Chapter Nine: A glimpse (2)

5 6 0
                                    

Nagpatuloy si sir sa demonstration niya.

Mula sa paglabas ng isang maliit na usok sa palad niya, unti-unti niyang ni-control iyon para maging apoy. Then, mula sa malinggit na apoy, nasakop nito ang buong palad ni sir. At hanggang sa naging isang bilog na kasya sa dalawang palad niya.

Ang ability control na ito daw ay para matuto kaming controlin yung powers namin. Kasi kapag nawala ito sa control namin ay maaaring masaktan kami sa sarili naming kapangyarihan, o makasakit ng iba.

Pinakawalan naman ni sir ngayon, yung apoy na sing-laki na ng torso ng katawan niya at tumama ito sa pader.

Nagtakip ng tenga ang lahat ng nasa loob ng room namin dahil sa lakas ng tunog at impact ng apoy na pinakawalan ni sir.

Kami lang ang nakakarinig at nakaramdam niyon dahil may special sound proof ang mga room na dito sa gym, at may magic yung walls. Ganon din sa iba, hindi namin naririnig o nararamdaman yung ganap ng powers nila.

Kaya kahit na ang laki nung damage ng apoy na nagawa ni sir, ay unti-unti ding bumalik sa dati yung tinamaan non.

Odiba, ang angas! Natutuwa na ako sa university na to ha. Hahahsha.

Isa-isa nang tinawag ni sir ang mga kasama ko para ipa-try sa kanila yung kaninang ginawa ni sir.

Iba-iba ang abilities o power ang meron sila.

May tubig, apoy, lupa, hangin, electro-lightning, healer, at marami pang iba.

Nang si Vanessa na yung tinawag ni sir, electro-lightning din ang kapangyarihan niya.

Nung tumayo siya kanina ay lumingon pa ito sa akin at ngumisi, na para bang may balak itong gawin na kalokohan.

Okay, here we go again, pati dito ay hindi na naubos ang bully?

"Okay, miss Vanessa, show us what you got." Saad ni sir Cairo sa kanya.

Nag-umpisa na niyang ilahad ang palad niya at ipinakita ang maliliit na tila nagsasayaw na kidlat/kuryente sa palad niya.

Pinalaki niya ito ng pinalaki, hanggang sa nagkaroon na ng madidilim na ulap sa kisame ng room namin, na tila nagbabadyang uulan ng malakas sa sobrang dilim nun.

Doon na nakadikit ang power ni Vanessa na tila kidlat na nakokontrol niya.

"Let it go, just make sure you hit that wall." Sabi ni sir Cairo at itinuro yung pader na tinamaan ng apoy niya kanina.

Tumango si Vanessa at pinakawalan niya iyon. Dahil sa sobrang focus ng lahat sa malaking kidlat na ibabato niya, hindi nila napansin na may isang hibla ng maliit na kuryente, ang patungo sa direksyon ko.

WHAT THE FVCK?! BALAK BA NITONG KURYENTEHIN AKO!?

Hindi ako nakapagsalita para tawagin ang atensyon nila sa sobrang panic ko, nang biglang tila may kung anong kumikirot sa palad ko na sobrang sakit.

Iniharan ko ito sa direksyon na tatamaan ng maliit na hibla ng electro na iyon.

At laking gulat ko na...

NA-ABSORB ITO NG KAMAY KO!!

Ni wala akong naramdaman na pagka-kuryente. Ni hindi ako nakaramdam ng sakit after nang saluhin ng palad ko yung electro power ni Vanessa.

Tumingin ako sa direksyon niya, na ngayon ay nagulat din sa ginawa ko. Pero agad niyang tinago yung pagkagulat niya.

Nagpalakpakan ang lahat dahil nagawang patamain ni Vanessa yung malaking kidlat sa wall at ang lakas ng damage nun.

Potek, pano kung ganoon kalaki yung kidlat na tumama sakin? Baka patay na ako?

Pinaupo na ni sir Cairo si Vanessa, at dumaan pa ito sa tabi ko.

"How did you do that?" Pabulong at madiin na sabi ni Vanessa.

Pati siya ay hindi makapaniwala. Aba mas ako!

Hindi ko ito pinansin at inismiran ako nito bago bumalik sa pwesto niya.

Unti-unti na bang lumalabas ang ability ko?

Pero, bakit ganoon kasakit ang palad ko bago saluhin ang electro ni Vanessa?

Hays! Tatanungin ko na lang on phone mamaya si dad at lola, wala naman akong alam sa mga symptoms ng paglabas ng power!

Tama, malamang alam ni lola kung ano ito, lalo na at healing ang power niya.

Natapos na ang sparring session kaya pinauwi na kami ni Sir.

Sabay ulit kami ni Yari ngayon pabalik sa floor at dorm namin. Tapos na din kami mag dinner kaya naman patungo na kami sa dorm.

Hays, isang nakakapagod na araw na naman, malamang mahaba nanaman tulog ko nito.

ProwessWhere stories live. Discover now