Kabanata 5

8 1 0
                                    

Kinabukasan ay panay ang iwas ko kay Isaiah dahil siguro sa ayaw kong magtanong siya. Bukod sa bestfriend kong si Joanna ay wala nang ibang nakakaalam n may sakit ako sa puso.

Pinanganak akong mahina na ang puso ko at lalo itong humihina sa t'wing nakakaramdam ako nang matinding kirot sa dibdib o pagod. Kaya kahit gustong-gusto kong sumali sa kahit anong sports, at sa noon pa man ay passion ko na'ng pagsasayaw ay mahigpit na ipinagbabawal naman iyon sa'kin.

Sa akala ko nang pansinin ko na si Isaiah ay kukulitin niya ako tungkol sa mga narinig niya Pero nagkamali ako. O baka naman wala talaga siyang narinig doon?

Dahil absent si Joanna na ang lagi kong kasamang mag recess ay si Isaiah na lang din ang sinamahan ko. Nasa canteen kami at sa totoo lang ay wala naman kaming pakialam kung pagtinginan at pag-usapan man kami ng mga nandito. Magkaibigan kami, at 'yon na yon.

Habang kumakain ay hindi maiiwasan samin ang magkwentohan. Kinikwentohan ko siya tungkol sa mga nakakatawang nangyari samin ni Joanna at kung gaano ako kasabaw kung minsang.
Ganon din siya at sunod na kinikwento ang mga nakakatawang nangyari noon sa kanya kaya pareho kaming tatawa-tawa habang kumakain.

"Naghahanap nga pala ngayon ng mga members ang dance troupe ng eskwelahan natin, baka gusto mong sumali? Nakita kita nung p.e time e, magaling ka palang sumayaw akalain mo 'yon?" Inambahan ko siya ng suntok kaya tatawa-tawa siya

"Kung pwede lang talaga." Tawa ko at pinaghahalo ang pagkain ko

"Bakit?" Natigil siya sa pagtawa at unti-unting nagseryoso nang tanungin ako

Tinitigan ko pa muna siya, nag-iisip kong sasabihin ko ba o "Wala."

"Hindi nga, bakit nga?" Kulit niya

"Bawal ako dyan e, hindi kakayanin ng katawan ko."

"Ha? Bakit, hindi ka naman patpatin ah? At hindi ka naman nagbubuhat don, sasayaw lang."

Natawa ako ron. "Magagalit si Mama at ate sakin." ngayon ay nagsabi na ako nang totoo

Sandali siyang natahimik bago muling magsalita "Faith, kahapon.."

Napatingin ako sa kanya.

"Kahapon kasi narinig ko ang mga sinabi ng Mama mo sayo.. pero hindi ko naman sinasadya." Nakinig lang ako sa kanya "Faith, may sakit ka ba?"

Hindi ko na namalayan ang pagpatak ng butil ng luha sa mata ko. Ewan ko kung bakit naging emosyonal nalang ako bigla, hindi naman ako ganito noong nagkwento ako kay Joanna. Siguro ay dahil sa nakita ko sa mata niya.. iyong totoong pagmamalasakit.

Sa huli ay pinili kong magpakatotoo sa kanya. Hangga't maaari ay ayaw ko sanang kinakaawaan ako, lalo na'ng ayaw kong kaawaan niya ako..

Sinabi ko sa kanya na may sakit na ako sa puso mula pa noong bata ako kaya hindi ko magawa-gawang maging active sa sports kahit paman na gusto ko. Imposible ring masunod ko ang passion ko sa pagsasayaw kaya hanggang sa paghanga nalang ako sa mga mananayaw na kakilala ko.

"Sana h'wag mag-iba ang tingin mo sa'kin. Ako pa rin 'to, pwede mong biru-biruin at kutusan, wala sanang magbago. At sana.. sana wag kang maaawa sakin." wika ko nang matapos magkwento sa kanya

Nag-aalala akong baka ngayong alam na niya, mag-iba na ang pakitungo niya sakin. Na gaya ng isang masiglang bagay, na kakailanganin pa niyang lumayo para lang masigurong hindi niya ito mababasag. Pero ganon nalang ang gulat ko nang malayo sa inaasahan kong magiging reaksyon niya ang sinagot niya.

"Bakit, dahil mapapagod ka? Malulunod ka sa practice? Pwede ka pa ring namang sumayaw at ako ang magiging audience mo. Dun pwedeng-pwede kang magpahinga sa oras na pagod ka na."

"A-anong sabi mo?"

Parang hinaplos ng kamay ang puso ko sa narinig. Wala ni katiting na awa rin akong nahimigan sa boses niya.

"Sabi ko pwede ka pa rin namang sumayaw kahit ako lang ang audience mo," Nahinto pa siya sandali "Pole dancing nga lang."

Binato ko siya ng tinapay. Iyon na e, touch na touch na ako sa mga sinasabi niya. Tsk, tsk, wala na talaga ng pag-asa ang isang 'to.

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa matapos na rin namin ang mga kinakain namin. Abot langit ang tuwa ko dahil wala na akong tinatago sa kanya, magaan na ulit sa pakiramdam. At higit sa lahat, walang nagbago, tarantado pa rin siya.

Nang makauwi ako sa bahay ay kinuha ko agad ang notebook ko at isinulat doon kung gaano ako nag-uumapaw sa tuwa sa araw na ito.

*****

Comfort In Black 🖤

Behind your weird sense of style
and your undying love for black
You keep on saying things
That always left me in a shock

In the process of knowing you
I learned that you're crazy too
You're dressed as a rockstar while I roleplay as a nerd,
But what's crazy is how alike we can get

Once, I introduced you to a part of me-
Not the one that you've met,
But the one that I have kept

I expected you to soften
or feel pity for me
But what you said surprised me,
Oh how stubborn you can be

You didn't care but still, I sense your sympathy
Really, it's all that I need
And you gave it to me

Tho you're weird but
I can't say how I'm not
Tho you're weird
But you've shown me comfort in black.


Greatest Encounter (Unedited)Where stories live. Discover now