Six

3 0 0
                                    

Avery

"Avery Nakikinig kaba?"Nabalik naman ako sa wisyo.

Takneng mukhang yan?! Bat nakalapit.

"Ano ba?! Wag mo nga ilapit yang mukha mo at masyadong pangit"inis na sabi ko at padabog naman itong umupo.

"Nakakainis ka?! Grabe makapangit ah! Baka diko bayaran yang kape at cake mo"inis na sabi niya.

Edi wag! Akala naman niya wala akong pera dala dito.

"Sinong kausap mo?! Eh mas marami akong pera sayo nu..manakot ka nalang yan pang meron ako tsk"inis na  sabi ko at inubos ang kape.

"Anong chapter kana niyang libro bobita?"tanong niya sa akina at tinuro ang libro na nasa tabi ko.

"Chapter twenty five,bakit babasahin mo ba?"tanong ko.

"Oo pero mukhang wala pa akong time. Nga pala sa martes na yung booksigning ni YG,pupunta kaba?"

"Oo,ililibre daw ako ni Yohan sa Entrance"

"Sinong Yohan? Boyfriend mo?"

"Anong Boyfriend?! Kaibigan ko lang yun"

"Okayyy..wait punta muna ako cr, dito ka muna wag kang aalis kundi makikidlatan ka mamaya"pananakot nito at inirapan ko naman ito.

Akala mo naman lalayasan ko tskk..Makabasa na nga lang ng libro para di nsman masayang yung pera na binili ko dito.

Masyadong matabang talaga tung kape, pero ano magagawa ko paborito mo tung binibili para sa akin.

Ngayon nasa mall ako naglilibot libot, umaasang makita ka. Umaasa na sana pagtingin mo sa harapan ay makita mo ako at yakapin nang mahigpit.

Ewan ko ba at parang may sariling buhay ang katawan ko at napatingin sa harapan.

"Y-yno?" para akong natulos nang makita ko itong may hawak na kape sa kaliwang kamay niya at ang kanang kamay niya ay hawak ang cellphone niya at mukhang may katawag ito.

Dahil sa hindi ako makapaniwala ay kinusot ko ang mga mata ko at sa pagtingin ko ulit ay nawala na siya.

Namamalik mata lang ba ako?

Pero parang si Yno talaga yung nakita ko..

Imposible, sa tingin ko ay di siya papayagan nang mommy niya na umalis ito sa Australia at bumalik dito sa pilipinas.

Baka nga may asawa na siya..

Para namang may tumusok sa puso ko nang maisip yun.

"Huy! Para ka namang nakakita ng multo diyan, nasobrahan ba nang asukal yang kape mo at nakatulala ka?"nabalik naman ako sa wisyo nang bumalik si Paris.

"Wala, napaisip lang ako kung tao ba si YG o hindi"pagdadahilan ko at binasa ulit yung libro.

"Bat ka naman napaisip kung tao siya o hindi?"tanong naman niya.

"Na predict niya kasi yung mangyayari"

"Huh? Paano?" naguguluhan niyang tanong.

"Ewan, kaya nga tinatanong ko eh"

Mukhang siya yung bobo sa aming dalawa tskk..

"Shit! Bobita itago mo ako"nababalisang nuyang sabi at naguguluhan naman ako.

"Huh? anong itago? May inutangan ka ba"sunod sunod kung tanong sa kanya.

Imbes na sagutin ako ay umalis ito sa upuan niya at tumakbo papuntang Cr at napalingon naman ako sa likuran at nakita ko ang isang matangkad na lalaki at napaka cold nang mukha,matangkad,gwapo,matangos na ilong at mapupulang labi at masasabing mong may lahi.

Ito ba ang tinataguan ni Paris?

Mukhang malaki ang kasalanan ni Paris ah.. At parang galit na galit si Mr. Pogi

Mga ilang minuto rin itong nakatayo doon at nagulat naman akong tumingin ito sa akin.

Lahh kuya wag kang ganyan..

Para siyang nakikipag usap sa paraan nang pagtingin niya sa akin.

Dahil medyo bobita ako, diko mabasa ang gusto niyang sabihin sa akin kaya umiwas nalang ako at kunyari nagbabasa.

Mga ilang segundo rin at napalingon ulit ako at wala na siya.

Hoooo.. Mabuti umalis na siya.

Mayay'maya ay lumabas na si Paris sa Cr at parang magnanakaw na lumilinga linga sa paligid.At nang masigurado ay lumapit na siya sa akin at nagmamadaling inayos ang gamit.

"Mag ayos kana diyan Bobita at uuwi na tayo, baka makatay ako rito nang wala sa oras"kinakabahang pag utos sa akin.

Kaya nag madali naman akong ubusin ang kape at cake ko.

Sayang naman yung pang bayad,libre pa naman.

Pagkatapos kung maubos ay inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo na.

"Aray!"napatingin naman ako kay Paris nang sumigaw ito at nakita ko naman yu g lalaki na mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Paris.

"Ano ba! Caleb! Bitawan mo nga ako"Galit na sigaw ni Paris kaya napatingin sa amin ang mga customer.

"Kakausapin lang naman kita Paris! Ano bang problema mo at ayaw mo akong kausapin!"Galit ding sigaw nang lalaki.

"Eh sa ayaw kitang kausapin! Ano ba! Bitawan mo nga ako!"Sagot ni Paris sa kanya.

Akmang lalapit sana sa amin yung manager nang Coffee Shop nang biglang hatakin nang lalaki si Paris palabas nang Coffee Shop.

"Caleb! Bitawan mo nga ako!"rinig kung sigaw ni Paris.

At dahil sa kahihiyan ay nilagay ko nalang yung bayad sa table at nagmadaling lumabas.

Peste! Ako rin pala ang magbabayad.




Yno Garcia | Skz Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon