Four

2 0 0
                                    

Avery

"Teacher Avery, Tignan mo po itong ginawa ko"napalingon naman ako nang tawagin ako nang isa sa mga estudyante ko.

"Ano ba yang
ginawa mo Chris?"malambing kung tanong sa kanya.

"Ikaw po tsaka yung boyfriend nyo"nakangiting sabi nito at binigay sa akin ang papel.

Diko alam kung maiinsulto ba ako or matatawa dahil nagmukha akong baboy sa drawing or matutuwa nalang.

"Wala naman akong boyfriend baby"sabi ko habang tinititigan yung gawa niya.

Nasa drawing kasi nasa park ata kami tsaka naka holding hands tapos mataba ako masyado.

"At bakit mataba ako dito?"pabirong tanong ko.

"Kasi po Teacher Pregnant kapo diyan sa drawing. Tapos yung daddy nag baby niyo po yung boyfriend niyo"masayang sabi nito at napalunok naman ako.

Baby, ayaw kung mabuntis na dipa ako kinakasal myghaddd makakatok nga sa mesa at baka magkatotoo pa.

"Ahh..Thank you baby hehehe..na appreciate ni Teacher yung drawing mo. Sige balik kana doon"nakangiting sabi ko at tumakbo naman ito pabalik sa upuan.

At napatitig naman ako sa drawing at nilapag nalang yung gilid.

"Oh, nandyan kana pala"bati sa akin ni Paris

"Ayy, kaluluwa ko lang tu tapos nasa school yung katawan ko"pilusopo ko sa kanya.

"Tsk Ayan ka nanaman, parang di kaibigan. Kumain kana at nagluto ako nang ramyeon kakatapos ko lang kumain kaya ikaw lang mag isang kakain"sabi niya at nag lagay nang plato sa mesa.

"Bakit andito ka nanaman? Mahina naman ba ang wifi sa bahay mo?"tanong ko sa kanya at nilapag ang bag ko sa sofa.

"Pssh, dito muna ako mga one week lang"

"Bakit naman?"

"Nakakainis yung kapitbahay ko doon masyadong mahangin tsaka feeling gwapo akala mo naman maiinlove ako"inis niyang sabi.

Maiinlove? Mahangin?

"May kapitbahay kana pala?"tanong ko at umupo na.

Hmm..mukhang mababalewala ko nanaman ang diet plan ko ah.

"Kakalipat lang niya kahapon, tapos feeling close agad. Sinabihan pa naman akong pinagnanasaan ko siya kaninang umaga?! Diba pwedeng nalingat lang ako at napatingin sa bintana niyang di nakasara tapos naka boxer siya?!"

"Ilan ba ang pandesal?"

"Anim, teka bat mo ako tinatanong nang ganyan?!"galit nitong sabi at napatawa naman ako.

"Ang sabi ko ilang pandesa ang bibilhin ko bukas nang umaga?"natatawang sabi ko.

"Ayusin mo kasi! Ikaw bahala. Iniiba mo labg yung usapan eh"

"Eh, diko alam anong isasagot ko sa sinasabi mo eh"sabi ko at kumagat nang manok.

"Aishhh, basta ayaw ko na siyang makita ever! Feeling gwapo at yummy duhhh di siya si Jiro para pagnasaan ko!"pang uungot niya pero hinayaan ko nalang at patuloy na kumakain.

"Doon kana matulog sa kabilang kwarto, malinis naman yun tsaka nandoon narin yung mga kakailanganin mo"Sabi ko kay paris nang makaupo na kami sa sofa at nanonood nung Jiro ba yun.

"Salamat bobita, kaya love kita eh. Ikaw ang pinaka the best na kaibigan sa buong Mars"sabi nito sa akin at niyakap naman ako.

"Diba siya yung lalaki sa kdrama na pinanood mo?"tanong ko sa kanya.

"Yepp, Avery Meet Jiro Marquez Ang pinaka gwapo kung asawa"pagpapakilala nito sa lalaki na nasa tv.

"Kumakanta rin pala siya"

"Yep,napaka talented niyan hindi lang sa pag arte at pagmomodelo. Magaling rin siya sa arts kaya nga ako nainlove eh"sabi niya at kinikilig pa.

"Alam mo napapaisip ako, swerte yung magiging girlfriend niya. Hindi lang siya sikat,gwapo,mayaman,talented napaka respetado pa. Alam mo bang never pa siya naka girlfriend kahit isa"pagbabahagi niya.

"Paano ko malalaman? Close ba kami niyan?"sabi ko at binatukan naman ako nang bruha.

"Sarap mo namang kausap bobita"inis na sabi nito.

Tskk, malamy ko ba kung may nagirlfriend na yano wala pa. Tssk makabasa na ngalang kaysa manood nang mga ganyan di naman nakakatulong sa problema ko.

Page two na ako.. Hayss ilang page ba tu?

Maulan ngayon, umuulan rin ba dyan sa pilipinas?

Kapag ulan,naalala ko nilulutuan mo ako nang sopas. Kinukulit mo pa nga si Tita noon na bumili nang pang sopas dahil sa nilalamig lang ako.

Baby na baby mo ako dati, pero ngayon mukhang iba na ang baby mo.

May yumayakap ba sayo tuwing umuulan?

May nag kwekwento ba sayo tungkol sa mga Bituin?

"Bobita, dika paba matutulog? May pasok kapa bukas"sabi ni Paris at napatigil naman ako sa pagbabasa at kinuha ang cellphone ko para tignan ang oras.

10:50 pm na pala..

"Matutulog na, ikaw?"tanong ko.

"Mamaya pa tatapusin ko lang tung isang episode"sagot niya at napatango naman ako at dumiretso na sa kwarto ko.







Yno Garcia | Skz Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon