Chapter 9

53 5 2
                                    


Sa buong araw na trabaho namin ni Bella sa karenderya ay hindi namin nakita sila Eulysis at mga kaibigan niya, ang sabi sa amin ni Aling Sonya ay wala raw ang mga engineers. Mabuti na rin at wala sila dahil kung nagkataon ay hindi ko mahaharap si Eulysis. Sunod-sunod ang mga pangyayaring hindi ko inaasahan nang nakaraang araw at meron pa ring bigat sa puso ko.

Nalaman din nila Aling Sonya ang nangyari sa amin ni Bella sa birthday party ni Simone, nagpasalamat naman ito sa Diyos na walang nangyari sa amin ng masama. Nagsabi pa nga ito na sana ay hindi na kami pumasok ngayong araw para sana makapagpahinga kami pero sumagot lang ako na hindi kami pwedeng um-absent dahil alam namin na hindi nila kaya rito kung sila lang.

Makalipas pa ang ilang araw ay sumapit na ang araw ng linggo, napagpasyahan namin ni Bella na ipasyal sa isang park si Eli. Nasa Lagoon Park kami ngayon para magpicnic, may playground din dito para makapaglaro si Eli. Maraming tao rito since Sunday ngayon, nasa malapit lang ang pwesto namin para mabantayan si Eli.

Si Bella ay umalis muna para bumili ng mineral bottle dahil naubusan kami, ako naman ay nakatanaw lang kay Eli. Nagsa-slide ito ngayon kasama ang ibang mga bata, maya-maya ay magsu-swing na naman ito.

"Nag-eenjoy si Bagets ah." Ani Bella at umupo ito sa tabi ko, "ang haba ng pila doon sa 7/11." Reklamo nito.

"Oo nga eh. Nang nakaraang buwan pa yata 'yong huling punta natin dito." Sagot ko sa kanya.

Napakaway kami kay Eli nang kumaway ito sa amin, umakyat na naman ito para magslide. Pagkatapos niyang magslide ay mabilis itong tumakbo papunta sa amin, may dala itong maliit na kulay pulang papel. Lumapit ito sa akin at iniabot ito.

"Mama, water please." Ani nito kay Bella, pinainom naman ito ni Bella.

"Saan ito nanggaling, Anak?" Pagtatanong ko kay Eli.

Isang pulang sobre ang binigay sa akin ni Eli, wala itong sulat sa sobre mismo. Binuksan ko ito at may nakita akong card sa loob, nangunot ang noo ko.

"Binigay po ng isang lalaki kanina 'yan sa akin." Napalingon ako sa sinabi ni Eli.

"Sinong lalaki, Eli? Kilala ba siya namin?" Tanong ni Bella, umiling si Eli.

Binasa ko ang card na nakafold, nabitawan ko ito at bigla akong napatayo, nanginig ang kamay at tuhod ko kaya bigla akong napaupo ulit. Nangangatal ang mga labi ko.

"I'm back.

-Antonio G."

Iyon ang nakasulat sa card at may patay na itim na paru-paro doong nakadikit. Parang kakapatay lang ng paru-paro.

"Cassie!"

"Mama!"

Rinig kong sabay na sigaw ni Bella at Eli.

Nagpalingon-lingon ako sa paligid. Oh my, God! He's here!

"Cassie? Okay ka lang ba?" Hinawakan ni Bella ang nanginginig kong mga kamay, si Eli naman ay nakatitig lang sa akin.

"Cassandra!" Napalingon ako sa sumigaw.

It's Eulysis. He is running towards us with Markus.

Sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga, mahigpit akong napahawak kay Bella. Si Eli naman ay tinatawag ako at umiiyak na ito.

"Mama! Mama!" Umiiyak na tawag ni Eli sa akin.

"God damn it, Cassandra!" Galit na sigaw ni Eulysis ng makalapit ito sa amin. He held my hand tightly, "calm yourself, breathe in, breathe out." Aniya.

Sumunod ako sa sinasabi niya pero hindi ko magawa ng maayos, nakatitig lang ako sa mukha niya. Nag-aalala ang expresyon ng mukha nito pero galit ang nakikita ko sa mga mata niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Victim's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon