Ten

3 0 0
                                    

"Teacher?"

"Teacher?"

Nabalik lang Ako sa ulirat nang yugyugin Ako ni Neo, estudyante ko.

"Oh,may kailangan kaba Neo?"tanong ko sa kanya at di naman Siya sumagot sa akin at may tinuro sa labas kaya lumabas Ako Nakita ko si Yohan at may Dala itong bulaklak at Isang malaking supot.

"Yohan, Anong ginagawa mo Dito?"takang tanong ko at inaya Siya pumasok sa room at binati Naman Siya nang mga bata.

"Napadaan Kasi Ako kanina sa may plaza, at naisip kita kaya binilhan nalang kita Ate"ngiting Sabi nito at inabot sa akin ang Isang bouquet nang Red rose.

"Tsaka nagdala narin Ako nang mga snacks sa mga bata at sayo"dagdag nito at nilagay sa mesa ko ang supot na Dala niya.

"Salamat Dito Yohan"ngiting Sabi ko.

"Yieeeee"

"Bagay kayo Teacher!"

"Sana all po"

Sigaw nang mga bata at napatawa naman kami ni Yohan.

"Kids, mag kaibigan lang kami ni Sir Yohan okay?"Sabi ko at natahimik naman Sila pero ang iba nanunukso parin.

"Nga Pala Ate, ito Yung libro mo"Sabi niya at inabot sa akin ang libro.

"Ahh.. salamat"pilit na ngiting Sabi Ako binuksan ang libro at Nakita ko Doon ang pirma mi Yno.

"Ex mo ba siya Ate?"tanong niya.

"Ahmm..salamat nga Pala Dito Yohan. Naalala ko Pala pinapapunta Ako Nang Dean sa Office"Sabi ko at nilapag ang bulaklak sa mesa ko at nilagay ko naman sa drawer ang libro at kinuha ko ang bag ko at sinukbit ito.

"Ahmm.. Sige po Ate mauuna na Ako"Sabi nito at naunang lumabas kaya makahinga naman Ako nang maluwag.

Pagkatapos kung ibigay ang mga pagkain na Dala ni Yohan sa mga bata ay umalis na Ako at dumiretso sa office.

Pagkapasok ko palang ay sinabihan na Ako ni Kaye secretary nang Dean na umalis na daw ito at baka bukas na Ako kausapin kaya umalis narin Ako at bumalik sa Room ko.

"Good bye and Thank you Miss Lee See you again Tomorrow"

Pagkalabas ko nang school ay nag inat inat muna Ako dahil sa mahabang araw ko na puro stress sa mga batang makukulit.

"Ahhh"

"Hooo"

Pagkatapos ko ay kinuha ko na ang susi nang kotse ko sa bag at dumiretso sa pinag parking-ngan ko.

Pagkauwi ko nang Bahay ay Nakita ko naman si Paris na may tinitignan sa cellphone niya kaya dahan dahan naman akong lumapit sa kanya at ginulat.

"Boooo!"gulay ko sa kanya at nagulat naman ito.

"Ano ba! Avery! Bat kaba nagugulat!"inis na Sabi nito at pinulot ang cellphone niya na nahulog.

"Eh tutok ka diyan sa pinapanood mo eh, ano ba yan?"tanong ko at umupo sa tabi niya.

"Bagong series ni Jiro"Sagot nito at tumingin ulit sa pinapanood niya kaya sumilip naman Ako.

"Ano sa tingin mo Kaleb? Kay Annicka ba itong mga damit na tu?"Sabi nang Isang actor Kay Kaleb na si Jiro ang nagdadala.

"Sigurado Ako France, Kapag Nakita ko Yung babaeng yun di Ako mdadalawang isip na patayin Siya"Galit na Sagot naman ni Kaleb.

Hayst!

"Alam mo sa kakapanood mo yan Kay Jiro siguradong tatanda kang dalaga" Sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang sapatos ko.

"Arayyyy! Ano ba Paris! Bitawan mo nga tenga ko!!!"Inis na Sabi ko sa kanya nang pingutin niya ang tenga ko.

"Alam mo ang KJ mo! Excuse me! Ako ang magiging Asawa ni Jiro! Tsaka hintayin mo lang at Kapag dumating Yung araw na Yun di ka imbitado sa kasal namin letse ka!"inis na Sabi nito at lumayo kaunti sa akin.

"Sige, Malaya naman mangarap"sabi ko nalang at tumayo at kinuha ang bag ko para bumihis.

"Mabuti di nakalat Yung mukha mo sa social media, kung Hindi baka buong araw mo makikita itong maganda kung mukha"Sabi niya at napairap naman Ako.

"Lakas nang hangin sobra!"pang iinis ko sa kanya at binigyan naman Ako nito nang bad finger.

"Letse ka!"Sabi nito kaya napatawa naman Akong papunta sa kwarto ko nang may sinabi nanaman ito.

"Nga pala, pumunta dito kanina si Yno. May inihatid na sulat. Nilagay ko diyan sa kama mo"Sabi nito at tumingin naman Ako sa kanya pero nakatutok ito sa pinapanood sisiguraduhin ko kung iniinis niya Ako pero dahil busy ito sa pinapanood baka nga ay totoo kaya mabilis naman Akong pumasok sa kwarto at para kumipirmahin. At Tama nga may Isang pink na sobre sa kama ko.

Dali daling linapag ko naman ang bag ko at kinuha ang sobre.

"Mi Amor"

Basta ko sa likod nang sobre at binuksan ko naman ito at Isang maliit na papel lamang ang Nakita ko.

Sa Lugar na Kung saan sinagot mo Ako. 9:30 am

Yun lamang ang nakasulat at Wala nang iba.

Anong ibig Sabihin niya?

Yno Garcia | Skz Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon