CHAPTER 16:

837 19 4
                                    

Natasha POV:

Mabilis akong tumatakbo papalabas, hindi ko alam kung bakit tumutulo luha ko.

diba dapat hindi ako masaktan?

" Ang isang binibining kagaya mo ay hindi dapat lumuluha" napahinto ako ng marinig ang boses na 'yon.

familiar.....

Nagpalinga linga ako at nakita ko ang isang anino ng tao sa tabi ng puno na di kalayuan sakin, nakasandal siya habang nakatingin sakin.

Madilim kaya nilapitan ko.

" Lance?" kunot noong tanong ko, lumabas siya na may ngiti sa labi.

" Ako nga.....Hi natasha magandang gabi" dahil sa pag ngiti niya ay lumabas ang dimples niya.

" G-ginagawa mo dito? hindi ba dapat nasa loob ka?" takang tanong ko, hindi niya ako sinagot bagkus iniabot niya sakin ang isang panyong grey.

" Here....punasan mo ang luha mo, ang ganda mo tapos iiyak ka" natatawang wika niya kaya natawa ako.

" Look masisira eyeliner mo niyan" dagdag pa niya at pinunasan ang part ng mata ko.

" Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko, nandito na kami sa garden dahil tahimik at malayo sa event.

" Nakita ko ang nangyari kanina at sinundan kita nung nag walk out ka" sagot niya habang nakatingin sa kalangitan.

" Kahit hindi mo sabihin.....alam kong nasaktan ka" napayuko na lang ako sa sinabi niya.

" Tell me natasha" napatingin ako sa kaniya na nakatingin din pala sakin  "Totoo bang kayo ni cloud o pagpapanggap lang ang lahat?"

Halata sa mga mata niya ang pag aalala at pagkaawa.

" Pag sinabi ko sayo wag mo sasabihin sa iba ah" sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.

" Oo.....pagpapanggap lang ang lahat, nakipag deal ako kay cloud na maging girlfriend niya at babayaran niya ako ng 50k every week" saad ko at napa uwang ang bibig niya sa mga narinig niya.

" What the.... so pumayag ka?" tumango ako sa sinabi niya at napa sapo siya ng kaniyang noo.

" Cut that deal"

" Ha?"

" I said cut that deal" nagulat ako ng tumayo siya kaya napatayo din ako.

" P-pero hindi pwede dahil wala pang katapusan ang contrata namin" sabi ko pero tinignan niya lang ako ng seryoso.

" Hahayaan mo lang ba na masaktan ka ng ganyan?" hindi ako naka imik sa sinabi niya " Mahal mo naba siya?"

mahal mo naba siya?

mahal mo naba siya?

mahal mo naba siya?

" Hindi ko alam" mapait na tawa ko, naramdaman ko ang kamay niya na nagpunas sa pisngi ko.

" Hindi ka masasaktan ng ganyan kung hindi mo mahal ang isang tao" saad niya at huminga ng malalim.

" Stop crying na.....papangit ka niyan sige ka" dagdag pa niya at tumawa kaya napanguso na lang ako.

" Tara na baka hinahanap kana" tumango ako at naglakad na kami pabalik.

*--*-*-*-*--*-*-*--*-*-*--*-*-*--*-*-*--*-*-*-*--*-*-*--*-*-*-*-*-*

" Alam mo ba na miss na miss ko na yung dalawang aso na yon" kwento ni lance habang pabalik kami.

" May picture kaba nila? para kasing ang cucute nila dahil sa pagkwekwento mo!" ani ko na may pagka excite.

" Ito oh" pinakita niya ang dalawang picture ng aso niya, isang kulay brown at isang black.

" Awww......ang cute" ani ko habang nakatitig sa picture.

" Gusto mo ba sila makita?" tanong niya, tumango ako at nakatingin parin sa phone niya habang naglalakad.

" Natasha sag–" hindi na niya natuloy ang sasabihin ng madapa ako.

kung di naman talaga tanga ako hays.

" Ayan kasi nag cecellphone ka habang naglalakad, tignan mo tuloy may sugat kana sa tuhod" panenermon niya.

tama siya may sugat nga ako sa tuhod pero hindi naman ganon kalaki.

" A-ah" pag inda ko ng takpan niya yon ng tissue.

" Masakit pa–"

Nagulat ako ng mapaupo sa sahig si lance dahil sa natanggap niya na suntok mula sa kung sino, tinignan ko naman kung sino ang sumuntok.

hindi pala kung sino......kundi si cloud na masama ang tingin kay lance.

" Okay ka lang ba lance?" alalang tanong ko dito, may dugo sa gilid ng labi niya.

" Talagang siya pa ang tatanungin mo ng ganyan ha" galit na sabi ni cloud kaya nilingon ko siya.

" Ano bang problema mo ha?!" inis na tanong ko.

" Problema? tsk 'yang lalake na yan ang problema!" dinuro niya si lance kaya tinapik ko ang daliri niya na nakaduro.

" Wag na wag mo duduruin ng ganyan si lance!" saway ko kaya napatingin siya sa mukha ko.

" Bakit mo ba siya pinagtatanggol ha? kaano ano mo ba yan?!" kunot noong tanong niya.

Huminga ako ng malalim at sasagutin na sana siya ng magsalita si lance dahilan para matigilan si cloud.

" Boyfriend niya ako." nilingon ko si lance na nakatayo na pala sa likod ko.

Lumapit sakin si lance at sabay akbay sakin, nakatingin lang ako sa akbay niya.

" Oh bakit? may masama ba sa sinabi ko cloud?" matapang na tanong ni lance sa kaniya.

" Get your hands off from her." halata na ang galit sa boses ni cloud, nakakuyom na din ang kamao niya.

" Why? wala naman kayo diba? and besides ask natasha if it's true that I'm her boyfriend" napatingin tuloy sakin si cloud na may pagtatanong sa mga mata.

" O-oo...... boyfriend ko siya" napayuko na lang ako sa sinabi ko.

bahala na.....hindi ko na talaga alam gagawin ko.

" W-what?" di makapaniwalang tanong ni cloud.

" You heard it. I'm her boyfriend" anas ni lance habang naka abay parin sakin.

" Natasha Xian Magdirigma." napalunok ako sa paraan ng pagtawag sakin ni cloud, gantong pagtawag niya alam kong galit na siya.

" Come here or I'll kill this man" may pagbabanta sa boses niya.

" No" bulong sakin ni lance.

Tinignan ko si cloud at seryoso lang ang mukha niya, alam ko kapag sinabi niya ay gagawin niya talaga.

Siya yung tipong hindi tumatanggap ng biro.

" Don't make me lose my patience" dagdag pa ni cloud kaya wala ako nagawa kundi tanggalin ang pagkaka akbay ni lance sakin.

" I'm sorry...." sabi ko kay lance at onti-onting lumalapit kay cloud.

" I don't care if your the boyfriend or not. I'll make her mine and don't fucking try to steal her from me" pagtapos non ay hinawakan ako ni cloud sa palapulsuhan at inilayo don.

" Sa-saan tayo pupunta?" kinakabahan na tanong ko.

" Silly girl must be punished" sabi niya at pinasakay ako sa kotse, sumakay naman ako kasi no choice ako baka lalo siyang magalit.



Crush On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon