Chapter 2

63 4 0
                                        


"Okay ka lang ba, Cassie? Nang isang araw ka pa parang lutang. Mas lalo kang naging tahimik." Tanong ni Bella pagkadating namin sa bahay.

Umupo ako sa sofa at napabuntong hininga, "okay lang ako, Belle."

Okay nga ba ako?

Pagkatapos ng pagkikita namin ni Eulysis ay hindi na ako naging okay. Mabuti nalang at hindi na kami nagkita pa ulit, wala naman akong balak umiwas sa kanya. Wala akong kasalanan sa kanya kaya walang rason para iwasan or magtago pa ako. Ayaw ko lang talaga na makita siya kase 'yong mga bagay na hindi ko na dapat pang isipin ay unti-unting bumabalik at mas lumala ang mga napapanaginipan ko. Humahagulgol ako kapag nagigising ako nang madaling araw, mabuti nalang talaga at ilang araw ko nang hindi katabing matulog si Eli. I am not totally okay, a loob ng ilang taon, nandito pa rin ang sakit. Hindi ko makalimutan ang mga nangyari sa nakaraan.

Ilang ulit ko mang pilitin ang sarili ko na kalimutan ang mga nangyari, pero nabigo lang ako. Masakit pa rin, ngunit hindi na 'yon kagaya noon na halos ikamatay ko. Walang-wala ako, walang karamay, walang matakbuhan at higit sa lahat walang naniwala sa akin kahit isa man lang sa kanila. 'Yong mga taong inakala kong mahal ako ay tinalikuran ako.

"Palaging namamaga ang mga mata mo. May problema ka ba, Cass? Pwede mo naman akong kausapin." Pag-aalala nito sa akin.

"In time, Belle. Masasabi ko rin lahat sa'yo." Sagot ko naman sa kanya.

"I'm home, Mama and Mami." Sigaw ni Eli.

Pareho kaming napalingon sa sumigaw.

"Mana talaga 'yang bata na 'yan sa'yo, may accent pa ang english niya." Ngumiti lang ako kay Bella.

Lumapit sa amin si Eli at humalik sa pisnge namin, kumandong naman ito sa akin at pinakita ang laru-an niyang robot.

"Bigay po ito ni Jared, Mama at Mami. Ganda 'no?" Pagbibida nito sa amin.

"Gusto mo ba bilhan ka rin namin n'yan, Eli?" Pagtatanong ni Bella.

"Maybe next time na Mama Bella, meron naman na ako ngayon." Sagot nito habang nilalaro ang robot niya, pinapalipad niya ito habang hawak ang bewang ng robot.

"Nako, Eli! I can buy that for you! I can buy myself and Mami Cassie flowers." Matigas na wika nito sa english.

"Mama, you're beautiful and funny." Eli giggled.

"Yes, very beautiful indeed!" Taas noong sagot naman ni Bella.

"Mami Cassie, are you sad po? May problem po ikaw, Mami?" Inosenting tanong ni Eli sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.

"I'm just tired, Eli. Marami kaseng customers palagi sa karenderya.

"Aww. Ganoon po ba? Rest ka rin po para di ikaw pagod, okay po?"

Pinisil ko ang chubby nitong cheeks, "opo, Sir!" Pinanggigilan ko ang pisnge nitong matambok, meron itong isang malalim na dimple sa kaliwang pisnge at sa kanan naman ay hindi kalaliman.

Pagkatapos naming kumain ay naglinis na kami ng katawan at pumasok na sa room namin, si Eli at Bella ay dito matutulog ngayon sa room ko. Sunday na bukas kaya wala kaming pasok ni Bella, napagpasyahan naming igala sa mall si Eli. May nakita kase si Bella doon na children's palyground pero may bayad. 200 per 1 hour daw ang bayad. Doon na rin kami bukas magla-lunch.






















Hila-hila ni Eli si Bella papasok sa mall dahil excited na raw itong maglaro.

"Eli naman! Nakaheels ako, kumalma ka nga!" Reklamo ni Bella sa bata.

The Victim's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon