Nang mag break time na ay nagpa alam ako kila sofie na mauna na sila dahil may nakalimutan ako sa garden, hindi pwede mawala yon dahil bigay sakin yon ni cloud nung gabi na hinatid niya ako samin.
Pagpasok ko sa garden ay walang studyante kaya nag simula na ako maghanap, hanap dito hanap doon ang gawa ko. kailangan ko mahanap yon bago pa tanungin sakin ni cloud kung nasaan ang binigay niya sakin.
" Ano hinahanap mo?" napalingon ako sa likod ng may magsalita na lalake.
" Sino ka?" takang tanong ko, matangkad siya pero mas matangkad si cloud sa kaniya at mas gwapo yon kesa dito.
" Hindi mo ako maalala?" tanong niya " Ako yung lalake na nabangga mo sa grocery store remember?" dagdag pa niya.
(Flashback)
Inutusan ako ni mama na mag grocery dahil wala ng stock sa bahay namin, tutal walang pasok. nagcommute lang ako para makatipid, yung binibigay kasi ni cloud sakin ay binayad ko sa utang namin.
May natitira pa naman kaya ito ang pang grogrocery ko ngayon, una kong pinuntahan ay ang section ng mga mantika. may listahan ako ng mga bibilhin ko, si mama na naglista at nandon na din ang gusto nila. matapos sa mga mantika ay lumipat ako sa mga seasonings, binili ko na lahat ng kakailanganin sa bahay namin.
Matapos ko bilhin lahat ay pumunta na ako sa section ng mga biscuits, habang nagtitingin ako ay hindi ko na namalayan na may nabunggo na pala ako.
" Halah sorry po.....sorry" paghingi ko ng paunmanhin sa lalake nabangga ko.
" It's okay" sabi niya at nagkatinginan kami " Hi miss it's okay by the way I'm lance and you are?" tanong niya habang nakalahad ang kamay niya.
" A-ahm natasha" sabi ko at tinanggap ang kamay niya na nakalahad " sorry talaga hindi ko napansin"
" Okay lang" natawa pa siya ng bahagya " I need to go so see you next time natasha" paalam niya at umalis na.
(End of Flashback)
" A-ah! ikaw si lance tama ba?" pagtatanong ko.
" Kala ko nakalimutan mo na" sabi niya at natawa.
" Dito ka rin pala nag aaral?" umupo siya sa upuan.
" Yup pero magka iba tayo ng section" sabi pa niya kaya napa ah lang ako.
" Ano nga pala hinahanap mo?" tanong niya.
" Ah yung bracelet ko na bigay sakin ni papa, mahalaga kasi yon" pagsisinungaling ko na galing kay papa yon.
" Ito ba?" tanong niya at may inilabas siya sa bulsa niya, napangiti ako ng makita ko ang bracelet.
" Ayan nga! saan mo nakita?" tanong ko habang hawak ang bracelet na inabot niya.
" Doon sa may ilalim ng upuan na yon" turo niya at nakita ko na yon nga ang pwesto na inupuan namin nila sofie.
" Salamat ah buti na lang ikaw nakakita" sabi ko pa kita ko ang pagtitig niya sakin.
" Welcome" sabi pa niya kaya ngumiti ako sa kaniya.
" Aalis na ako ah pupuntahan ko pa kasi mga kaibigan ko" Sabi ko.
" Sige" dahil doon ay nagpaalam na ako sa kaniya bago pumunta ng cafeteria.
Pagdating ko sa cafeteria ay nakita ko sila cloud kasama sila sofie, nakita ako ni primo kaya tinuro niya ako dahilan para mapalingon sakin sila cloud.
" where did you go?" tanong niya, umupo ako sa tabi niya at nandito na din pala yung order ko.
" Sa garden may nakalimutan lang ako" sagot ko naman, napatango naman sila bukod kay cloud na nakatingin parin sakin.
" Bakit? kain na tayo malapit na mag start ang klase" tumango naman sila at nagsipag kain na kami.
" Here" ani ni cloud at binigay sakin ang drumstick, puro kasi pancakes and salad ang order ko.
" Salamat" sabi ko at kumain na, yung kaibigan namin ay nakatingin lang samin kaya napahinto kami.
" Alam niyo kung PDA kayo wag kayo dito kumain, nakakawalang gana" sabi ni bolina at nag acting na parang malungkot.
" Matuto kayo rumespeto sa single" ani ni primo.
" Kumain na nga lang kayo dami niyo pa sinasabi" pinagpatuloy na lang nila ang pagkain nila.
hindi na lang kasi kumain
Matapos ang klase ay lahat nasa parking lot na, nauna kami nila bolina dito dahil pinapatawag sila cloud ng dean.
" Una na kami beshy ah" paalam ni primo kaya tumango ako at kumaway sa kanila ni bolina.
" Ayan na pala sundo ko bes" sabi ni sofie at nagpaalam na din, so ayon ako na lang natira.
Gabi na nagchat si cloud na hintayin ko siya dito at siya na mismo maghahatid sakin sa bahay.
" Natasha" napalingon ako sa tumawag sakin.
" Oh lance bakit hindi kapa umuuwi?" tanong ko ng makalapit siya sakin.
" Pauwi na ako pero nakita kita dito, bakit ikaw na lang nandito?" tanong niya.
"Umuwi na mga kaibigan ko" sagot ko naman at inayos ang bag ko.
" Ah.....gusto mo hatid na kita?" tanong pa niya habang nakatingin sakin.
" No need, ako na maghahatid sa kaniya. let's go" biglang sulpot ni cloud at hinatak ang kamay ko pero napahinto kami ng may humatak sa isa kong kamay at paglingon ko si lance ang may hawak.
" Teka lang pare kinakausap ko pa si natasha" sabi niya at nilingon ko si cloud na nakatingin sa kamay ni lance na nakahawak sakin.
Ako na mismo ang nagtanggal sa kamay ni lance kase parang papatay na si cloud sa sobrang sama ng tingin niya.
" Ah ano lance uwi na kami ah bye bye" paalam ko at hinatak na si cloud paalis don.
Nang makarating kami sa kotse niya ay walang kumikibo samin, alam kong galit siya pero kahit na ganon ay pinagbuksan niya parin ako ng pintuan kaya pumasok na ako at siya na din ang nagsara non.
" Who's that guy?" tanong niya ng makapasok siya sa kotse, mahigpit ang hawak niya sa manobela.
" Si lance nakilala ko siya sa grocery store and hindi ko alam na dito siya nag aaral" sagot ko kita ko ang pagpikit niya at pagbuga ng malalim na hininga.
Hindi siya nagsalita at pinaandar ang kotse, sobrang tahimik ng byahe kaya tumingin na lamang ako sa labas at pinagmasdan ang mga nadadaanan namin.
ano kaya nangyare kay cloud? bakit siya ganon maka asta?
BINABASA MO ANG
Crush On You
RomansaIsang mabait at masayin na dalaga si NATASHA XIAN MADIRIGMA, hindi sila mayaman at ang kanyang mga magulang ay nag tatrabaho para may pang kain sila. Nakapasok siya sa isa sa mga pinaka sikat na school sa bansa at puro mayayaman ang mga nag aaral do...