Chapter 1

145 3 0
                                    

Anong kailangan mong gawin para paniwalaan ka nang mga taong akala mo ay nagmamahal sa'yo? Paano mo sila mapapaniwala kung sarado na ang puso at isip nila sa mga paliwanag mo?

"Cassie! Cassie!" Sigaw ni Bella.

Mula sa pinto ay nakita ko itong tumatakbo papasok sa karenderya kung saan kami nagtatrabaho. Hawak-hawak niya ang kanyang cell phone at isang plastic bag ng isang kilalang store sa isang mall.

"Ano 'yon, Bella? Bakit ka naman tumatakbo?" Pagtatanong ko habang pinupunasan ang mesa. Niligpit ko ang mga plato na pinagkainan ng mga sales lady ng isang mall malapit lang dito at nilagay sa tray.

"May naghahanap sa'yo kanina sa bahay." Anito habang nakasunod sa akin papunta sa kusina.

"Bella! Late ka na naman!" Wika ni Aling Sonya. Siya ang may-ari ng karenderya at cashier na rin.

Apat kaming nagtatrabaho dito sa karenderya, ako, si Bella, Marie at Kuya Bimbo. Kami ni Bella ang tagalinis at taga serve, si Kuya Bimbo ang cook at si Marie ang tagahugas.

"Si Ate Sonya naman! Nagtext na po ako sa'yo kanina, nagpabili ka pa nga ng kojic mo sa akin." Sagot naman ni Bella.

"Akin na nga 'yan! Ang tagal mo naman kase!" Ani Ate Sonya at kinuha ang plastic na dala ni Bella.

Napailing ako at pumasok na sa loob para ibigay ang isang tray na mga hugasin kay Marie.

"Halika nga rito sa labas," aya nito sa akin at pinaupo ako sa pinakadulong mesa na walang nakaupo. "'Yong naghahanap sa'yo kanina ay de kotse. Tingin ko ay mayaman."

Kumunot ang noo ko. Sino naman ang maghahanap sa akin?

"Maganda siya, sa tingin ko nasa 40's. Pinakita pa nga niya 'yong picture mo sa akin at ikaw talaga iyong nasa litrato!" Kwento nito sa akin.

Natahimik ako, may pumasok sa isip ko kung sino ang tinutukoy niya pero baka nagkakamali lang ako.

"Baka magkamukha lang kami." Sagot ko na lang sa kanya.

"Hmmm. Parang? Pero..ikaw talaga 'yon eh!" Anito.

Napailing ako sa kanya. Imposible ang sinasabi niya, walang maghahanap sa akin.

"Magtrabaho na nga tayo, Bella. Late ka na nga tapos inuna mo pa ang chismis. Baka mapagalitan ka na naman ni Ate Sonya." Sabi ko naman na ikinatawa ni Bella.

"Hindi yan magagalit sa akin. Ako kaya tagabili niya ng kojic kase takot siya maarawan." Natatawang wika nito.

Tumayo na kaming dalawa ng may dumating na kustomer, lunch time na rin kaya unti-unti ng dumadami ang kustomer dito. Malapit lang kami sa isang malaking mall kaya maraming kustomer kapag break na nila, sa susunod na buwan naman ay may ipapatayong condo sa gilid lang ng mall kaya nagpaplano na si Ate Sonya na magdagdag ng mga makakasama namin dito para may katulong naman kami ni Bella sa pagserve sa mga kustomers.







Habang nakahiga ako sa kama ay napaisip ako sa sinabi ni Bella kanina, posible kayang hinahanap niya ako? Ano naman ang dahilan niya? Napailing ako.

Humiga ako ng patagilid, nakita ko ang isang picture frame. Malungkot akong napangiti, bumangon ako at kinuha ito. Hinaplos ko ang frame.

"Mami! Mami!" Napalingon ako sa sumigaw.

Oh, Eli!

Binalik ko ang picture frame at niyakap si Eli. My sweet little boy, Eli!

"Malinis na ba ang baby Eli namin?" Malambing na tanong ko. Ngumiti naman ito sa akin.

"Oo naman, Mami! Si Mama Bella naglinis sa akin." Aniya.

The Victim's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon