Chapter Eight: A glimpse

6 6 0
                                    

RINGGGGGGGG RINGGGGGGG RINGGGG

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko na panay ang tunog, paalalang kailangan ko ng bumangon.

Pagtingin kor rito ay, 7 am na.

I have one hour left para mag-prepare ng sarili ko at kumain ng breakfast. Dadaan kaya si Yari ngayon?

Knock Knock Knock

"Rise and shine miss calixto." Magiliw na tawag ng isang babae mula sa pinto ko

Speaking of the angel, narito na siya. Lumapit ako ng pinto at pinagbuksan siya. As usual, nakangiti nanaman si smiley face, at ang ganda ganda ng aura niya.

"Stop calling me miss Calixto, ang weird pakinggan kapag galing sayo." Natatawang sabi ko rito.

"I'm just kidding, hehe. Ang ganda kasi ng last name mo e. Ang unique." sagot naman ni Yari.

"Maliligo at mag prepare lang ako ng sarili, then sabay na tayo mag breakfast sa cafeteria." Nakangiting sabi ko kay Yari.

"Okie dokiee." sabi nito sabay upo sa sofa at binuksan ang tv.

Dumeretso na ako sa bathroom at naligo. Nang matapos ako ay nag blower na ulit ako ng buhok at naglagay ng light make-up.

Lumabas ako ng cr, at dumeretso sa sala. Nanonood pa rin ng tv si Yari.

"I'm done, let's go?" Saad ko kay Yari.

"Okiie" kinuha nito ang gamit niya at tumayo.

7:30 am na. May 30 mins pa kami bago magsimula ang klase.

"Bilisan nalang natin kumain para hindi tayo ma-late sa klase. Terror pa naman ang una nating prof ngayo." Salita muli ni Yari.

"Okay, pasensya na late ako nagising." Sagot ko rito.

"It's alright, ganyan din ako nung mga unang lipat ko dito. Hindi ako sanay na maaga yung klase ko. Dati kasi ay 9 am or 10 am nagsisimula ang klase ko." Mahabang paliwanag nito.

Nang makarating kami sa cafeteria ay agad na rin kaming nag-order at umupo sa dating pwesto namin.

Nang matapos na kami kumain, may 10 mins nalang para makarating kami sa room, kaya naman nagmadali na kaming maglakad at tumungo sa room.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Natapos ang klase ng puro general subjects at sparring session na ang next. Nagpunta muna kami sa cafeteria para mag-snacks.

"So, how's your first day of sparring session yesterday? I forgot to ask, because you look exhausted." Out of nowhere na tanong ni Yari habang ngumuya. Pasaway, hindi muna tapusin ang pagkain.

"Okay lang naman." Maikling sagot ko.

"Parang sa reaction at tono ng voice mo, e, hindi okay, hahaha." Sagot nito.

"Ahh, kasi ang pangit nung tingin ng ibang mga kasama ko sa akin. Parang diring-diri na "wala pa" akong power." Paliwanag ko.

"Baka nga kung wala si sir Cairo doon e pinagtripan na ako ng mga yun." Dagdag ko.

"Don't worry, hindi ka nila gagalawin as long na kasama mo ako. Takot lang nila sa IDCC, magulat sila talsik na sila dito." Mayabang at nakangiting sabi ni Yari.

Natawa naman ako sa confidence nito at talagang nag-grin pa after niyang sabihin iyon.

"Salamat, Yari." Nakangiting sagot ko rito.

Nang matapos kami mag meryenda ay dumeretso na rin kami sa gym. At, dahil nga hindi kami same ng level ni Yari, magkahiwalay nanaman kami ng room ngayon.

Nakaupo lang ako sa gilid habang naghihintay kay sir Cairo.

Maya-maya ay may lumapit sa aking isa sa mga kasama ko dito. Umupo siya sa harapan ko at naka indian sit.

"Hello!" Magiliw na bati sa akin ng babaeng nasa harap ko ngayon.

"I'm Vanessa, and you are Cxziara, right?" Salita muli nito.

"Uhmm, hello. Yes, I am Cxziara. Nice to meet and know you, Vanessa." Nakangiting tugon ko dito.

"So, you said wala kang powers diba?"

Tumango naman ako rito.

"Paano ka nakapasok dito kung wala kang any ability? Or power?" Tanong nito na tila naguguluhan.

Mukha naman siyang mabait.

"Hindi ko din alam kung bakit ako ni-transfer dito ng Lola at Papa ko e." Sagot ko.

"Ahhh, ganon ba. Pero wala ka talagang nararamdan na kahit ano na kakaiba sa katawan mo?" Tanong ulit nito.

Teka, close na ba kami? Ang daming tanong ha. Pero sige, dahil ayoko magkaroon ng kaaway.

"Wala e." Maikling sagot ko.

"Oh, mahina ka pala. So, ikaw ang pinakamahina sa lahat ng student na narito ngayon." Tila biglang nag-iba yung tao na kausap ko lamang kanina.

Yung kaninang magaan at magiliw na aura ni Vanessa ay naging madilim at mabigat. Nagulat ako nang mag-snirk ito at nag-iba ang pagtingin niya sa akin. A "you're-so-disgusting-look" yung tingin niya sa akin.

"Excuse me?" Tanong ko dito dahil nabigla ako sa sinabi niya.

"Ang sabi ko, isa kang "WEAKLING" hahaha." Pag-ulit nito sa akin at pag-diin sa word na mahina.

Sasagutin ko na sana si Vanessa nang biglang bumukas yung door.

Si sir Cairo.

Buti nalang at dumating ka na sir! Baka kung ano pang masabi ko dito at kjng anong gawin sa akin! Hmp, porket nakokontrol na nila ang kapangyarihan nila, akala mo kung sinong napakalakas na. E, beginner level lang din naman siya? Like duh, ksp (kulang sa pansin) yarn?

"I'm sorry class, I'm late. So, today we will be practicing your ability control." Panimula nito.

Nagtaas ng kamay si Vanessa.

"Yes, miss Alcantara?" Tawag ni sir dito.

"E, paano naman si Cxziara, sir? Wala po siyang ability diba?" Natatawang tanong nito, na siyang naging dahilan para magtawanan ang iba pang mga kasama namin.

Sumasama na talaga ang timpla ng mood ko. At hindi maganda ito pag nawalan ako ng pasensya sa kanya. Hindi ko talaga mapipigilan ang sarili ko na magsalita din ng hindi maganda sa kaniya!

"Excuse me, miss Alcantara, that behavior is not allowed in here. Any of you who will repeat that same mistake, I will take you to the headmistress' office immediately." Na siyang ikinatahimik ng lahat.

Pati ako ay hindi inexpect na ganon at sasabihin niya, at magiging ganon siya kaseryoso. Sir, kampi tayo diba? Yes!

After ng ilang sandaling katahimikan ay nag-umpisa na ring i-demonstrate ni sir kung paano yung ability control.

Ipinakita niya sa amin kung paano niyang pinalabas yung kapangyarihan niyang, APOY.

Shesh! Ang angas ni sir! Ang pogi na nga, ang hot pa ng power!

Oh, wag kayong ano jan, hot naman talaga yung power niya! Hmp. Nasanay na ako sa mga power power nila na nakikita ko tuwing sparring session.

Hindi kasi allowed gamitin iyon during general academic class hours. Kapag nasa sparring lang, or nasa mission.

ProwessWhere stories live. Discover now