CHAPTER 13:

639 15 0
                                    

Ngayon ang araw ng prom namin, hindi sana ako sasali sa prom kaso mapilit sila sofie at pati na din si cloud.

Sabi ko nga sa kaniya wala ako susuotin pero siya na mismo nag insist na siya na bahala sa susuotin ko para sa prom namin, kaya heto nandito kami sa mall naghahanap ng susuotin.

Magkakasama kami, mga kaibigan ko at kaibigan ni cloud. kami ni cloud ang nauuna sa lakad at nakasunod si sofie and shandy, tapos si bolina at primo sa likod nila at sa huli ay yung kambal.

Maraming tumitingin samin, well sinong hindi? eh ang gagwapo ng mga kasama namin tapos kami mukhang taga kanal.

chossss....

" Dito oh ang gaganda ng dress!" manghang sabi ni sofie, huminto kami at tumingin sa loob ng store.

tama siya....magaganda nga ang mga gown and dress, may mga panlalaki din.

Pumasok kami at agad kaming binati ng mga staff, may babaeng staff at lalakeng staff.

Nasa right side ang mga pambabae kaya doon kami pumunta ni bolina at sofie, tapos yung mga boys naman ay nasa left side kung saan ang panlalake.

" Here's the dresses for prom po ma'am" ani ng isang babaeng staff, tumango kami at kaniya kaniyang pili ng susuotin.

Lahat naman ay magaganda pero isa lang ang natipuhan ko, kulay dark blue ito na may half silver. Ang ganda ng pagkaka design, for me this is the dress na babagay sakin.

" Ma'am every dresses here have a symbolize" sambit ng isang staff at tinuro yung natipuhan ko.

" This dress po symbolize waves, as you can see po yung design po niya and the color rin po" pagpapaliwanag niya kaya lalo ako naging interesado sa dress.

" How 'bout this one?" tanong ni sofie habang hawak ang dress na kulay orange, is it dark orange? 'di ko alam basta orange yon na yun.

" It symbolize the orange leaves po ma'am" sambit ng isang staff.

" Paano naman po ito?" tanong ni bolina habang hawak ang yellow dress.

" That symbolize yellow rose po ma'am" saad ng isa pang staff.

grabe lahat ng dress dito may symbolize.....sana siya din.

Kinuha na namin yung tatlong dress na iyon, matapos kami makapamili ay pinuntahan namin ang mga boys.

" Tapos na kayo?" tanong ko sa kanila, agad na lumapit si cloud sakin at humalik sa noo ko.

" Yes, love." sagot niya.

" Dapat talaga magkaiba mall ng mga taken" sabat ni bolina na ikinatawa namin.

" Bitter....wala kasing jowa." pang aasar ni primo sa kaniya kaya tinarayan niya ito.

" Ma'am/ Sir here's your order po, thank you for shopping to our store" nakangiting ani ng mga staff na tinanguan namin.

Sila cloud ang nagbitbit ng mga pinamili namin, matapos kami bumili ng susuotin para sa prom ay kumain na muna kami.

Dito kami kakain sa KFC, favorite ko kasi...... ever since KFC na talaga fav ko, unlike other kids na Jollibee, mcdo and other fast foods.

para sakin KFC lang sapat na.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-**-*--*-*--**--*-*-*-*-*

" Wieeee excited na ako mamaya!"

" Halata ngang excited ka girl" ani ni primo kay bolina.

" Epal ka kahit kailan!" pagtataray nito kay primo.

Matapos kami kumain ay naglalakad na kami papuntang parking lot, sasakay ako sa kotse ni cloud while si sofie ay kay shandy tapos si bolina ay doon sa kotse ni primo at yung dalawang kambal  sa sarili nilang kotse.

" See you girls tonight" pagpapaalam ni sofie.

" See you" - kami ni bolina.

" See you man" - cloud

" See you/yah" - sila shandy.

Agad na pinaandar ni cloud ang sasakyan papunta samin, nahihiya ako kasi siya talaga lahat gumastos ng susuotin ko para sa prom.

" Cloud pwede naman ako hindi pumunta" sabi ko ng makarating kami sa tapat ng bahay.

Hawak hawak ko ang mga paper bag ng mga pinamili niya para sakin, ang mamahal pa naman.

" I told you I'm willing to buy expensive things just for you, and I don't accept no for that. you know it xian." napauwang ako ng bibig sa tawag niya sakin.

tinawag niya ako sa second name ko.....

" You heard it right? from now on I'm only the one who can call you natasha and xian" sambit niya at lumapit sa pagmumukha ko kaya napa atras ako.

" Get it?" ang lalim ng boses niya! naka hulog, hulog na hulog na pala ako sa kaniya matagal na.

Tumango ako, umayos siya ng tayo bago hinalikan ang noo ko. fav niyang gawin sakin 'yan bago siya umalis pagtapos niya ako ihatid.

" Bye, love. I'll pick you up at 8 p.m" sabi niya kaya tinanguan ko siya at kumaway ng makasakay siya sa kotse at umalis.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*--*-*-*-*-*-*-*--*-*-*--*-*-*--*-*-*-*

This is it! eto na ang gabing hinihintay ko! suot ko na ang dress and super ganda tapos pinaresan pa ng mamahaling bag and heels.

napaka yaman kong tignan dito.

*I was the girl in the village, doing alright. And then I became a princess overnight*

Tumunog ang phone ko kaya chineck ko kung sino ang tumawag, si cloud.

( Hello?)

[ hey love you ready?]

( Oo, tapos na ako mag ayos.)

[ Good. I'm outside, let's go]

Agad ko kinuha ang bag at bumaba na, naabutan ko pa si mama na nag aayos sa lamesa habang si papa ay nanonood ng TV at si bunso na nag ccp.

" Ma, pa, bunso. alis na ako" paalam ko at nagmamadali.

" Ingat nak/ate" sabay nilang sabi.

Lumabas ako ng bahay ay nakangiting sinalubong si cloud na nakasandal sa kotse niya at mariing nakatitig sakin.

" Panget ba?" takang tanong ko at pinagmasdan ang suot ko, muli ko siyang tinignan at nakatitig lang talaga siya sakin.

Lumapit ako sa kaniya at kumaway sa harap niya, ayun nabalik sa ulirat si cloud.

" A-ahm nothing..... let's go" sabi niya at pinagbuksan ako ng pintuan, ningitian ko ulit siya at pumasok na.

Nakita ko pa na hinawakan niya ang necktie niya para bang inaayos yon bago pumasok ng kotse, nag sitbelt muna siya bago pinaandar ang sasakyan papuntang school.

Nag park kami at bumaba na, siya ang unang bumaba dahil gusto niya daw na alalayan ako sa paglabas.

grabe naman.....

Madaming student ang napatingin samin kaya lalo akong kinabahan.

" Shocks si natasha ba 'yan?"

" Ang ganda!"

" Gago pre ganda"

" Sayang ang pagpapaganda ko, may mas maganda pa sakin"

" Okay. uwi na tayo. may nanalo na"

" Swerte ni pareng cloud!"

Puro bulungan ang naririnig namin, kinakabahan ako.

" Don't be so nervous, I'm here by your side" Ani ni cloud at inoffer ang kaniyang braso na siyang hinawakan ko.

Naka hawak ako sa braso niya habang papasok kami sa venue.

Crush On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon