Chapter 8

43 5 3
                                    


"C-cassandra," halos naiiyak na tawag nito sa akin, "a-anak ko."

Nakatingin lang ako sa kanila. Ilang taon na rin ang nakalipas ng huli ko silang makita, hindi ko inaasahang makikita ko pa sila ulit at hindi ko rin inaasahang magkasama silang dalawa ngayon.

"C-cassie, uhm...alis na muna ako." Pagpaalam ni Bella. Hinawakan ko ang kamay niya, pinisil niya naman ito, "dito lang ako." Aniya.

"Ano pong ginagawa niyo rito?" Magalang na tanong ko at tuluyan ng pumasok.

Nilapag ko ang dala kong paper bag sa   mesa namin sa kusina, hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Bella.

"Dito nalang ako." Aniya. Ngumiti ako sa kanya at tumungo na sa maliit naming sala.

"A-anak, pwede ba tayong mag-usap?" Pakiusap ng babae.

"Maupo po kayo." Sabi ko. Pareho kase silang nakatayo.

Ang kasama nito ay mataman lang na nakatingin sa akin. Hindi man nagsasalita pero kitang-kita sa mga mata nito at ekspresyon ng mukha na malungkot ito.

"Please hear us out, Anak." Ani ng lalaki.

"Why?" Tanong ko.

Bakit ngayon lang?

After how many years my parents is now in front of me. After what they did, here they are, gusto akong makausap para pakinggan sila. Pinakinggan ba nila ako noon? Hindi.

"A-anak.." Tawag ng Mommy ko, lalapit sana ito sa akin pero pinigilan ko siya.

"D'yan lang po kayo."

"Cassie, Anak, we've been looking for you. Alam na namin ang totoong nangyati sa'yo." Malungkot na pagkasabi ng Daddy ko.

So they already knew? Napakuyom ako nang kamay.

Mapakla akong ngumiti, "too late. Hindi ko na po kayo kailangan. Makakaalis na po kayo."

"Cassie..." Tawag ng Daddy ko sa akin.

Pinipilit kong maging matatag sa harapan nila, pero sa loob-loob ko ay labis akong nasasaktan. Ang tagal na n'on pero 'yong sakit nandito pa rin nakaukit sa puso ko.

"Kailan niyo pa nalaman?"

"L-last year. Anak, please..." umiiyak na ang Mommy ko at mabilis itong lumapit sa akin, napatayo naman ako. Hinawakan nito ang kamay ko.

"Don't touch me!" Mabilis kong winaksi ang kamay niya at lumayo sa kanya.

Mas lalo itong napaiyak sa ginawa ko.

"I'm sorry, I'm sorry. Please, come back to us." Pagsusumamo ng Mommy ko habang umiiyak ito.

Napahawak ako sa dibdib ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Parang hindi ako makahinga ng maayos, parang may malaking bato na nakabara sa lalamunan ko.

"Cassie!" Mabilis na lumapit sa akin si Bella, "okay ka lang ba? Cassie?" Nag-aalalang pagtatanong ni Bella sa akin. Hinawakan nito ang pisnge ko.

Napatitig ako sa kanya at umiling, nag-iinit na ang mga mata ko. Hindi, hindi dapat ako iiyak. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Nakatitig lang ako kay Bella, puno ng pag-aalala ang mukha nito.

Ang sakit-sakit ng puso ko. Hindi ko alam pero para akong bumalik sa nakaraan, pakiramdam ko ay nagslowmo ang paligid ko. Nakita ko ulit kung paano ako tinalikuran ng sarili kong mga magulang at ng mga taong akala ko ay kakampi ko, rinig na rinig ko lahat ng masasakit na salitang sinabi nila sa akin.


"Cassandra! Oh my, God!" Sigaw ng Mommy ko.

Napatingin ako sa Daddy ko na lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso.

The Victim's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon