Chapter Three: Enchanted University

16 6 0
                                    

Narito na ako ngayon sa dorm ko sa loob ng napaka laki at napaka weird na School na ito.

Enchanted University...

Naipapaliwanag na sa akin ang lahat ni lola at ni papa.

Kanina habang papasok kami sa napakalaking gate ng school na ito, kinuwento sa akin ni lola ang history ng family namin.

Ang akala ko talaga dati normal people lang kami, kasi nga ni hindi ko minsan nakita yung powers nila kahit glimpse lang. Maski powers ko wala din naman.

Pero ang sabi ni papa at lola ay natatangi ang kapangyarihan na mayroon ako. Isang hindi pangkaraniwang kapangyarihan na wala ng nagtataglay ngayon kundi ako.

Kaya ganoon na lamang ang nangyari nung gabing unang beses kong nakita ang kapangyarihan ni papa at lola.

Si papa ay isang Electro lightning Manipulator. Ang kapangyarihan ni papa ay kuryente at kidlat. Kaya niyang tanggalin ang power ng lahat ng bagay na gumagana dahil sa electricity. Kaya niya ding magpatama ng kidlat kung kailan niya gusto.

Si lola ay isang Healer. Kahit anong uri ng sakit ay kaya niyang gawan ng gamot o kaya naman ay pagalingin gamit ng kapangyarihan niya. Ang mga cursed disease lamang ang hindi kayang pagalingin ng mga pro healer ayon kay lola.

At ako naman....

Sabi ni papa at lola, maaaring ang tinataglay ko daw na kapangyarihan ay ang, Preeminent.

I am a Preeminent Manipulator..

Ngunit hindi ko pa rin maintindihan. Ni hindi ko nga alam kung totoo ba ang sinasabi nilang kapangyarihan ko. Ni hindi ko nga kayang magpagalaw ng alikabok e.

Anyways, nang makapasok kami kanina sa university na ito, nakita ko kung gaano kalawak ang loob nito. Kung sa labas ay makikita mo na ang lawak ng front view ng school, mas lalo na sa loob.

Napakataas at napakarami ng mga buildings. Tatlong kulay lang ang makikita mo sa disenyo ng eskwelahan.

Puti, Itim, at gray.

I like the combinations of colors tho.

May mangilan-ngilang estudyante akong nakikita pagpasok namin. Ang uniporme nila ay kulay Maroon at White.

White yung blouse at may maroon na vest, pati yung mini skirt ay maroon din.

Ganoon din sa boys, white polo na may maroon linings sa kwelyo at sa button part. Pati ang pants nila ay maroon.

So kung i-i-magine-in ninyo, bagay na bagay yung kulay ng uniporme namin sa kulay ng school, para kaming nasa impyerno haha.

Dumeretso kami kanina sa office ng Headmaster ng University na ito. Isang babae na kasing edad ni lola. Ngunit kahit ganoon ay makikita mo pa rin ang kagandahan niya, katulad ni lola.

Nag-usap silang tatlo nila papa at lola, mukhang magkakakilala na nga sila dati pa. Pinagmasdan ko lang sila habang nag-uusap. Nang matapos ay pinalapit nila ako at ipinaliwanag sa akin ng headmistress ang sitwasyon maging ang rules at magiging buhay ko ngayon dito.

Matapos ang pag-uusap ay umalis din ng eskwelahan sina lola at papa. Babalik daw sila sa normal na mundo upang ayusin ang mga gamit na naiwan sa bahay.

Maglilipat din sila upang hindi na sila balikan doon ng mga Death Knights. Sila yung sumugod sa bahay namin.

Sa pangalan pa lang, pang demonyo na talaga.

Kaya daw ako hinahanap ng mga yun ay dahil sa power na meron ako.

Kailangan nila yung kapangyarihan ko.

Kaya inaksyunan na agad nila papa at lola since malaki naman na daw ako para maintindihan ang mga bagay-bagay.

Buong araw akong pagod, kaya nakahiga lang ako ngayon sa kama ko. Hindi na din ako nag dinner dahil wala akong gana bumaba ng cafeteria para bumili ng pagkain.

Nakatitig lang ako ngayon sa ceiling habang p-na-process pa rin ang mga kaganapan.

Hanggang naramdaman kong dinadalaw na ako ng antok at napagdesisyunang matulog na.

ProwessWhere stories live. Discover now