Eight

8 0 0
                                    

"Paris, okay na itong dress?"tanong ko sa kanya habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.

Ngayon na kasi ang Booksigning ni YG at susunduin daw ako ni Yohan kaya nag ayos naman ako.

"Bobita, booksigning naman ang pupuntahan mo hindi binyag"sagot nito at nilingon siya pero nakatitig lang ito sa cellphone niya kaya dinampot ko naman yung gairbrush ko at tinapon sa kanya.

Sapol!

"Aray! Ano ba Avery?! Sakit nun ah"sabi nito at akmang itatapon sa akin ang Hair brush nang marinig namin ang pag ding dong sa labas kaya nagmadali naman bumangon si Paris at lumabas kaya lumingon ulit ako sa salamin.

Okay na tu, YG here I Come!

Pagkatapos kung ayusin ang sarili ko ay kinuha ko na ang libro at pinasok sa bag ko at nagmadali nang lumabas.

"Bobita!! Nandito na si Yohan!"Sigaw ni Paris kaya nagmadali naman ako.

At nakita ko si Yohan sa labas nang gate na nakikipag usap kay Paris.

"Sorry,sinigurado ko lang wala akong naiwan"sabi ko nang makalapit sa kanila at napatingin naman sa akin si Yohan at ngumiti.

"Ang ganda mo pala ate kapag naka ayos"sabi nito at natawa naman si Paris kaya sinamaan ko naman ito nilingon.

"So, kung di pala ako naka ayos mukha akong pangit?"Pilit na ngiting sabi ko kay Yohan at nahalata naman nito ang boses ko.

"Hindi naman ganun ang ibig kung sabihin, ang ibig ibig kung sabihin ay mas lalo kang maganda kapag naka ayos"pagpapaliwanag naman nito kaya ngumiti naman ako.

"Ehem, Oh ano pa yang tinatayo niyo diyan? Umalis na kayo at baka ma late pa kayo medyo traffic pa naman papuntang Mall"sabi nito sa amin kaya binuksan naman ni Yohan ang passenger seat at inalalayan ako.

"Bruha wag mo kalimutan yung picture niyo ni YG!"sigaw nito at tumango naman ako.

T nang makapasok na si Yohan ay doon na kami lumarga.

Pagkarating namin sa Mall ay nagmadali naman kami ni Yohan na makasakay sa Elevator patungong third floor dahil nandoon ang Convention center kung saan idadaos ang booksigning ni YG.

Pagkarating namin sa Third floor ay nadatnan namin ang madaming tao na sigurado akong hinihintay na lumabas si YG.

"Late na tayo Yohan? Papasukin paba tayo?"tanong ko kay Yohan nang makitang sirado na ang pintuan.

"Don't worry may ticket naman tayo"bulong nito sa akin at inalalayan ako papunta doon sa guard.

Pagkarting namin ay binigay ni Yohan ang Ticket at pinapasok na kami kaya nakahinga naman ako nang maluwag.

Pagkapasok namin ay nakita na naming nakapila na ang mga tao.

"Pumipirma na si YG, pumila kana Ate"Sabi nito sa akin at pumila naman ako sa dulo nang pila at sumunod naman si Yohan sa likuran ko kaya siya na ng nasa hulihan.

Dahil matagal pa naman kami ay kinuha ko na muna ang libro at ang cellphone ko sa bag at kumuha nang litrato.

Unang kinunan ko ang nasa unahan kung saan nandoon si YG pero may nakaharang kasi kaya diko makita si YG.

Kumuha rin kami nang litrato ni Yohan.

"Shit! Ang gwapo ni YG!!!!"Impit na sigaw nang babae na tapos na nakapapirma nang dumaan ito sa amin.

So lalaki si YG..

"Kinakabahan ako Ate"bulong na sabi ni Yohan kaya napalingon naman ako.

"Akala mo ikaw lang, ako rin kaya kinakabahan"sagot ko.

Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako..Parang feeling ko may masamang mangyayari.

Nang malapit na kami ay inayos ko na ang sarili ko at kinuha ang cellphone ko na ibinalik ko kanina sa bag at nang ako na ay nilapag ko naman ang libro  at nang makuha ko na ang cellphone ko ay tumingin na ako sa harapan ko at para naman akong binuhusan nang malamig na tubig.

Bakit siya pa...

"Yno?"sambit ko at tumgil naman ito sa pagpirma at tumingala sa akin.

Katulad ko ay parang binihusan rin siya nang malamig na tubig dahilan para mabitawan niya ang Pentelpen na hawak niya.

"Avery"Sambit niya rin na mas lalo kung ikinatigil.

Narinig ko ulit sa bibig mo ang Pangalan ko.. Pero bakit ganun..bakit may epekto parin ang pagsambit mo sa pangalan ko.

"I-ikaw si YG?"Utal na sabi ko at doon ko naisip ang Meaning nang YG.

Yno Garcia

Dahil sa kabang naramdaman ko at sakit ay tumakbo ako papalabas nang convention na yun at narinigko naman ang pagsigaw ni Yno nang Pangalan ko pati na rin si Yohan pero di na ako lumingon at nagmadali nang umalis sa lugar na yun.

Bahala na kung mabalita ako mamaya, basta maka alis na ako rito at makalayo sa kanya.

Yno Garcia | Skz Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon