Nagising ako sa katok ng pintuan na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Nag stretching muna ako bago tumungo sa pintuan.
Pinagbuksan ko ang kung sino mang ang aga-agang kumakatok sa pinto ko.
"GOOD MORNING MS. CALIXTO!!!"
Energetic na bati sa akin ng isang dalagang nakatayo ngayon sa harap ko. Ang laki ng ngiti nito sa akin na lalong nagpapaganda sa appearance niya at aura niya.
"Uhmm, hello? Good morning?" Alanganing sagot ko dito dahil I don't even know her.
"I'm Yariza Forge, your kapit-dorm!! Nice to meet you!!" Masigla nitong sabi habang nakangiti pa rin sa akin.
Nginitian ko din siya at inanyayahan sa loob ng kwarto ko.
"I was asked by our headmistress to be with you, that's why I'm here hehe, baka kasi nagtataka ka." Sambit ulit ni Yariza.
"So, kilala mo na pala ako??" Tanong ko dito habang nakatalikod sa kanya at nililigpit ang hinigaan ko.
"Yes, you are Cxziara Calixto, the one and only Preeminent Manipulator in our world!!!" Masayang sabi nito.
Hindi na ako magtataka na kilala na ako ng iba dahil sa pakpak ng balita.
"Ohh, so, lahat kayo kilala na ako?" Tanong ko dito upang manigurado.
"Nope, ang admin ng school at mga Inter Departmental Coordinating Council or IDCC for short." Sagot naman nito.
Oh, mabuti naman, at ayaw ko ng attention sa school na ito. I'm just a typical student out there in the normal world, at hindi ako sanay na nasa akin ang attention ng lahat.
"So, hihintayin mo na ako? Nag-breakfast ka na ba Yariza?" Tanong ko dito habang tinitignan siya na nililibot ang tingin niya sa dorm ko.
"Yes and nope. Hihintayin na kita at hindi pa ako nag b-breakfast, because I'm so excited to meet youu" Nakangiting sagot nito sa akin.
"And, just call me Yari, because we're friends na!!!" Pahabol niya. Tumayo naman ako sa pagka-kaupo at kinuha ang towel at uniform ko.
"Oki yari, maliligo na pala ako para makababa na tayo for breakfast." Sabi ko dito.
"Okiiiiiii, ligo well cxza" sabi niya.
Pumasok na ako ng cr, at napa-woah ako sa sobrang linis at ganda nito. Napakalawak ng space at bathtub at may shower room pa na na-c-cover ng glass wall.
Ibang klase talaga ang school na ito. Mula na higanteng gate, mala-condo na dorm, at cr na bongga.
Nagmadali na akong naligo at nag-ayos ng sarili.
Matapos magbihis ay lumabas na ako ng cr at dumeretso sa vanity mirror upang magsuot ng light make-up at i-plantsa ang buhok ko. Na-blower ko na sa cr kaya naman plantsa nalang ang kulang.
At tadaa, I'm done. Lumabas na akong bedroom at nakitang nasa living room si yari na nanonood ng tv.
May mga normal na palabas din naman pala sila dito. Akala ko pati palabas sa tv ay puro anout din sa power at abilities e.
"Yari, I'm done. Let's go na??" Tanong ko dito.
Tumingin siya sa direksyon ko na nakangiti pa rin at tumango. Hindi ba to napapagod ngumiti. Napaka-jolly na tao.
Kinuha ko ang bag ko at pati si yari. Lumabas na kami ng pinto at sinukbit nya bigla ang left hand sya sa right arm ko.
"Magkaklase pala tayo sa lahat ng subjects?" Tanong ko kay yari.
"Yessss, except sa Sparring Session." Sagot nya
"Ohh, so, hindi ko pa pala natatanong, anong type ng ability meron ka?"
"I'm an Air Manipulator. I can control air or even take your breath away." Sagot nito sa nakakatakot na tono.
"JOKE!!! HAHAHAHAHAHA. Natakot ka ba?" Sunod na sabi nito na biglang nagbago ang mood from serious to jolly again.
"Uhmm slight? Hahahahs." Sagot ko habang tumatawa sa kalokohan niya.
"T-na-try ko lang maging serious kunwari, pero hindi ko talaga kaya hahaha. Pero totoong Air user ako, but I can't take the breath of someone. Mga katulad mo lang makakagawa nun." Sabi niya sa akin.
"Ni hindi ko pa nga nailalabas yung power ko, yung mapigilan pa kaya yung paghinga ng iba." Natatawang sagot ko dito.
"Lalabas din yan. Kaya nga nandito ang Enchanted University, to help you protrude your power." Asik nito sa akin.
Nakarating na din kami sa wakas ni Yari sa cafeteria, at medyo marami-rami na rin ang estudyante na nandirito.
Humanap kami ng vacant table at duon inilagay ang mga gamit namin.
"Let's choose our breakfast over there." Nginuso ni Yari ang tinutukoy niyang direksyon. Tumango na lamang ako at sumunod sa kaniya.
....
Matapos naming kumain ay dumeretso na agad kami sa aming room.
Pagpasok na pagpasok ko ng room naramdaman ko na lahat ng mata ay nakatuon sa direksyon ko.
I hate this kind of scenario.
Hindi ko na lamang sila binigyan pansin at dere-deretso naglakad patungo sa katabing upuan ni yari.
"Wala bang may-ari ng seat na ito?" Tanong ko kay Yari.
"None, kaya you're free to sit there." Sagot ni Yari ng nakangiti.
Inilapag ko na ang gamit ko at tahimik na naghintay ng oras. Nasa mid-row kami nakaupo ni Yari, which is I like.
Dumukdok ako sa aking armchair dahil may 15 mins pa kaming hihintayin bago mag-start ang klase.
*BLAGGG*
Napa-angat ako ng ulo sa narinig kong ingay at tumingin sa direksyon na pinanggalingan niyon.
Isang lalaking kulay abo ang buhok.
Pumasok siya sa room na tila walang pake sa eksenang ginawa niya. Ni walang kahit anong reaksyon ang makikita mo sa mukha niya.
Agad siyang umupo sa upuang nasa likuran ko.
"Tss." Mahinang saad nung abong lalaki na hindi nakaligtas sa pandinig ko.
Nilingon ko siya para tignan kung anong problema niya.
"Why are you looking at me?" Tanong nito sa akin sa malamig na boses.
Sasagot na sana ako ng...
"GREY!!! PARE LONG TIME NO SEE" sabi ng isang lalaking kakapasok lang ng room sa pinaka malakas niyang boses.
Hindi naman siya kinibo ni Grey kasi wala naman akong narinig na sagot nito?
What the heck is wrong with these people!?
Itong abo nagdabog at kinalampag yung pinto. Ito namang pare na tumawag sa kaniya napakalakas ng bunganga! Hindi ba pwedeng magsalita sa mahinahon na paraan?
YOU ARE READING
Prowess
ActionA prestigious academy where everyone is invested in "ABILITIES" An unknown place, where only those who have power can access and see. A magical place where everyone is entitled to their own power. Date Started: July 1, 2023 Date Finished: ------