Pumasok ako ng school pero pagpasok ko ay nabubulungan ang mga studyante, alam kong ganto talaga sila pero iba ngayon. para bang takot sila na masanggi ako o kaya malapitan, ano ba problema?
" Huy gaga ka" nagulat ako ng biglang sumulpot ang tatlo sa likod ko.
" Ano ba! nakakagulat kayo!" inis na sabi ko at inayos ang bag ko, kung may heart problem ako siguro kanina pa ako inatake.
mga to nang gugulat
" Sorry may nabalitaan kasi kami" sabi ni sofie.
" Kelan kapa naging chismosa teh?" tanong ko dito.
" Kahapon lang" nakangiting sabi niya.
" So ano yung chismis?" tanong ko habang naglalakad kami.
" Mamayang lunch na lang sabihin namin sayo wag dito kita mo daming nakikichismis mga epal" pagtataray ni primo, tama siya madami ang studyante na tumitingin samin.
Naghiwalay hiwalay na kami, pero si sofie ay kasama ko kasi mag kaklase kame. Sabay kami pumasok at yung mga kaklase namin ay nakatingin sakin at nagbubulungan.
Nag start ang klase pero wala pa sila cloud, kaklase ko si cloud and friends.
Mga ilang minuto ay may kumatok sa pintuan at pagbukas non ay sila cloud.bakit late sila?
" You're late cloud" sabi ni professor pero walang pake si cloud at saktong pag angat niya ng tingin ay agad na nagtama mga mata namin, kita ko pa na napa iling siya at umupo na sa upuan niya.
Ano meron?
Nang mag bell na ay sabay na kami ni sofie lumabas ng room, habang naglalakad kami ay continue parin ang bulungan ng mga studyante.
" Diba yan yung kahapon?"
" Oo siya yung babae na binuhat ni cloud"
" Ayan yung nabastos kahapon"
" True tapos nagalit si fafa cloud"
" Pag maganda talaga nababastos"
" Hindi ka kasi maganda"
" Girlfriend ba siya ni cloud?"
" Wala pa sinasabi si cloud pero siguro"
" Ano ba sila?"
Nang marinig ko yun ay napa isip din ako, wala naman kami. pag papanggap lang naman ang gagawin namin.
Pagpasok namin ng cafeteria ay nakita namin sila bolina at primo na naka upo na sa isang table, bilis naman nila.
" Aga niyo naman" sabi ko at umupo sa harapan nila.
" Ah oo aga kasi umalis si professor may emergency daw kasi" sabi naman ni primo na tinanguan namin.
Kagaya ng nakaugalian ay silang dalawa ang nag order, ilang minuto ay bumalik na agad sila kasama ang order namin.
" Bakit ang bilis niyo?" takang tanong ni sofie.
" Oo nga hindi ba mahaba ang pila?" tanong ko naman at lumingon sa likod ko kung nasaan may mga pila, mahaba naman ang pila pero ang bilis nila.
" Hindi ko din alam pag dating namin don eh binigyan kami ng daan tapos pinauna na kami" kwento ni bolina nang makaupo sila.
weird.
Nagdasal kami bago kumain.
" So ano yung chismis?" takang tanong ko.Lumunok muna si bolina bago sumagot " Ayon na nga yung chismis kasi is–"
BINABASA MO ANG
Crush On You
RomanceIsang mabait at masayin na dalaga si NATASHA XIAN MADIRIGMA, hindi sila mayaman at ang kanyang mga magulang ay nag tatrabaho para may pang kain sila. Nakapasok siya sa isa sa mga pinaka sikat na school sa bansa at puro mayayaman ang mga nag aaral do...