Isang maulan na umaga ang bumungad sa akin paggising ko. Alas kwatro pa lang ay gumagayak na ako dahil kadalasan ay nag re-review pa ako ng mga napag-aralan namin kahapon.
Hindi na ako nagulat nang pagdating ko ng kwarto namin ay wala pang katao-tao roon. Ngayon ko lang napagtantong naiwan ko pala ang earphones ko sa bahay kaya nagpa music nalang ako nang wala iyon, total ay ako pa lang naman ang nandito.
Nasa pangatlong palapag kami ng gusali at nakaupo ako ngayon malapit sa malaking bintana sa loob nitong aming kwarto. Nakatalikod ako sa pinto at napapatulalang nakatutok sa labas habang nakikinig sa paborito kong kanta.
Patuloy kong dinadama ang pagdampi ng malamig na hangin sa mukha ko na para bang binibigyan ako nito ng matamis na halik. Napapapikit ako habang nakangiti.
Ilang sandali pa ay unti-unti nang dumadating ang mga kaklase ko kaya binalik na ako sa sarili kong upuan at pinatas ang musikang pinapakinggan ko kanina. Ipinatong ko ang ulo ko sa maliit na mesa at sinubukang umidlip nang marinig ko ang walang kasing ingay na boses ng kaibigan kong si Joanna.
"Alam niyo bang may bago tayong transferee? Nakita ko sa opisina ni ma'am Olga, ay mga day, ang gwapo!"
Isang ilongga kaya may katigasan itong magbigkas ng mga salita. Napakabibo at kahit bestfriend ko siya ay kung minsan ang sarap na niyang ipasok sa sako at isemento. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at nakitang pinalilibutan na siya ng iilan naming mga kaklase na nakikinig sa dalagang balita niya.
Dati ay magkatabi pa kami pero ngayon ay nasa harapan ko na siya nakaupo. Nilipat kasi siya dahil sa daldal niya pero kahit siguro sa labas yan paupuin mag-isa ay magagawa pa rin niyang mag-ingay.
"Paki off nga niyang alarm clock na'tin, natutulog ako dito oh." biro ko sabay turo sa kaibigan
Tinaasan naman niya ako ng kilay "Mukha mo. Narinig mo lang na may gwapo e!" aniya
Ngumiwi ako "Aanhin ko naman yan?" walang ganang sagot ko at bumalik sa posisyon ko kanina.
Naririnig ko pa ang mga pag-uusap nila na tungkol lang naman doon sa bagong transferee raw. Naku, kahit naman gwapo yan, kapag nagtagal na ay pagsasawaan fin nila yan, makikita niyo.
Naramdaman kong unti-unti nang tumahimik ang paligid. Nang marinig ko ang boses ng adviser naming si Ma'am Olga ay umayos na ako ng upo. Ramdam ko ang paninigas ko sa sariling kinauupuan nang makita ang nakatayo sa tabi niyang lalaki.
Nakaitim na T-Shirt, itim na pantalon, nakalitaw ang hikaw sa tenga, magulong ang buhok at.. gumunguya ng chewing gum?
Napatulala ako. Adik ba siya?
Napabaling ako sa mga kaklaseng kong mga babae na tila kinikilig pa ang mga ito. Mga adik din 'to e..
Natapos na sa pagsasalita si ma'am Olga at mukhang siya naman ngayon ang magpapakilala. Sa hindi ko malamang dahilan ay bumibilis ang tibok ng puso ko, maging ang aking paghinga na para bang may humahabol sakin nang magsimula na siyang magsalita.
Hanggang sa mapahawak na ako sa dibdib ko na ngayon ay hindi na maawat. Malalim ang pagkakakunot ng noo ko, alam kong hindi na rin maitimpla ang mukha ko kaya nabigla ako nang habang nagsasalita siya ay nagtama ang mga paningin namin. Sandali lang iyon at mukhang wala nga lang 'yon sa kanya nang ilipat na niyang muli ang tingin sa iba.
Buong pagsasalita niya ay tila nakalutang lang ako. Ni hindi ko namalayang tapos na pala siya at pinapanood ko lang siya hanggang sa makaupo siya sa gilid ko. Sa bawat mga estudyante ay dalawa ang magkatabi. Hindi naman kami magkatabi pero kaunting espasyo lang sa pagitan naming dalaw.
Siguro ay naramdaman niya ang tingin ko kaya napabaling din siya sakin. "Ayos ka lang?"
Tanong niya na tanging tango lang naisagot ko. Halos manlambot ako sa pagkakaupo. Hindi ko maintindihan ang sarili sa pinanggagalingan ng biglaang panghihinang ito kaya tumayo na ako at in-excuse ang sarili patakbong tinungo ang banyo na malapit lang sa aming kwarto at tinitigan ang sarili sa salamin doon. Anong nangyari sakin don?
Pinakalma ko ang sarili at pinanood ang malalim kong paghinga sa salamin. Natagalan pa ako roon dahil ayaw kong mangyari na naman iyong kanina. Nang sa palagay ko ay ayos na ako ay bumalik na ako sa loob. Pagpasok ko ay wala na roon ang adviser namin kaya maingay na rin ulit.
Agad na nahanap ng mata ko ang pigura ng lalaki na nakaupo sa gilid ng inuupuan ko. Pilit ko namang iniiwas doon ang tingin ko.
"Tumae ka 'no?" bungad sakin ni Joanna
"Wag mo nga akong kausapin." Irap ko. Sa loob ko ay mabuti at mukhang hindi rin nila napansin iyong nangyari sakin kanina. Hindi ko kakayanin pag tuksuhin nila ako tungkol doon dahil tiyak na hindi ako makakatanggi.
"Sus, pinagpawisan ka nga kanina e."
Kaya tiningnan ko siya nang masama
"Nahiya ka pa, gets ko naman yan e! Ang pakiramdam na natatae tapos hindi makatae, ay isa sa mga parusa na pwedeng maramdaman ng isang tao!"
"Bwesit!"
Halos itago ko ang ulo ko sa dalawa kong kamay sa kahihiyan nang mapansin kong napapasulyap siya samin. Sa ilalim ng dalawang braso ko ay napakurap-kurap ako sa sarili. Bakit parang natuwa ako nang tumingin siya?
Hindi na maganda 'to.
Hanggang sa magrecess na ay nabibigla pa rin ako sa aking sarili. Hindi ako sumama sa mga kaibigan ko sa canteen bagkos ay nanatili ako roon nang mukhang wala rin siyang balak na umalis.
Nygunit nagkamali ako nang tumayo siya at lumabas ng kwarto. Pasimple ko siyang sinundan at kunwari ay nagbabasa ako habang naglalakad. Nagulat ako nang pumasok siya sa library kaya pumasok din ako total ay hindi naman ako mapag-iisipan ng kung ano ng kung sino sa madalas naman ako rito.
Nasa kabilang parte siya ng bookshelf habang ako naman ay narito sa kaliwa. Nakikita ko sa mga butas kung paano niya idampi ang kamay sa bawat librong madadaanan nito. Napapatingala at mukhang naghahanap ng mababasang libro.
Nang may makuha na ay nagtingin-tingin pa muna siya kaya bigla akong napatalikod at nagkunwaring naghahanap din. Nang makaalis siya ay tiningnan ko kung saang section ng mga libro siya naghahanap. Poetries.
YOU ARE READING
Greatest Encounter (Unedited)
PoetrySa buhay, bawat isa sa atin ay may maituturing ng greatest encounter ng buhay na'tin na maaring magtagal sa atin hanggang sa pagtanda. Iyon ang mga encounter na talagang sa atin nakatadhana. Samantala, may iba ring magsisilbi lamang na aral sa mga b...