Chapter Seven: Another Lucid Dream

7 6 0
                                    

"Cxziara"  boses ng isang babae na hindi pamilyar.

Lumingon ako sa pinanggalingan nito at wala akong nakitang kahit anino doon.

Nanaginip nanaman ata ako. Another Lucid dream ko nanaman ba ito? Ang alam ko ay gabi na ah, bakit umaga dito?

Narito ako sa isang hardin na may naka-pave na daan patungo sa 'di kalayuang kagubatan. Mula dito ay tanaw ko na yung naglalakihang puno doon.

At may isang natatanging puno na nakaagaw ng pansin ko. 'yong nasa harapan, napakalaki nito masyado kumpara sa iba. At mahahalata mo ring katandaan na ang puno na 'yon.

Luminga-linga pa ako sa paligid ko para makita ng maayos ang buong paligid.

Naalala ko na!

Naaalala ko ang lugar na 'to.

Ito yung lugar din na madalas ko mapanag-inipan noong bata ako. Halos araw-araw ay ito yung settings ng panaginip ko.

"Hello?" Nagbabakasakaling tawag ko, baka kasi may ibang characters pa na susulpot dito e, haha.

"Narito ako, sa likod ng puno..."  Isang boses na naman ang narinig ko, yung boses ulit ng babae kanina.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kagubatan. Nang malapit na ako sa harap ng malaking puno ay biglang dumilim ang buong paligid.

Tila ba bigla nalang naging gabi, na hindi man lang sumapit ang dapit-hapon.

Nagulat ako sa pangyayari, kaya naman panandalian akong napahinto sa paglalakad.

Kinakabahan ako.

Kahit na panaginip lang ito, nararamdaman ko na kinakabahan talaga ako.

Maya-maya pa ay biglang may isang batang tumakbo, mula sa puno, papalayo. Nahagip ng mata ko iyon, kaya hindi ako pwedeng magkamali.

Dali-dali akong tumakbo mula sa pwesto ko para sundan yung bata. Nang makarating na ako sa gitna ng kagubatang ito, napahinto ako sa nakita ko.

Isang babaeng nakatalikod.

Nakatalikod ito sa akin, at nakaharap sa isa pang malaking puno. Nagulat ako nang makita na ang punong tinitignan ng babae ay kamukhang-kamukha ng puno na nasa harapan kanina.

What the hell is happening? Pati ba naman tung panaginip ko ang gulo-gulo! Jusko nalang talaga!

"Hello, Miss? What are you doing in my dream? Who are you?" Tanong ko dito.

Hindi naman ito natinag sa pagkakatayo niya. Nanatili siyang nakatalikod, at nakatingin sa puno. Sa hugis ng katawan at tangkad niya, ay mukhang kaedad ko lamang siya.

Nasaan na yung batang tumakbo kanina?

"Uhmm, hello? Can't you speak?" Tanong ko pa dito.

"Cxziara" boses muli nung babaeng tumawag sa akin kanina. At nagmula ang boses na iyon sa direksyon ng babaeng nakatalikod at nakaharap sa puno.

Her voice gave me chills.

Kinilabutan ako sa lamig ng boses niya sa malapitan.

"Yes? Why are you calling my name?" Sagot ko rito.

"Hindi ka pwedeng maging malapit sa kaniya." Salita muli nito ng hindi man lang umaalis sa pwesto at ayos niya.

"Ha? Kanino? Sino naman ang tinutukoy mo?" Balik kong tanong dito.

Naguguluhan ako sa sinasabi niya. At isa pa, bakit ba ayaw niyang humarap sa akin? Ngayon lang ako nagkaroon ng kausap na nakatalikod sa akin ha.

"Hindi ka pwedeng maging malapit sa kaniya." Ulit nito sa sinabi niya kanina?

Hays! Sino nga kasi yung tinutukoy niya? Nakakaloka ha. Kung lucid dream ko ito, bakit hindi ko makontrol ang panaginip ko?

"Hindi ka pwedeng maging malapit sa kaniya." Ulit nito kahit na hindi pa ako nagsasalita muli.

Okay, okay, natatakot na ako sa nangyayari. Mumu ka ba?

"Multo ka ba teh? Bakit ayaw mo humarap sa akin? Pangit ba yung cause of death mo? Like napisa yung mukha mo, or nagasgas, or wala kang mata? Ganon?" Tanong ko dito at mejo nata-tawa-tawa pa sa kalokohan ko.

"Hindi ka pwedeng maging malapit sa kaniya." Salita muli nito.

At this time, sinasabi ko na sa inyo, nakaka-kilabot na talaga iyong boses niya.

Magsasalita pa lamang ako nang...

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA"

Isang malakas at matinis na boses nung babae ang pinakawalan niya. Napatakip ako ng tainga ko at napapikit sa sobrang lakas at tinis ng pagsigaw niya.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Ano bang nangyayari?

"Hindi ka pwedeng maging malapit sa kaniya."

"Hindi ka pwedeng maging malapit sa kaniya."

"Hindi ka pwedeng maging malapit sa kaniya."

"Hindi ka pwedeng maging malapit sa kaniya."

Paulit-ulit na boses ang naririnig ko na nagmumula sa kung saan, sa lahat ng dako ng paligid ko, na sinasabi iyan.

Nakakabaliw! Ang sakit sa tainga at ulo!

Hindi huminto ang samu't-saring tinig yung nairinig ko na sinasabing hindi daw ako pwedeng maging malapit kay kung sino man yun. Kaya hindi ko matanggal ang pagkakatakip ng kamay ko sa tainga ko.

Ilang sandali pa ay,

Sawakas,

Huminto na rin ang mga tinig na iyon.

Unti-unti kong minulat ang mata ko at hinanap yung babaeng nakatalikod kanina sa akin.

Wala na siya.

Wala na siya doon sa pwesto niya.

Nilingon ko ang buong paligid at hindi ko na siya natagpuan. Wala na ding kahit sinong presensya ang naramdaman ko sa paligid.

Maya-maya pa ay unti-unting biglang nagdidilim ang paningin ko. Tila ba nawawala ako sa wisyo at mahuhulog sa pagkakahimbing.

Anong nangyayari sa akin?

Ano nanaman ba it-----

ProwessWhere stories live. Discover now