"Pa, La, malayo pa po ba tayo? Sumasakit na po ang pwet ko sa tagal ng biyahe natin." asik ko kay papa at lola na hanggang ngayon ay tahimik pa rin at malalim ang iniisip.
"Malapit na tayo apo ko." Saad ni lola, samantalang si papa ay wala pa ring kibo ay nakatutok lang sa pagmamaneho.
Okay, malapit na daw, sana nga. At talagang sumasakit na ang pwet ko sa layo ng biyahe namin.
Hindi ko na inintriga sila lola sa nangyari kagabi. I realized na baka nag-lucid dream lamang ako. Madalas ko ng nararanasan iyon, at hindi ko maintindihan bakit ganoon ang mga napapanaginipan ko. Like, I am really there in that dream. So, baka nga isa lang sa mga lucid dream ko yung kagabi.
Maya-maya pa ay biglang huminto ang sasakyan ni papa. Napatingin ako sa labas, at wala naman akong nakikitang kahit ano maliban sa isang malawak na lawa at damuhan.
"Bakit po tayo huminto pa?" Tanong ko dito na kanina pa seryoso. Kasi, hindi ko ma gets, ano gagawin namin dito? Eh wala naman kahit ano?
Mag-s-swimming ba kami sa lawa? Kaya siguro sila nag impake ng gamit? Luh, sobrang dami naman nito para sa mag o-outing lang?
"Because we are here at our destination, anak" Seryosong sabi ni papa. Nakangiti naman si lola na lumingon sa akin mula sa passenger seat.
Bumaba na si papa ng kotse at ganun din si lola. Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila sa labas.
Pinagmasdan ko ang malawak na lupain na nasa harapan namin. Ang weird, there's nothing and no one here? So why are we here?
Nakita ko ang signboard sa tabi ng lawa at may nakasulat dito na "DO NOT GO NEAR HERE". So, confirmed, hindi kami mag s-swimming.
Maya-maya pa ay nakita kong papalapit si papa sa lawa. Agad naman akong nagtaka at tangkang magsasalita ng biglang....
"Nice to be back here." Sabi ni lola na nakatingin lang kay papa. Huh? Nanggaling na ba sila dito??
"Lola ano pong gagawin ni papa? Okay lang po ba kayo? Galing na po ba kayo dito?" Sunod-sunod na tanong ko kay lola.
Lumingon si lola sa akin at sinabing, "Panoorin mo lamang ang gagawin ng papa mo apo ko, mamamangha ka sa makikita mo." Nakangiting sagot ni lola.
So, wala na akong nagawa kundi ang hintayin at panoorin ang gagawin ni papa. Lumapit siya sa signboard na binanggit ko kanina. Dahan-dahan niya itong inikot pa-clockwise at unti-unti na lamang may naging visible na....
"OH MY GOD!!!! WHAT IS THAT LOLA? WHAT IS HAPPENING?" pasigaw kong tanong kay lola habang nakatingin pa rin sa unti-unting nagiging visible na napakalaking itim na tarangkahan.
"Calm down, Cxziara. This is your new school." Saad ni lola sa akin na hindi ko namalayan ang paglapit at nakahawak sa aking mga balikat.
Napatingin ako kay papa na pinapanood lamang ang pag-litaw ng big black luxurious gate. Hindi pa rin nag-s-sink in sa akin ang nangyayari. So, hindi nga panaginip yung kagabi? What the fvck!?
Tuluyan na naging visible ang gate na kanina lamang ay wala dito. Kanina ay isa lamang itong malawak na lupain na may lawa sa gitna. Ngayon ay may isa ng malawak na gate sa harapan namin.
Tinignan ko ang nasa signboard na inikot ni papa. Iba na ang nakalagay dito.
"Welcome To Enchanted University"
Nasapo ko ang ulo ko ng bigla akong nahilo at tila ay pumipintig ito ng napakalakas.
"Are you alright anak?"
"Are you alright apo?"
Sabay na tanong ni lola at papa. Inayos ko ang tayo ko at ngumiti sa kanila.
"Yes po, okay lang ako. But, can you please explain what the hell is happening? Ano yung nakita ko kagabi? Was that real? I thought it was just a dream. At eto naman ngayon, kanina ay isang malawak na lupain lamang ito, but when you flip that signboard, this giant gate appeared?" Sunod-sunod kong tanong kay papa at lola nakatingin sa akin at tila nag-aalala.
"Your papa will explain it to you. Fidel, it's time to tell Cxziara the truth. Babalik lang ako sa kotse upang ayusin at ilabas ang mga dala nating gamit." Sabi naman ni lola
Napabuntong hininga si papa at tumabi sa akin. Pareho na kami ngayong nakaharap sa malaking gate na ito.
"Anak, Cxziara, we are not a normal humans." Panimula ni papa, na siya namang dahilan upang mapalingon ako sa direksyon niya.
"What do you mean pa?" Tanong ko dito. Wala pa naman akong na-e-experience an iba bukod sa nangyari kagabi at ngayon.
"We have magical powers. We have our own power which normal humans do not have." Seryosong sagot ni papa na nakatingin na rin sa akin ngayon.
He looks so damn serious. He ain't joking from the look of his eyes.
"For real? I don't understand pa. I didn't even have my own power, right?" Sabi ko kay papa ng nagpapanic ang aking boses.
"That's because your power is not out yet. Kaya nandito tayo ngayon sa Enchanted University. Your new school, that will help you na palabasin ang kapangyarihan mo." Sabi ni papa sa akin.
Magsasalita pa lamang ako ng biglang tinawag ni lola si papa.
"Fidel, halika rito. Nailabas ko na ang lahat ng gamit ni Cxziara. Tulungan mo akong magbitbit." Tawag ni lola kay papa.
Pinagmasdan ko lamang sila habang binubuhat ang mga gamit ko. I can't comprehend what's happening at the moment. Pero bahala na. Susunod na lang ako sa sinasabi nila.
YOU ARE READING
Prowess
ActionA prestigious academy where everyone is invested in "ABILITIES" An unknown place, where only those who have power can access and see. A magical place where everyone is entitled to their own power. Date Started: July 1, 2023 Date Finished: ------