Nakaharap ako ngayon sa salamin, tapos na akong magbihis at make-up-an ni Bella. I smiled a little. Bagay pa rin naman pala sa akin ang ganitong pananamit."Cassie! Ang tagal mo naman d'yan!" Sigaw ni Bella mula sa labas.
Kinuha ko ang purse na pinadala ni Simone, bago ako lumabas ay pinatay ko na ang ilaw at ni lock ang pinto.
"Wow! Mami ko so beautiful!" Nakangiting wika ni Eli. Lumapit ito sa akin at yumakap.
"Talaga ba?" Pagtatanong ko. Tumango ito sa akin.
"Pati rin si Mama Bella. Ganda niyong dalawa po." Sabi pa nito.
"Ang ganda-ganda mo talaga, Cassie!" Ani Bella at lumapit sa amin, "picture muna tayong tatlo bago umalis." Aniya.
Pagkatapos naming magpicture taking ay hinatid na namin si Eli sa Tita at Tito ni Bella. Tumawag na rin ang driver ni Simone na magsusundo sa amin, inaantay na raw kami.
Nang tawagan ni Bella kanina si Simone ay tuwang-tuwa naman ito na pupunta kami sa birthday party niya, nagpasalamat na rin kami sa kanya dahil sa mga pinadala niya sa amin.
"Good evening po." Magalang na bati namin sa driver ni Simone, nakilala namin ito kaagad dahil minsan na itong kumain sa karenderya.
"Cassie, excited na ako." Bulong ni Bella sa akin habang nasa loob na kami ng kotse ni Simone. Ngumiti ako sa kanya.
Pareho lang kaming tahimik habang bumabyahe at hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa isang 5 star hotel. Pinagbuksan kami ng pinto ng driver at sinamahan papasok sa hotel at tinuro kung nasaan ang venue.
Bago kami makapasok sa mismong venue ay hinanapan kami ng invitation card kaya binigay ko ito kaagad.
"Cassie, ang bongga dito." Bulong ni Bella sa akin.
Maraming bisita si Simone, may mangilan-ngilan kaming nakitang modelo at artista, nalaman ko lang 'yon dahil kay Bella. Tuwang-tuwa ito dahil ni minsan daw ay hindi niya naisip na makikita niya ang mga ito sa personal.
"Cass, grabi! Bigatin talaga ni Crushie ko!" Bulong nito sa akin nang makaupo na kami sa pandalawahang table.
"Oo nga eh." Tipid na sagot ko.
Hindi ko naman kase kilala ang mga sinasabi nitong modelo at artista. Sa aming dalawa ay siya lang ang mahilig magsocial media at maraming iniidolong artista at modelo.
"OMG, Cass! Ang gwapo-gwapo niya talaga!" Aniya nang makita nito si Simone na nakangiting papalapit sa amin.
"Cassie! Thank you for coming!" Nagagalak na wika nito at niyakap ako, "you look both beautiful!" Ani pa nito. Niyakap din nito si Bella.
Halos matawa ako nang makita kong halos hindi makagalaw si Bella sa kinatatayuan niya ng humiwalay si Simone sa kanya ng yakap. Hindi ata inaasahang yayakapin siya ni Simone.
"Happy Birthday, Sai. Uhm. Pasensya ka na wala kaming regalo." Sabi ko na ikinatawa lang nito.
"Your presence is already a gift to me." Anito at ngumiti sa akin.
Inaya kami nitong umupo at tinawag ang waiter para bigyan kami ng food at maiinom, kumuha naman ito ng upuan para samahan kami.
"Mga friends mo ba 'yang models at ibang artista, Sir?" Pagtatanong Bella.
"Just call me Simone, okay?," Napatango naman si Bella, "yeah, some of them are my friends, ang iba naman ay kakilala lang." Aniya at uminom ang whiskey.
Halos si Bella at Simone lang ang nagkakausap habang ako naman ay kumakain, mukhang nae-enjoy naman ni Simone si Bella na kausap dahil panay tawa rin nito. May lumalapit din kay Simone dito sa amin na mga bisita niya, bumabati ito sa kanya pero hindi kami nito iniiwanan.

BINABASA MO ANG
The Victim's Cry
General FictionThis story is fiction, contains mature and sensitive scenes or topic. Please be warned. Thank you.