Cassie's POV
Nagising akong masakit ang ulo, sinapo ko ito. Wait, the smell of this room..hindi ito sa akin. Napamulat ako nang mga mata ko. This room is spaceous, may aircon din ito.
"Nasaan ako?"
Biglang parang may pumitik sa ulo ko kaya napapikit ako. Bakit ba masakit ang ulo ko? At nasaan ako? Ano bang nangyari?
Napahawak ako sa damit ko, hindi ito sa akin. Nakapajama at t-shirt ako na mas malaki sa size ko.
What the hell happened last night?
Napalingon ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Nagulat ako sa pumasok. Si Eulysis! May dala siyang baso at isang maliit na bote. Bakit siya nandito? Bahay niya ba 'to?
"Good morning. How are you feeling?" Aniya at umupo sa kama, napausog naman ako, "masakit pa ulo mo? You need to take this."
Binigyan niya ako ng isang gamot, at tubig. Nag-iwas ako ng tingin at ininom ko ang binigay niya. Tahimik lang itong nakamasid sa akin. Pagkatapos kong mainom ang binigay niya ay nilagay ko sa bedside table ang baso.
"Maya-maya ay mawawala rin ang sakit ng ulo mo." Aniya.
Napasandal ako at napapikit.
"A-anong nangyari kagabi?"
I heard him sighed.
"You went to Simone's birthday party last night. May nilagay sa inumin mo kaya ganyan ang nararamdaman mo ngayon. You were drugged."
Unti-unti kong naaalala ang nangyari kagabi. Pilit kaming sinasama ng dalawang lalaki kagabi, wala kaming magawa dahil parehas kaming walang lakas ni Bella, pero may biglang dumating at hindi ko na matandaan ang sumunod na nangyari. Nagtama ang paningin namin ng imulat ko ang mga mata ko.
"Bakit ako nandito?"
Hindi ko matandaan na nandoon siya kagabi sa party at ang sabi sa akin ni Simone ay nasa Singapore siya.
"I was there. Nakita ko kayong inalalayan ng dalawang lalaki papalabas ng hotel." Sagot naman nito.
"Si Bella? Nandito rin ba siya?"
Umiling ito.
"Pinahatid ko siya kagabi kay Simone. She's safe."
Nakahinga naman ako nang maluwag.
"Bakit mo ako dinala rito? Pwede mo naman akong ipahatid kay Simone." Seryosong tanong ko rito.
"I was furious last night. I can't let Simone drive you home." Matigas na wika nito.
"Uuwi na ako. Salamat sa'yo." Mabilis akong tumayo at muntik na akong matumba dahil umikot ang paningin ko.
"Careful," aniya. Inalalayan ako nitong sumandal ulit, "hintayin mo munang mawala na ang sakit ng ulo mo then take a shower and we'll eat breakfast at pwede ka nang umuwi."
"Kailangan ko nang umuwi kaagad." Sabi ko habang hinihilot ang sintido ko.
"Basang-basa ka nang pawis kagabi. You need to take a shower to freshen up. Ihahatid na kita mamaya."
BINABASA MO ANG
The Victim's Cry
قصص عامةThis story is fiction, contains mature and sensitive scenes or topic. Please be warned. Thank you.