One

4 0 0
                                    

Avery

"Avery, tignan mo itong ginawa kung saranggola"tawag niya sa akin.

Kaya iniwan ko muna ang ginagawa ko at lumapit sa kanya.

"Wow galing naman,paliparin mo na" naeexcited na sabi ko sa kanya at tumawa naman ito.

"Mamaya na, kapag medyo malakas na yung hangin"ngiting sabi nito at napangiti naman ako.

Ang mga ngiti niya, ang nagbibigay nang kapayapaan sa mundo ko.

"Tulala ka naman sa kagwapuhan ko?"sabi nito na ikinabalik ko sa reyalidad.

"A-anong nakatulala, mandiri ka nga sa sinasabi mo. Gwapo? Tsk eh mas gwapo yung papa ko sayo nu"sabi ko at umalis.

Gwapo naman talaga siya, pero nasobrahan ata sa hangin.

"Hahahaha,Tatanungin ko mamaya si Tito kung sino mas gwapo sa amin"sigaw na sabi niya at inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina.

Habang gumagawa ako nang bracelet ay nabigla ako nang yakapin ako ni Yno patalikod at hinalikan sa pisngi.

"Cute mong asarin Mahal, bulong nito sa tenga ko at nilayo ko naman ang sarili ko dahil nakikiliti ako sa pagbulong niya.

"Tss,nambola naman si Mambobola"sabi ko at pinatong naman niya ang baba niya sa balikat ko.

"Sa tingin mo ba, kapag nag college na tayo ganito parin ba tayo sa isat'isa?" natigil naman ako sa ginagawa ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kapag nag college na tayo, alam mo namang sa ibang bansa ako papaaralin nila Mommy"sagot niya.

"Meron namang cellphone para makapag communicate parin tayo ah"

"Yeah, but iba parin yung nasa tabi kita at nasa tabi mo ako. Natatakot ako sa long distance relationship Mahal, paano kung di natin makayanan?"Halatang malungkot ito.

Kahit ako natatakot rin, paano kung may makilala siyang ibang babae sa Australia. May tiwala naman kami sa isat'isa pero di talaga maiwasang mapaisip rin kami sa mga mangyayari lalo na at mga bata pa kami.

"Makakaya natin yun Mahal, tiwala lang hmm? Tama na nga yang mga negative thoughts mo. Ito suotin mo itong bracelet na ginawa ko"sabi ko sa kanya at sinuot ito sa kamay niya.

"Ganda, salamat dito mahal"ngiting sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"Mahal kita"sabi ko at tinitigan ako at ngumiti.

"Mahal na mahal din kita"sagot niya na ikinangiti ko.

"Hanggang ngayon ba dika parin naka move on Avery?"Nabalik naman ako sa wisyo nang magsalita si Paris kaya tinago ko naman ang bracelet na hawak ko.

"First love ko si Yno, di madali sa aking kalimutan siya"sagot ko at pumunta sa kusina para magtimpla nang kape.

"Almost Six years na simula nang tinaboy mo siya Ave, sa tingin mo ba hanggang ngayon ikaw parin yung nasa puso niya?"

Napatigil naman ako sa pagtitimpla nang sabihin yun ni Paris, Isa sa mga pinagsisihan ko nung tinaboy ko si Yno dahil sa ayaw kung masira ang kinabukasan niya nang dahil sa akin. Pero ayaw kung isipin na nakalimutan na niya ako at nakahanap nang iba.

"Nangako kami sa isat'isa at kahit tinaboy ko siya, Mahal parin ako nun"sagot ko at tinapos ang pagtimpla.

"Pangako..pangako ay napapako,Hindi lahat nang promise natutupad Ave,tsaka duhh na sa modern era tayo kung saan hindi uso ang katulad nila Crisostomo Ibarra at Maria Clara na love story kung saan kahit ilang taon man ang lumipas ikaw parin ang mahal"

Napabuntong hininga naman ako sinamaan siya nang tingin.

Nakalimutan na kaya niya?

Yno Garcia | Skz Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon