Chapter Ten: Grey Zion Hades

7 6 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas mula nang i-transfer ako ni papa at lola dito.

After nung araw na naramdaman ko yung kirot ng palad ko at nasalo ko yung electro ni Vanessa na walang anumang naging damage sa akin, ay hindi na naulit iyon.

Kapag may nant-trip sa akin sa daan at sinasabing hindi nila sinasadya kapag nahuli ay si Yari ang nagtatanggol sa akin.

Tss, malamang sasabihin nila yun para hindi sila mapatawag sa council.

Sabi ni lola ay obserbahan ko raw muna ang sarili ko kung may iba pa akong kakaibang mararamdaman o nagagawa na hindi pangkaraniwan sa akin.

Isang linggo na rin simula nung huling nakita kong pumasok si Abo.

Ngayon ko lang ulit naalala na kaklase ko nga pala siya, haha. Isang linggo ng empty yung sit niya at ewan ko kung bakit.

Tss, yabang porket anak ng headmistress e tamad na pumasok sa klase? Eew.

~~~~~

Narito kami ni Yari ngayon sa room, wala pa yung susunod na prof namin.

Napansin ko na pati yung kaibigan ni abo na malakas ang boses, e wala rin?

"Yari, psst." Tawag ko rito.

Kanina pa nagbabasa ito ng book about sa science, favorite niya daw kasi yun.

"Hmm? Why?" Tugon nito na naka-focus pa rin sa ginagawa niya.

"Bakit isang linggo na wala yung abo at yung friend niyang malakas ang boses?"

"Ahh, yiee, bakit miss mo ba yung kaaway mo?" Nang-aasar na tanong ni Yari sa akin. Nakatingin na siya ngayon sa akin at nakangisi ng pagkalaki-laki.

"Baliw! Hindi no, nagtataka lang ako. Pwede pala yun? Porket may connection sa may-ari ng school, hmp ang daya ah! Tayo bawal mag absent!" Mahabang reklamo ko sa kaniya. Na siya naman ikinatawa niya ng malakas.

"HAHAHAHAHAAHHAZHHSHAHAHAHA." Saad nito na tila walang pake sa paligid niya.

"Huy, bat ka naman humahalakhak jan? Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Tanong ko rito, kaya naman huminto na siya sa kakatawa at inayos ang sarili.

"Sorry, sorry, ang kyut mo kasi e, hahaha. Ganito kasi yan." Sabi ni Yari

"Nasa isang mission sila Grey ngayon, kaya isang linggo na rin silang absent. Lahat ng mga matataas o pro level na ay ipinapadala ng headmistress at higher council sa mission." Sabi nito.

"Huh? Mission? Anong klase namang mission yun?" Curious na tanong ko kay Yari.

"Ewan, bawal i-disclose yun e. Kaya wala rin akong idea, tanging yung headmistress, higher council, at mga ipapadala sa mission lang ang nakakaalam. Hayaan mo, makakarating ka din don." Nakangiting sabi nito.

"Eh, ikaw? Nakasama ka na ba sa missions?" Pag-iibang topic ko.

"Hindi, pa. Medium level palang ang power ko kaya hindi pa ako pwede. Pero kung gugustuhin ng headmistress or higher council, ay maaari silang magpadala ng mga medium level sa isang mission, kung hindi naman ganoon kahirap ito." Mahabang paliwanag niya.

"Kaso, mostly kasi ay mahihirap ang mission kaya puro pro level palang ang sinasabak sa missions." Dugtong niya.

"Ahh okay, salamat sa pagsagot, Yari." Nakangiting sabi ko.

"Don't, worry, kung may mga gusto ka oa malaman, feel free to ask me hihi." Sagot niya.

After nun ay saka naman dumating ang prof namin para sa Algebra. Kaya umayos na kami ng upo at bumati rito.

~~~~~~

Grey's POV

"Be alert, Rex." Seryosong sabi ko sa kasama ko ngayon sa mission na ito.

Tss! Bakit ba kasi ako pa ang napili ni mom na ipadala dito, ang dami dami namang pwedeng grupo ang ipadala niya, kaming dalawa pa talaga ni Rex!

"Copy that, Zion." Naka-smirk na sabi ni Rex.

"Shut-up and stop calling me that name." inis na tugon ko.

Ayaw na ayaw ko sa lahat ay tinatawag ako na Zion, dahil ang sura pakinggan.

"We're here." Tugon ko nang makita ko ang air  border ng lugar.

Tanging mga Air user lang ang maaaring makakita ng mga ganitong border. Dahil elemntal power ang meron ako, ay kaya ko rin makita ito.

Tss, kaya ako at si Rex ang pinadala ni mom ay para daw hindi masyado maka-hakot ng atensyon ng kalaban. Mas maluwag kumilos kapag dalawa lang kami.

Ito yung pangatlong base ng kalaban na mission namin. Kailangan naming ubusin ang mga naka-assign na tao doon sa bawat base.

Kada base ay may 10 na kalaban, kaya hindi naman kami mahihirapan ni Rex na tapusin ito. Mga minions lang naman ito ng totoong kalaban namin.

"Ako na bahala kumuha ng atensyon nila, i-cut off mo muna yung foundation ng borders nila." Sabi ni Rex.

Tinanguan ko naman ito, at nagsimula na siyang magpakita sa mga kalaban, sa labas ng border.

Hindi siya pwedeng pumsok o dumikit man lang doon, dahil nakakapaso.

Ang ability power ni Rex ay loud voice + healer + lava.

Kaya kung sa palakasan ng boses ay panalo na siya.

"HOY MGA PANGET!!!" sigaw ni Rex sa malakas na boses para maagaw ang atensyon ng mga kalaban namin.

Nagtagumpay naman siya doon, at naalerto na ang mga kalaban.

Inilibot ko ang mata ko at nakitang may apat na power foundation na parang brilyante and air border na ito.

Tinira ko iyon ng air with electric blow isa-isa, at nagtagumpay ako na maalis ang border nila.

"Rex, let's go." Tawag ko rito, tumango naman siya at mabilis na bumaba sa base ng mga kalaban.

"What's up, Death Knights na mukhang pwet!" Bati ni Rex dito sa nakakainis at nang aasar na tono. Diyan siya magaling e.

Advantage naman namin iyon, dahil kapag nainis ang kalaban ay hindi na sila makakapag-isip ng maayos kung paano sila dedepensa.

Inatake siya ng isang Fire User, at ginawang lava naman ito ni Rex pabalik sa kaniya.

Muntik ko nang hindi makita ang isang malaking Boulder ng bato ang paparating sa akin, buti nalang at mabilis ang reflexes ko.

Ibinalik ko ito sa kalaban ng doble ang laki. At isa-isa ko na silang tinira ng kapangyarihan ko.

Ilang sandali pa at napatumba na namin silang lahat. May kaunting bangas na natanggap kami, pero dahil healer si Rex ay nagaling naman agad.

"Shesh! EZZ" pagmamayabang na sabi ni Rex, habang naghahabol ng hininga niya.

"Tss, yabang. Tara na, may dalawang base pa tayong dapat patumabhin." Sabi ko.

Gumawa ako ng isang malaking putik sa inaapakan namin, at unti-unting nilubog ang mga kalaban sa ilalim ng lupa. Para malinis tignan tss, ang sakit nila sa mata.

After non ay umalis na rin kami ni Rex, at tumungo sa susunod na base.

ProwessWhere stories live. Discover now