Iniiwasan ko ang mga taong naging parte ng masalimu-ot kong nakaraan hindi dahil sa may kasalanan ako sa kanila, iniiwasan ko sila dahil hanggang ngayon ay nasasaktan ako. Oo at ilang taon na ang nakakalipas pero masakit pa rin, akala ko hindi na ako masyadong maaapektuhan, akala ko lang pala.Sobrang sakit pa rin pala hanggang ngayon, mas lalo ko lang naalala ang mga nangyari noon. Dapat hindi ko na narararamdaman 'to eh! Dapat matatag na ako, dapat hindi na ako nasasaktan. Kinaya ko naman simula ng tinalikuran ako ng lahat, naging matatag naman ako sa paraang alam ko.
Nanginginig ang mga labi ko, may umusbong na galit sa puso ko.
Sorry? Anong magagawa ng sorry niya ngayon? Sa panahong kinailangan ko siya binalewala niya ako! Isa siya sa mga nanakit sa akin at isa siya sa mga tumalikod sa akin. 'Yong taong akala kong ipagtatanggol ako, isa pa sa naging dahilan ng pagkawasak ko.
Bakit kung pakitunguhan niya ako ay parang wala lang sa kanya ang nangyare noon? At ngayon magtatanong siya tungkol kay Eli? Para saan? Ano ang rason niya?
"Bella, pakisabi kay Ate Sonya na mauuna na ako." Sabi ko habang bitbit ang bag ko.
"Ha? Bakit naman? Di pa tayo tapos dito." Nagtatakang tanong nito sa akin.
"Pakisabi masama ang pakiramdam ko." Hindi ko na siya inantay pang magsalita at umalis na ako, narinig ko pang tinatawag niya ako pero hindi na ako nagsalita pa.
Nag-aantay ako ng jeep sa tapat lang ng mall ng makita ko sa kabilang kalsada si Eulysis, nakatingin ito sa akin. Pagkakita kong may paparating na jeep ay agad ko itong pinara, mabuti na lang at hindi pa punuan.
Pagkarating ko sa bahay ay pinuntahan ko kaagad si Eli sa bahay ng Tita ni Bella, itong inuupahan naming bahay ay sa Tita ito ni Bella, sakto naman at walang nakatira kaya pinaupahan nalang sa amin. Si Eli ay sa kanila namin iniiwan dahil sila rin mismo ang nagpresinta, tinuring na nila itong para nilang apo kahit hindi nila ito kaanu-ano.
"Mami! Ang aga mo pa po."
Biglang napawi ang pagod ko nang makita ko si Eli, may bimpo ito sa likod niya at nakikipaglaro sa mga bata.
"Opo, maaga akong umuwi ngayon. Ipagluluto kase kita ng paborito mong ulam." Nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumiti naman ito ng malapad.
"Yehey!" Masayang sigaw nito.
Nagpaalam na kami sa kalaro niya at sa Tito at Tita ni Bella, nagpasalamat din ako sa pagbabantay nila kay Eli.
"Amoy pawis na ang baby namin." Ani ko ng amuyin ko si Eli.
Kinuhanan ko siya ng basang bimbo para punasan, pagkatapos kong punasan ang katawan niya ay nilagyan ko ng pulbo ang likod niya.
"Si Mama po?" Tanong nito.
"Mamaya pa si Mama mo po uuwi, may tinatapos pa siya." Sagot ko sa kanya.
Pagkatapos ko siyang mapalitan ng damit ay hinandaan ko siya ng sandwich at juice. Magana naman itong kumain at nagrequest kung pwede ba siyang manood ng animals sa TV. Hindi naman ako tumangi at ni on ko na ang TV.
Iniwan ko na siya muna sa sala at nagpunta ako sa kusina, nagsaing na muna ako at sinunod kong ni prepare ang lulutuin kung adobong manok. Isa ito sa paborito ni Eli, kahit nga araw-araw ganito ang ulam ay okay lang sa kanya.
"Good evening people!" Masiglang bati ni Bella.
Pagkapasok niya sa bahay ay lumapit kaagad ito kay Eli ay pinugpog ng halik ang mukha, kiniliti pa niya ito.
"Mama, stop na." Tumatawang awat ng bata sa kanya.
Tumigil naman si Bella at inayos ang damit ni Eli, maya-maya pa ay iniwan na niya ito pagkatapos nilang magkwentuhan. Lumapit siya sa akin at binigay ang 200 pesos.

BINABASA MO ANG
The Victim's Cry
General FictionThis story is fiction, contains mature and sensitive scenes or topic. Please be warned. Thank you.