"Cassie?"
Nakapantulog na si Bella nang pumasok ito sa kwarto ko, tulog na rin si Eli sa kama ko. Lumapit si Bella kay Eli at hinalikan ito sa noo. Kasalukuyan naman akong nagsusuklay ng buhok.
"Tuwang-tuwa siya sa binili nating laruan kanina." Nakangiti kong kwento sa kanya.
"Oo nga eh. Mabuti nalang at may nakita akong mura doon, nag-enjoy din siya kanina sa paglalaro doon sa mall kasama ang mga bata." Hinahaplos ni Bella ang buhok ni Eli. Binaling nito ang tingin sa akin, "okay ka lang ba?"
Nilapag ko ang suklay sa mesa at umupo sa tabi niya.
"Oo naman." Hilaw akong ngumiti sa kanya.
"Kahit halata namang hindi ka okay?" She's worried. I sighed.
"Masaya akong masaya si Eli," ngumiti ako sa kanya, hinawakan naman nito ang kamay ko. "Thank you kanina." Sinserong sabi ko.
"Si Engineer kanina, parang matagal na kayong magkakilala." Tanong nito, nang hindi ako sumagot ay nagsalita ito ulit, "matulog na nga lang tayo, rakrakan na naman bukas sa karenderya." Kinuha nito ang kumot at humiga na sa tabi ni Eli, ako naman ay tumabi na rin kay Eli. Ako sa kanan, si Bella naman sa kaliwa.
"Goodnight, Belle."
"Goodnight, Cass. Magpray pa ako na sana makita ko ulit 'yong engineer." Kinikilig na sabi nito. "Pero, 'yong Eulysis, pogi niya. Bagay kayo." Pang-aasar niya sa akin.
Hindi na ako sumagot pa at pinikit na ang mga mata ko.
"Ate, extra rice daw po doon sa dulong table." Ani Pia kay Bella.
"All right!" Sagot ni Bella.
"Sir, kain po." Rinig kong bati ng ibang kustomer sa bagong dating. Titingnan ko na sana ng nakita kong nagmamadaling lumapit sa akin si Ate Sonya.
"Cassie! Pakikuha ang order ni Engineer. 'Yong nasa gilid na table." Ani Ate Sonya.
Sinundan ko naman ng tingin kung saan nakaturo ang daliri ni Ate Sonya, napatigil ako. Engineer Eulysis.
"Rinig ko siya ang may-ari ng pinapatayong condo. Ang pogi-pogi naman niya!" Parang kinikilig pa ito habang nagkwe-kwento sa akin. "Sinabihan ko na lang na umupo doon, nakakahiya naman kung pipila pa siya." Tumango nalang ako.
"Kunin ko na po order niya." Naglakad na ako papunta sa table na tinuro ni Ate Sonya.
Sa dinami-daming pwedeng kainan ay dito pa talaga siya nagpasyang kumain, pwede naman siyang umorder nalang or magpunta sa mamahaling restaurant sa loob ng mall.
"Good afternoon po," bati ko. "Ano pong order nila?" Magalang na tanong ko. Nakatayo lang ako sa gilid niya at nakatingin sa papel na hawak ko.
Makikita naman niya kung ano ang available pa na mga ulam kase nakasulat ito sa white board, malalaki naman ang sulat at hindi naman ito malayo sa table niya para hindi niya mabasa kung ano man ang mga nakasulat doon.
"1 serve of rice, pinakbet and fried bangus, please."
Sinulat ko sa dala kong papel ang order niya, karenderya lang naman 'to bakit kailangan niya pang umenglis?
"Anything else, Sir?" Pagtatanong ko.
"1 coke. Thank you." Sagot nito.
Umalis na ako at binigay kay Bella ang papel na sinulatan ko ng orders.

BINABASA MO ANG
The Victim's Cry
Ficción GeneralThis story is fiction, contains mature and sensitive scenes or topic. Please be warned. Thank you.