Five

3 0 0
                                    

Avery

"Mahal,malakas yung ulan nilalamig ako"malambing na sabi sa akin ni Yno at napangiti naman ako.

Ang cute niya sarap ibulsa. Swerte naman akong boyfriend ko tung kangaroo na tu.

"Gusto mo bang gawan kita nang sopas?"tanong ko sa kanya at natitig naman ako sa mata niya.

"May marumi ba sa mukha ko?"takang tanong ko. Baka may madumi sa mukha ko maturn off siya.

"Wala, naisip ko lang ang swerte ko"ngiting sabi niya at inayos ang mga ilang hibla nang buhok ko.

Shet! Kinikilig ang buong system ko myghaddd!

"Malamang ako girlfriend mo eh"sabi ko at natawa naman siya.

"Gusto mo ba nang sopas?"tanong ko ulit sa kanya at baka malunod na ako sa kilig kung papatagalin ko pa.

"Yeah, gawan mo nga ako misis ko"malambing na sabi nito na ikinapula naman nang pisngi ko.

Myghaddd malakas yung ulan pero bakit naiinitan ako shet!

"Misis ka diyan! Baka marinig ka nila Mama..mapalayas ka"sabi ko sa kanya at zinipper naman niya kunwari ang bunganga niya.

"Diyan kana muna at magluluto ako"sabi ko sa kanya.

"Bobita gising na, uyyy bobita may klase kapa!"Napamulat naman ako nang gisingin ako ni Paris kaya bumangon naman ako.

Panaginip, nanaginip nanaman ako sa kanya..

"Okay kalang? Masama ba pakiramdam mo?"nag aalalang tanong sa akin ni Paris at umiling naman ako.

"Wala, lumabas kana mag aayos na muna ako"Walang ganang sabi ko at napatakip naman nang ilong ang bruha.

"Mag ayos kana talaga, baho nang hininga mo"sabi nito at sinamaan ko naman siya nang tingin.

"Uyy joke lang naman, sige na mag ayos kana at baka ma late kapa..aayusin ko muna yung pagkainan doon bye"sabi nito at nagmadaling lumabas.

Bruha talaga, haysttt Yno sabihin mo nga buhay kapa ba? Bat parang nagpaparamdam ka nanaman..

Hayst, umayos kana nga Avery hindi ito yung panahon para maging bida sa kdrama.

Napatayo naman ako at kinuha ang twalya ko at pumasok na sa banyo.

"Oh, mabuti naman at bumaba kana. Kumain kana dito at baka lalamigin itong sopas na niluto ko"Natigil naman ako sa sinabi niya.

"Sopas? Breakfast?"tanong ko.

Pati ba naman sa reyalidad may sopas parin. Bumibida ah.

"Eh, hoy bobita di tayo mayaman kaya kumain kana diyan"pag aaya niya.

"Di na, doon nalang ako kakain sa school. Naalala ko kasi pupunta pa ako sa Principal Office"pagsisinungaling ko.

"Eh? Sayang naman tung sopas na niluto ko kung ako lang mag isa kumain"malungkot na sabi nito.

Haystt..bruha talaga pinapaguilty niya ako bwisit.

"Ayaw kung kumain nang sopas, may naalala ako kapag kumain ako niyan"sabi ko at sana di niya banggiti-

"Si Yno? Ba naalala mo sa sopas.."sabi nang wag banggitin eh.

"Sino paba tsaka aga aga para makarinig nang nega, sige na aalis na ako. Babawi nalang ako sayo mamaya babye"sabi ko at nagmadaling lumabas.

Whoo..may epekto parin pala talaga pangalan..grabe!

Pagkarating ko sa school ay dumiretso na ako sa canteen para kumain dahil humihingi na ang alaga ko sa tyan.

"Magandang Umaga Binibing Avery"napalingon naman ako sa likuran ko.

"Oh Yohan, Good morning din"bati ko..Isa sa mga kaibigan ko si Yohan matanda lang ako sa kanya nang limang taon.

"Bibili ka rin po ba nang pagkain?"tanong niya.

Obvious ba?

"Ahh..Oo di ako naka breakfast sa bahay eh"sagot ko.

"Same rin po pala tayo"sabi nito at kumuha rin nang plato at binigyan ako.

"Wag ka nga mag po sa akin, baka isipin nang iba dito masyado na akong matanda"sabi ko sa kanya napatawa naman ito.

"Pasensya na po ay este di kasi ako sanay lalo na't naging guro kita dati"magalang na sabi niya.

Cute niya talaga mukha siyang fox myghaddd..

"Dapat masanay kana ngayon dahil parehas na tayong guro okay?"sabi ko at nag okay sign.

"O-okay"sagot niya at nag okay sign kaya natawa naman kami.

Yno Garcia | Skz Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon