Chapter 5

42 3 0
                                        

Halos araw-araw ay nakikita ko silang tatlo na kumakain dito, ako rin ang palaging kumukuha ng orders nila. Sa lahat ng naging kustomer namin dito, sila ang pinaka espesyal. Hindi na nila kailangan pang pumila at maghintay ng matagal, may sarili na rin silang pwesto na sila lang ang pwedeng makaupo. May sarili rin iyong electric fan at bukod tangi ito sa lahat ng mesa at upuan dito sa karenderya.

Tuwing breakfast at lunch time ay kung hindi si Ate Sonya ay si Kuya Lando ang nakabantay sa labas para salubungin sila at e assist papunta sa pwesto nila. Paminsan-minsan ay may kasama silang tatlo, usually naman ay sila lang.

Nasanay nalang din ako na palagi silang nandito, hindi ko naman sila pwedeng itaboy or iwasan. Hindi nila ako kinakausap ng matagal, lalong-lalo na ang magbanggit tungkol sa nakaraan. Pareho lang kaming civil sa isa't-isa, kinakamusta ako nila Simone at Sandro pero hanggang doon nalang 'yon. Si Eulysis naman ay tahimik lang.

"Cassie, may inabot pala sa akin kahapon si Ate Sonya. Nakalimutan kong ibigay kagabi." Ani Bella habang nagpupunas ng buhok niya.

Kakalabas lang nito sa banyo. Wala kaming pasok kaya nandito lang kami sa bahay, hindi rin namin nilabas si Eli kase gusto naming magpahinga ni Bella. Pagod na pagod kami buong linggo. Si Eli naman ay nawiwili masyadong makipaglaro sa mga bata kaya parang wala lang din sa kanya kung lalabas kami o hindi.

Nang mabuksan ko ang sobre ay nakalagay doon na invited ako sa isang birthday party at pwede akong magdala ng plus 1. Si Simone ang celebrant at gaganapin ito sa isang mamahaling hotel, pool party lang naman siya kaya nakalagay doon na pwede lang magsuot ng simpleng pananamit.

"Ano 'yan? Mukhang ang sosyal ng papel." Ani Bella at umupo sa gilid ko.

"Invitation." Tipid na wika ko.

"Patingin nga, " kinuha nito ang invitation at binasa ang nakasulat. "Next week na pala 'to, Saturday at 8:00 P.M. Kaninong birthday ito...omg! Kay Crushie!" Kinikilig nitong bulalas.

"Baka may girlfriend na 'yan." Nasabi ko nalang.

"Eh, ano naman? Pwede pa 'yan maghiwalay." She giggled. Mahina ko siyang kinurot sa braso. Alam ko namang nagbibiro lang ito.

"Hindi ako pupunta." Sabi ko.

"Bakit naman? Sayang naman. Libre foods sana at makakapasok na tayo sa mamahaling hotel at higit sa lahat, makakasama ko si Crushie."

Napailing na lamang ako kay Bella.

"Ibibili nalang kita ng pizza at spaghetti." Alok ko sa kanya.

"Bigla na akong naumay sa ganyan, Cass. Iba na gusto ko... siya na."

Napangiwi ako sa tinuran niya. Mukhang timaan yata talaga siya kay Simone. Hindi mo rin naman siya masisisi, gwapo naman talaga ito, matangkad at mayaman. Mabait naman si Simone, kaso, babaero. Ewan ko lang kung nagbago na ito ngayon, pero noon, kaliwa't kanan ang babae niya.

"Kung ako sa'yo, itigil mo na 'yan. Baka may girlfriend na 'yon or asawa." Wika ko. Natigilan naman ito at napaisip.

"Sige, tatanungin ko nalang muna siya kung may girlfriend or asawa na siya. Duda naman akong kasal na 'yon, wala pa naman siyang suot na wedding ring. Kapag meron, edi stop na ako, kapag wala, baka pwedeng maging kami." Nakangiting sabi nito.

Hindi na lang ako nagsalita pa. Sinandal ko ang ulo ko sa sofa at pumikit. Mag aalas dos na at inaantok na ako.

"Ayaw mo bang pumunta dahil nandoon si Engineer?" Tanong nito.

"Walang magbabantay kay Eli." Sagot ko habang nakapikit.

"Pwede naman siya sa kanila ni Tita, hindi naman 'yon iiyak. Sanay na 'yon sa kanila at may kalaro siya doon kaya okay lang na doon muna siya."

The Victim's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon