Fourteen

2 0 0
                                    

Yno

Pagkatapos kung sunduin si Avery ay pinaupo ko Siya sa may unahan at iniwan muna Doon para puntahan si Primo at Uno na nag aayos nang mga instrument para Mamaya sa Banda.

"Dre, nandyan na ba si Yuri?"tanong ko Kay Primo.

"Dre nakalimutan mo ba? Surprise birthday natin tu Kay Yuri"Sagot nito at naalala ko Pala na Ako Yung look out sa gate.

"Ahh oo nga Pala.. Sige Doon na Ako sa gate"Sabi ko at tinapik ang balikat niya.

Pero bago pa Ako pumunta sa gate ay tinignan ko naman si Avery at Mabuti ay kinausap ito nang Kapatid ni Yuri na si Eunice.

Pagkapunta ko sa gate ay Nakita ko na ang sasakyan ni Yuri kaya Dali Dali ko naman pinindot Yung botton sa may remote kung saan magbibigay nang signal Kay nila Primo at Nakita ko naman pinatay na nila ang ilaw Sa garden.

Pagbaba ni Yuri ay tumakbo na Ako sa garden at nakatayo na ang mga pamilya at malapit na kaibigan ni Yuri at hinihintay nalang si Yuri na makapasok.

Nang makapasok na ay narinig ko pa Ang sinasabi niya kung bakit nakapatay ang lahat nang ilaw.

At nang papalapit na Siya at nag bibilang na si Uno sa likod at hinanda ang confetti.

"Three, two, one! HAPPY BIRTHDAY!!!!"sigaw namin lahat at  nagulat naman si Yuri.

"Wow.. I don't expect this!"masayang sigaw ni Yuri at lumapit naman kami sa kanya.

"Hi Mate! Happy birthday!"bati ko sa kanya at niyakap.

"Wahhh.. Your so great guys.. Thank you"Sagot nito at niyakap naman namin Siya nila Uno.

"Hayss nakakahiya nang tumabi sa inyo dalawa ni Yno"Sabi Bigla ni Primo.

"Nakaka nose bleed Yung Australian Accent niyo"dagdag naman ni Uno at natawa naman kami.

Pagkatapos namin batiin si Yuri ay binati rin Siya nang mga pinsan niya pati narin nang Kapatid niya si Eunice.

"Kuya I miss you!!!"rinig namin na Sabi ni Eunice habang nakayakap sa kuya at lumapit naman Ako Kay Avery at bumulong.

"Okay ka lang ba?"tanong ko.

"Di mo naman pala sinabi sa akin na uuwi si Yuri edi sana bumili Ako nang regalo"bulong niyang pabalik at narinig ko naman umubo si Uno sa tabi ko.

"Ehem! Ikaw ha..may di ka pinapakilala sa Amin ni Primo"Sabi niya at sumunod naman tumabi sa kanya si Primo.

"Hai Miss.. Ako nga Pala si Primo Padilla ang Lover Boy sa aming apat"pagpakilala naman niya saka  inalok ang kamay niya Kay Avery at tinanggap naman niya ito.

"Lover boy pshh.. torpe mo nga Kay Natalia"sabay naman ni Uno at tinignan naman Siya nang matalim ni Primo.

"Eh Ikaw nga tatlong beses na binasted ni Eunice"pang iinis naman ni Primo sa kanya at binatukan naman niya ito.

"Siyempre nahihiya pa siyang maging boyfriend Ako.. eh baka habulin Siya nang mga babaeng nagkakarandarapa sa akin"Sagot nito at natawa naman ko.

"Ako nga Pala si Uno Martinez ang pinaka gwapo sa kanilang apat"pagpapakilala niya Kay Avery at makipag shake hands.

"Mga kaibigan ko Pala, Mga Dre si   Avery nga Pala kaibigan ko"pagpapakilala ko Kay Avery at tumaas naman ang kilay ni Primo.

"Kaibigan? Wehhh"panunukso nito at binatukan ko naman ito.

"Kaibigan nga"Sabi ko.

"Ohhh..Avery is that you?"Biglang sabay ni Yuri at nagyakapan naman sila.

"Wow laki nang pinagbago mo Yuri, mas Lalong lumalim boses mo ah"Sabi sa kanya ni Avery at natawa naman ito.

Yno Garcia | Skz Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon