Chapter One

1 1 0
                                    

-- Her POV --

Paalis na kami ng ospital para magpahinga pero me being me, pupunta muna ako sa library para taposin yung Case Presentation ng group namin. Sa Monday na rin kasi simula ng Sports Festival at ang gusto ko lang gawin doon ay magpahinga.

"Hoy Vee!" Rinig kong sigaw ni Bernadette, ang kagrupo kong maaasahan ko sa paggawa ng mga school works. Ang totoo niyan, ako ang leader ng grupo at hinding hindi ko nagustuhan ang posisyon ko. Madami sa amin ang walang ambag kaya badtrip talaga. Walang pahinga lalo na't puro kami duty at paper works ngayong fourth year namin.

"Oh?" Sagot ko habang nagsscroll sa iPad ko ng mga articles about Diverticulitis para sa case presentation namin.

"Grabe! Di ka nanaman uuwi agad? Gusto mo bang samahan na lang kita? Baka mapano ka oh? Napakaputla mo pa naman" mahabang pagsasalaysay ni Bern.

"Ano ka ba? Gawin niyo na lang yung part niyo saka gising na gising ako oh, nakakawalang ganang matulog pag ala siete ng umaga." Graveyard shift kami palagi, ewan ko ba sa mga nagsschedule, kaya nakakapagod din.

"Sure ka? Antok na rin kasi ako eh." Sagot naman niya, tumango lang din ako at direderetsong naglalakad.

"Teka! Dalhan na lang kita ng pagkain sa library, para di ka manghina dyan." Bago pa ako makahindi sa kanya bigla na lang siyang tumakbo papuntang canteen, kaya pumasok na rin ako sa library.

Magkaiba ang Nursing library sa Law, Criminology, at General Library. Kaya konti lang talaga ang pumupunta sa library namin. Yung iba nga natutulog lang dito eh.

"Ma'am, yung epidemiology book nga po." Entrada ko sa librarian namin at binigay yung ID ko.

"Galing ka nanaman ng duty iha?" Baling naman ni Ma'am Narsissa sa gilid ko kaya nginitian ko lang siya.

Isa siya sa mga terror na teacher namin, and she's the best one for me. She's a really good mentor kaya minsan kapag may tanong ako about pathophysiology sakanya talaga ako dumederetso.

"Ah yes ma'am, taposin ko na po itong case pres namin ma'am, para maganda ang bakasyon next week!" Galak na sabi ko sakanya. She smiled back at me at tinapik lang ang shoulders ko at kinausap naman ang isang libriarian

She's a woman with a few words talaga.

After that interaction, kinuha ko na ang librong hiniram ko para magsimulang mag-aral. Mga ilang minuto lang din ng biglang may naglagay ng pagkain sa lamesa.

"Best leader! Wag ka magpakapagod ha? Ayan, binilhan na kita ng madaming pagkain! Una na ako!" Pabulong na sabi niya at saka umalis na din.

I took a picture of it and post it on my story sa instagram.

"Thank you @berniebunny!" I typed. Then turned off my phone at bumalik sa pagbabasa habang kumakain na rin ng Mango Graham Caramel de Leche na bigay niya.

-- His POV --

"Apollo! Bilisan mo magsstart na sila sa rotation! Baka mapunish nanaman tayo." Sambit ni Marco, kaibigan ko sa course namin na criminology.

"Nasan daw ba kasi sila? Napakalaki ng grounds oh!" Sagot ko naman sakanya, paikot ikot na rin kasi kami dito sa grounds at wala pa rin kaming nakikitang mga criminology students na nag ROTC.

"Doon nga daw sa dulo e!" And with that parang magic na lang na nandoon nga sila, ang kaninang hinahanap hanap namin biglang nandito na lang bigla. Buti na lang hindi pa nagsisimula.

The Untold Path of our DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon