong pumatay sakin???.
Nagpilit-ngiti ako sa kanya. "Wala toh, Tamaan lang toh dun sa kanto ng lamesa.. may nakatuklap kasi dun eh hehe ayun dumaplis.." palusot kong sabi sakanya.
Napa-buntong hininga naman sya na para bang mabunitan sya ng tinik. "Eto toh! Kahit kailan talaga shunga shunga!" Sabi na para bang may malaki syang panghihinayang sakin.
Kumuha sya ng panyo at tinali yon sa braso ko.
Nagpilit-ngiti lang din ako kay Kim na naka-tingin sakin.
Kinuha ko ang notebook ni Oliv. At nag-yaya ng umuwi tumango lang naman sila.
"Ate bilhin ko na po ito?" Paalam ko sa nagbabantay rito sa Library.
"Nako iha.. Hindi namin yan binibenta dahil nakalaan talaga sayo yan... Sinabi samin nung may-ari yan na Ibigay daw sayo... Si Oliver nagsabi nyang nung nakaraang sampung taon sabi nya samin Ibigay daw yang notebook sa nagngangalang Elaine... Kamuka nyo naman yung babaeng nasa picture nung nasa bandang likod ng notebook... Kaya Sige iha sainyo na Yan" mahabang Sabi nya kaya naka-ngiti akong tumango sa kanya.
"Salamat po" naka-ngiting Sabi ko kaya tumango nalang sya.
Lumabas na kami ng school at napagpasyahang ng umuwi dahil maggagabi na.
Nang makarating ako sa bahay ay nagmano lang ako kay inay at nagpaalam. Bago umakyat sa kwarto ko.
Pagkarating ko ay nagbihis lang ako bago ilabas ang notebook ni Oliv at binasa ang mga naka-sulat don. Binalik-balik ko pa para lang makabalik don sa pinuntahan ko sa loob pero kahit ilang ulit ko ng binasa ay hindi parin.
Napa-luha nalang ng pilit na inaalala ang mga nakaraan namin ni Oliv.
Miss na miss na kita...
OLIVER POV(IN THE PAST)
"Yam nakita mo ba si Elaine? Hindi ko kasi sya makita eh."Sabi ko sa kaibigan ni Elaine pero kahit sya rin nag tataka.
"Ha? Pa-pa-ano? Eh kahapon lang magkasama kayo eh. Ayaw nya pangang umalis sa tabi mo kahit san sinusundan ka nya."Sabi ni Yam at nag aalala narin sya kay Elaine
Saan na kaya nag punta yun?Parang ka gabe lang gusto nyapang matulog sa amin bahay mabantayan ako?Pero bakit hindi ko sya mahanap ngayon?
Sana lang kong nasaan man sya ngayon ay nasaligtas sya at hindi mapahamak. Sa mga pinag kikilos nya nong nakaraan na araw alam kong hindi sya okay eh ramdam na ramdam ko ang emosion nya.
Kahit ngumingiti sya alam kong malaki ang problema nya.
Patakbo akong pumunta sa bahay nya nag babakasakali na nakabalik na sya sa bahay nila
Ngunit kahit ang magulang nya walang alam kong nasaan nag punta si Elaine.
Tinulongan na rin ako mag hanap ni Yam upang mapabilis mahanap si Elaine.
"Oliver!!!."Isang boses ang narinig ko ngunit hindi ko sya pinansin.
"Oliv".
Paulit ulit ang pag tawag at pag sunod nya sa akin habang ako pawis na pawis na at hinahanap ko parin si Elaine
Nagulat ako nong bigla nya akong niyakap sa akin likuran kaya napa hinto ako sa pag hahanap kay elaine.
Kumalas ako ng mabilisan galing sa pagkayakap nya.
Agad kong tinignan ang paligid ngunit walang masyadong tao at kaunte lang.
Tinignan ko sya ng masama.
"Ano ba!!!Hindi kaba titigil?!!!"Sabi ko at na pag taasan ko sya ng boses.
"Pe-pero mahal kita."Sabi nya napa kuyom ko ang akin kamao.
Ilang beses na syang nag sabi sa akin.
Pero paulit ulit kong sinasabi sa kanya na hindi ko sya gusto, At kaibigan nya ang girlfriend ko, Mahal ko si Elaine at kahit saan at sino walang makakatumbas ng pagmamahal ko sa kanya at walang makakasira don.
Hanggang kamatayan.
"Hindi kita mahal Kim kaya tigilan muna ako, Tigilan muna kami, Wag muna kaming sirain ni Elaine, Dahil hindi masisira ang relasyon namin yan ang tandaan mo."Panunumbat ko sa kanya dahil matagal konang alam sinisiraan nya ako kay Elaine at muntik na kami noon mag away ni Elaine dahil sa kanya.
Tinalikuran ko sya pero may sinabi sya sa akin na ikina bigla ko.
"I will kill you!!!."Pasigaw nyang sabi at pumasok yun ng paulit ulit sa isipan ko
"I will kill you!!!."
"I will kill you!!!."
"I will kill you!!!."
TO BE CONTINUED...

YOU ARE READING
TIME TRAVEL
Misterio / SuspensoThis story is about a woman named Elaine Rodriguez who goes back in time to reunite with her dead boyfriend.