CHAPTER 7

1 0 0
                                    

CHAPTER 7

ELAINE POV

Kahit labag sa loob ko ay ginawa ko ang gusto ni Oliv.

Bumalik kami sa nakaraan kasama sina Yam. Hindi alam ni Blas na kasama namin si Yam dahil ayaw din ipaalam ni Yam.

May pakiramdam daw si Yam na parang may tinatago sa kanya si Blas kaya mas pinili nya munang samahan kami ni Oliv sa nakaraan.

Nandito kaming dalawa ni Yam ngayon sa likod ng malaking puno sa park. Dahil napagdesisyonan naming hulihin kung sino yung lalaking sumusunod Kay Oliv.

Kasama si Oliv sa Plano at napag-planohan namin na Iset up yung lalaki.

"Elaine, ayun na yung lalaki oh?" Bulong ni Yam kaya napa-tingin ako dun kay Oliv na kunwaring naglalakad-lakad.

Nakikita ko naman yung lalaking naka-itim na hoodie na malapit sa likod ni Oliv.

Habang na kay Oliv ang paningin nya ay dahan dahan kaming lumapit sa likod ng lalaki habang nakabuka ang hawak kong sako at naka-tuwid na lubid na hawak ni Yam. Habang busy parin sya sa pagmanman kay Oliv ay tumakbo na kami at mabilis na sinout ang sako sa ulo nya at pinulupot ang lubid sa tiyan at mga braso nya.

Mabilis syang nagpumiglas kaya tinulungan na kami ni Oliv na kumapit ng mahigpit sa lalaki at dinala sa likod ng puno.

Tinali namin sya sa puno at...

"Anong balak mo kay Oliver?!!" Galit na tanong ko.

"Dahil gusto ko syang patayin!!!" Galit rin na sabi nya habang nagpumiglas sa puno.

"At! Bakit naman?!!! Ha?! May ginawa ba sya sayong masama para gantihan mo ng kamatayan?!!" Galit na sabi ni Yam.

"Dahil yun ang gusto ng amo ko!!"

"Sino nag-utos sayong patayin ako?!!" Galit na sabi naman ni Oliv at biglang sinuntok ng malakas ang mukha nya.

Hindi sumagot yung lalaki at kaya hindi na ako naka pagpigil ay malakas ko syang sinapak at sinuntok sa tiyan.

Tinanggal ko ang sako na nasa ulo nya at tinignan ang mata nya na may galit. Hindi namin kita ang buong mukha nya dahil naka-face mask sya.

"ANO?!! HINDI KA SASAGOT?!!" nang-gigigil kong tanong sa kanya.

Napa-pikit ng muntikan ko ng dumikit ang kamao ko sa pisnge nya.

"Kapatid ko! Ang nag-utos sakin nito.." luhang sabi nya kaya napa-tingin kaming tatlo sa mukha nya.

Pinagmasdan ko yun at doon ko lang napansin na may kamuka sya.

Inis na tinanggal ko ang mask nya at doon naming nakita ang mukha nya.

"MARK!!"

Sabay sabay na sabi naming tatlo. Bigla nalang umangat ang dugo ko at walang buhay syang tinignan.

"Mark! Anong ginawa sayo ni Oliver para pagtangkaan mo sya ha?! At Anong Sabi mo?! Inutusan ka ng kapatid mo?!! Ha! Anong pumasok sa kakote ng kapatid mo at nagawa nya ito kay Oliv ha?!! Alam mo naman na tinuri ka naming KUYA ni Yam tapos ganto lang gagawin mo?! AT NASAN ANG MAGALING KAPATID HA?!!!" Galit na Galit kong sabi sa kanya.

Hindi sya sumagot at umiyak ng umiyak ng malakas.

"H-hindi ko naman ginusto to eh.. G-ginawa ko lang kung anong ikakasaya ng mahal ko.... Lahat ginawa ko para sa kanya... K-kung saan sya masaya... May gusto sya kay Oliver kaya inutusan nya akong sundan si Oliver... Kahit labag sa loob ko ginawa ko ang utos nya.. Laging si Oliver ang napapansin at nakikita nya kahit ako yung narito?... Ginawa ko lang to para maging masaya sya kahit masakit sakin..." Naiyak na sabi nya.

TIME TRAVELWhere stories live. Discover now