" Hi beshie!" bati ni bolina habang kasama si primo, dito na kami sa loob nag kita-kita.
Kasama naman ni sofie si shandy, samantalang ang dalawang kambal ay wala. hindi na namin alam kung nasaan ang dalawang 'yon, siguro naghanap ng kapartner.
Umupo na kami sa table namin, hindi pa simula ang prom dahil may mga dumadating pa na ibang student.
" Grabe ang ganda mo nat!" halata sa mukha ni bolina ang pagka mangha.
" True you're so gorgeous!" saad naman ni sofie.
" Nako.....salamat ah kayo din naman maganda!" sabi ko at ngumiti, napangiti naman silang dalawa.
" Sana ganyan din ako kaganda sa inyo ni sofie" ani ni bolina.
" Hindi kana gaganda.....nag fefeeling belle kapa eh kamukha mo naman si annabelle" pambabara ni primo sa kaniya.
Tinignan niya ito ng masama bago hampasin.
" Sinasabi ko talaga sayo! wag kang mag aaya sumayaw ah!" pagtataray ni bolina.
" Tsk. as if ikaw aayain ko maging first dance" pagtataray din ni primo.
hays....'tong dalawa talaga walang ibang ginawa kundi mag bangayan.
" What if maging kayo sa huli?" biglang salita ni sofie kaya napatigil ang dalawa sa pagbabangayan at tumingin sa isa't isa na may pang didiri.
" Ew/Yuck" bolina & primo.
" Never!" saad ni bolina at tumalikod kay primo.
" Never talaga! hindi ako papatol sa tahong!" ani ni primo at nagpunas ng kamay na para bang nadapuhan siya ng madumi.
" Hindi din ako pumapatol sa bakla!" saad naman ni bolina at hinawi ang buhok niya.
Magsasalita pa sana ang isa sa kanila pero nagsalita ang host sa stage kaya natahimik lahat ng students.
" Good evening to all the students, and teachers here. tonight we're all gathered for our prom, and we're having a competition as always. Ms and Mr king and Queen of tonight prom!" nagpalakpakan naman ang mga students.
" Let us all welcome our dean, Mr. Nashville!" nagpalakpakan ulit ng may lumabas na isang matandang lalake, pero ang gwapo.
" Hello everyone, I'm Trent Nashville....your dean of course, and I just wanna say to all of you that enjoy the party tonight and congrats for all the winners later! especially for Ms and Mr king and Queen of our school!" muling nagpalakpakan ang mga students kasama kami.
" Tatay mo yan cloud diba?" tanong ni bolina habang pumapalakpak, napatingin naman ako don sa tinutukoy niya.
magkamukha nga sila ni cloud.
" Yes, that's my dad" tangong sagot ni cloud.
" Now students....enjoy the night!" masiglang sabi ng host kaya nagsihiyawan ang mga students at nagpatugtog na.
Kaniyang kaniya aya ng mga partner nila ang mga nandito, syempre si cloud ang first dance ko.
Pumuwesto na kami sa gitna, si sofie naman ay kasama si shandy.
Nang mag umpisa ang pang romantic na music ay nag umpisa na din akmi sumayaw, may mga students din naman kaming katabi pero parang wala sila.
Parang kami lang ni cloud ang nandito, patay ang ilaw sa buong venue at ang nagsisilbing ilaw lang ay yung mga pang disco lights.
" You look so damn beautiful, love." biglang salita ni cloud habang nakatitig sa akin kaya namula ako.
" Aw......my baby is blushing" pang aasar niya.
" No, I'm not" pagtatanggi ko at mahinang hinampas ang balikat niya na ikinatawa niya.
Nabigla pa ako ng higpitan niya ang pagkakahawak sa beywang ko at mas lalo ang pinalapit sa kaniya, sobrang dikit na namin. buti na lang talaga at madilim kundi kitang kita kami ng ibang students.
Napatitig ako sa mga mata niya, kahit madilim nakikita ko padin ang kagwapuhan niya, night vision yarn?
" Pogi mo" nakangiting sabi ko at natawa naman siya ng mahina.
" I know" he chuckled.
Nagpatuloy lang kami sa pagsayaw habang mahinto ang music at mapalitan ng pang disco kaya bumalik na kami sa table, wala parin sila bolina and primo. saan na ba nagpunta ang dalawang yun?
" Let's eat first" ani ni cloud kaya tinanguan ko.
" Guys" napalingon kami kay primo kasama si bolina na nasa likod niya at parang tulala.
" Ano nangyari diyan?" takang tanong ko at tinuro si bolina na parang wala sa katawan niya.
" Nakakita ng multo sa cr ayun natulala, buti na lang nandon ako" sagot naman ni primo at umiling iling.
" Totoo yon bolina?" tanong ko pero walang imik si bolina.
" Huy bolina!" tapik ni sofie sa kaniya na nagpabalik sa realidad.
" A-ah oo..... nakakatakot sa cr kasi madilim....tama...madilim." tango tango niya sa sarili at naupo.
Hindi na kami nagtanong pa at nagsimula na ding kumain, binilisan ko ang pagkain kasi may pupuntahan daw kami ni cloud.
" Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko dito kay cloud habang naglalakad kami sa madilim na hallway, hawak niya ang kamay ko.
" Garden" sagot niya lamang kaya hindi na ako nagsalita pa.
Maya maya pa ay nandito na kami sa garden, sobrang tahimik dahil ang mga students ay nasa venue lahat.
" Ganda ng stars oh" turo ko sa mga bituin na nasa kalangitan.
Sobrang dilim ay nagliliwanag sila, at hindi lang yon dahil madami sila kaya nakaka relax tignan. idagdag mo pa ang buwan na nagliliwanag din, pag ganto ang nakikita ko sa gabi nakakalimutan ko lahat ng lungkot.
" You like stars?" tanong ni cloud kaya napatingin ako sa kaniya.
kanina paba siya nakatingin sakin?
" Oo, simula bata pa ako kapag malungkot ako dahil hindi kami nakakapasyal nila mama at papa. tuwing gabi tumatanaw ako sa mga bituin at sa buwan dahil kapag iyon ang nakikita ko, gumagaan pakiramdam ko at nawawala lungkot ko" sagot ko at muling tumingin sa kalangitan.
" I have something that I want to give it to you" ani niya kaya napatingin ako sa kaniya.
May kinuha siya sa bulsa niya, isang box at pagbukas niya ay napa uwang ang labi ko dahil isa iyong necklace na half moon and may star. napakaganda! simple lang at silver pero sobrang ganda!
" Sa akin to?" tanong ko habang nakatingin sa necklace.
" Yup, I bought it last week. nakita kasi kita na nakatingin sa mga necklace na may moon so I thought you like moon, so when I saw this necklace at the mall I bought it for you." napangiti ako sa sinabi niya.
" Thank you" tumango siya at siya mismo ang naglagay ng necklace sa leeg ko.
" Perfect." saad niya habang tinitignan ang necklace na suot ko galing sa kaniya.
" Tara na cloud baka hinahanap na tayo" ani ko, muntik na namin makalimutan ang prom.
" Yeah....right" sabi niya bago tumayo at sabay na kami naglakad pabalik sa event.
BINABASA MO ANG
Crush On You
RomanceIsang mabait at masayin na dalaga si NATASHA XIAN MADIRIGMA, hindi sila mayaman at ang kanyang mga magulang ay nag tatrabaho para may pang kain sila. Nakapasok siya sa isa sa mga pinaka sikat na school sa bansa at puro mayayaman ang mga nag aaral do...