Thirteen

4 0 0
                                    

"Bobita, kwentuhan mo naman Ako sa pagkikita niyo kahapon"pangungulit ni Paris sa akin.

"Ano ba Paris, kakagising ko lang. Pwede bang pakainin mo muna Ako"walang ganang Sabi ko at umupo na.

"Eh di ka pa nagkwekwento simula kagabi"Sabi nito at umupo sa harapan ko.

"Sabihin mo nga nagkabalikan ba kayo?"

"Wala"

"Bat Wala?"tanong nito at inirapan ko naman ito at sumandok nang kanin.

"Magkaibigan na kami okay?"Sagot ko at Kumain na.

"Ahhh.. kaya Pala nakabusangot Kasi friends nalang kayo"may diin na Sabi niya kaya matalim ko naman Siya tinignan.

"Pwede ba, Masaya Ako sa resulta na nangyari kahapon"Sabi ko.

"May dalaw lang Ako kaya ang init nang ulo ko, Lalo na't mukha mo ang una kung Nakita"dagdag ko at inirapan naman niya Ako.

"Nga Pala, babalik na Ako sa Bahay Mamaya"sabi nito.

"Mabuti naman"asar naman na Sabi ko.

"Tskk, grabe kana sa akin Avery ha" may tampong Sabi nito.

"Sorry na, Ikaw Kasi ang kulit"pagpapatawad ko at nakanguso naman itong Kumain.

"So? Okay na kayo ni Caleb?"tanong ko sa kanya.

"Oo...pero may kundisyon"

"Kundisyon?"

"Eh diba dahil nga Ako ang dahilan bat na hospital si Kio"

"Kio? Sino Yun?"

"Anak niya"Sagot niya na ikinagulat ko.

"Anak? May anak na si Caleb? Di halata ah"Sagot ko.

"Eh akala ko nga rin pamangkin niya"

"So ano Yung kundisyon niya?"

"Ako ang magiging babysitter nang anak niya"

"Eh? Paano Yung trabaho mo niyan?"

"Ayun mag redesign"

"Resign? Eh apat na taon mo Yung pinaghirapan Kunin Yung posisyon sa kompanya na Yun.. mag reresign kalang para maging Yaya? Di kapa ba nasisiraan nang ulo?!"

"Eh Doon nga Tayo, pero kasalanan ko naman talaga.. kung di ko inutusan Yung Bata na Kunin Yung wallet ko sa gilid nang daan edi sana walang ganito"malungkot na Sagot niya.

"Tsaka naawa rin Ako sa mag ama, eh Wala na Yung nanay ni Kio Kasi nga nag pakasal sa mayamang matanda tapos iniwan lang Siya Kay Caleb"dagdag niya at nakaramdam naman Ako nang awa sa Bata at Kay Caleb.

"Kaya Ayun tinanggap ko na tsaka libre naman Yung pagkain ko tsaka Doon rin Ako mag s-stay sa Bahay ni Caleb"

"Eh diba magkapit bahay lang kayo eh bat kailangan mo pa lumipat?"

"Di kami Doon sa subdivision titira, Doon talaga kami sa Bahay ni Caleb sa Tagaytay"Sagot nito.

"So mapapalayo kana sa akin?"

"Ayan Tayo, kanina lang Masaya ka na aalis Ako Ngayon malungkot ka naman diyan"Sabi nito at uminom nang tubig.

"Aish bahala ka sa buhay mo, Basta tawagan mo rin Ako"Sabi ko sa kanya at tinapos na ang pagkain.

Dahil maaga pa ay tinulungan ko na Siya nag impake at pagkatapos ay naligo na Ako.





School

"Good morning Miss Avery, Good morning classmates it's nice to see you again!"masayang bati nang mga bata sa akin at umupo na.

"Good morning Grade 3 Garnet, Ngayon ay tatalakayin natin ang paggamit nang salaysay sa pangalan"pagsisimula ko sa klase at Nakita ko naman na nakikinig silay Masaya naman Kong pinagpatuloy ang pagtatalakay.

"Ngayon isulat ninyo ang mga Sagot lamang sa inyong papel"Sabi ko at flinash sa Tv ang mga tanong at nagsagutan na Sila kaya napa upo naman Ako at tumingin sa kanila at Bigla namang sumenyas Si Ma'am Kimberly sa pinto at sinesenyas na may naghahanap sa akin sa labas.

"Lalabas muna si Teacher, wag mangongopya"banta ko sa kanila at lumabas na.

"May naghahanap sayo Yno ang pangalan"Sabi ni Ma'am Kimberly at tumingin naman sa tinuro niya at Nakita ko naman si Yno na sinisipa ang mga bato at may Dala itong Isang box at Bouquet nang red roses.

"Ikaw ha, may manliligaw kana Pala.. oh Siya Mauna na Ako"tukso niya at umalis na kaya lumapit naman Ako Kay Yno.

"Anong ginagawa mo Dito?"bungad ko sa kanya at nang narinig Ako ay bumalik naman Siya sa Sarili at nakangiting inabot sa akin ang bouquet at ang box.

"Ahh..gusto ko lang bumisita"Sabi nito at napakamot sa ulo.

"Ehh bat may paganito? Di pa naman Teacher's Day"tukso ko sa kanya at ngumiti naman ito Lalo.

"Wala, naisip lang kita kaya ganun"namumila niyang Sabi.

"Baka nakakalimutan mo Magkaibigan Tayo"Sabi ko sa kanya.

"Alam ko naman, by the way bagay Pala sayo Yung uniform mo"puri niya sa akin at diko naman maiwasan ngumiti.

"Salamat, nga Pala Wala ka bang trabaho Ngayon?"

"Wala pa, next week pa ililipat ni Uncle sa akin ang kompanya kaya habang Wala pa ay naglilibot muna Ako"Sagot niya at napatango naman Ako.

"Ahmm..Sige Mauna na Ako baka mapagalitan ka nang Principal"pagpapaalam niya.

"Ahh Sige ingat, tsaka salamat Dito"Sagot ko.

"Ahmm..Dala mo ba Yung sasakyan mo?"tanong niya.

"Hindi, nag commute Ako bakit?"tanong ko at napangiti naman Siya.

Adik ba tu?

"Ahmm...gusto sana kita isama sa Birthday party nang kaibigan ko"Sabi niya.

"Pwede naman"Sagot at narinig ko naman itong nag yes.

"Ahhhh..Sige susunduin kita Mamaya.. bye Ma'am"saludong Sabi nito at nagmadaling umalis na kaya natawa naman Ako.

Parang Bata

Yno Garcia | Skz Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon