Kabanata 4

11 0 0
                                    

Sa akala ko pagkatapos ng gabing 'yon ay hindi muling pauulit pa'ng magkaron kami ng ganoong ugnayan, per nagkamali ako. Sa nagdaang mga araw ay naging malapit kami ni Isaiah. Lihim na ipinagpasalamat ko nung nasira ang bisiklita ko dahil dun ay nagkaroon kami ng pagkakataong makilala ang isa't-isa. Hanggang ngayon nga ay inaayos pa rin ito kaya sa kanya ako lagi sumasabay pauwi.

Paunti-unti rin ay nakikilala ko na siya. Nalaman ko ang mga hilig niya gaya ng paglalaro ng video games, chess, at syempre ang hilig niya sa pagbabasa at pagsulat ng mga tula.

Nang makilala ko siya napagtanto ko ring sa kabila ng maangas niyang pananamit, pagkilos, at kahit sa pananalita ay isa rin siyang dakilang nerd. Haha! Marunong naman akong mag chess pero dahil sa magustuhan ko talagang matalo siya ay gabi-gabi ako nanonood ng mga videos, nagbabasa kung saan-saang sites para lamang matoto ng mga tricks sa ganitong laro.

"Haa? Paano?!!"

Takang-taka ako nang ang pinuyatan kong tutorial kahapon ay hindi umepek sa kanya.

"Anong paano? 'Yan oh, kitang-kita na talo ka! Kaya ililibre mo'ko ng kwek-kwek mamaya, usapan 'yon!"

"Nandadaya ka naman ata e!" Pambibintang ko pa sa kanya. Sa ilang mga moves lang ay naiwasan niya agad ang sana ay pampatay na galawan ko sa chess. "Sige, sige. Palalampasin ko'to ngayon."

Maagang natapos ang klase namin kaya may oras pa kami para gumala. Pauwi samin ay mapapadaan sa Isang mini park kung saan mayroong iilang mga street vendors doon na nagbebenta ng street foods.

"Grabe naman yan, hindi naman ba iiyak ang tiyan mo d'yan?" Ngiwi ko nang makita ang tatlong kwek-kwek at tatlo ring isaw na kinakain niya.

"Hindi, libre e." Sagot niya

"Sus, nakachamba ka lang naman kanina."

"Sige, tignan nga natin kung ilan ang chamba ko sa katawan. Hayy..  araw-araw malilibre, ang sarap lang sa pakiramdamm."

"Mukha mo oy."

Hindi pa man kami matagal na magkakilala ay naging malapit na kami sa puntong naaasar na namin ang isa't-isa nang walang pikunan.

Nasa park kami nakaupo at kumakain ng mga binili naming street foods habang nasa gilid naman namin ang aming mga bisiklita.

"Bakit nga pala ketchup yang sauce mo? Ang sarap kaya pag suka." Kalaunan ay nasabi niya nang mapansin ang sawsawan ko.

Napangiti nalang ako "Bawal ako e."

"Oh?" Aniya at sumubo ng kwek-kwek "Allergy ka d'yan?" dagdag niya pa

Hindi agad ako nakasagot at kumagat na rin doon sa kinakain kong fishball "Buti nga sana kung ganon lang." Naisagot ko pero mahina lang

Nang tingnan ko siya ay nakatingin na siya sakin at para bang sinusubukan niyang basahin ang isip ko

"Ayy, halika na nga! Baka may makakita pa satin dito, isipin pa nagde-date tayo." Tumayo na ako at nagpagpag, ganon din ang ginawa niya

Nang tingnan ko ang oras sa relo ko ay mag-aalas sais na pala, hindi ko namalayang dahil napasarap ang pagmumuni-muni namin doon.

"Bakit naman nila iisipin yon?"

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya "Hindi mo ba alam? Naiisue na tayo sa room natin! Ang mga aswang na 'yon!"

Pero natawa lang siya "Hayaan mo sila." tsaka nauuna nang dinala ang bike niya

"Sandali!" Sumunod ako sa kanya

Kagaya nang nakasanayan niyang gawin ay hinatid muna niya ako sa bahay bago siya umuwi sa kanila.

Pagkapasok ko sa loob ay sinalubong agad ako ng galit ni Mama at ang pandadatong ni Ate rito. Galit na galit si mama dahil ginabi na naman ako gayong tumawag siya kay Ma'am Olga at nalaman nga niyang maaga kami pinauwi. Bukod doon ay galit din siya dahil naglilihim na raw ako sa kanya. Ganito nalang sila palagi at kahit alam kong para naman ito sa kapakanan ko ay hindi ko pa rin maiwasang manlumo.

Ganon nalang ang gulat ko nang matanawan ko sa bintana ang nakatayo pa ring si Isaiah sa harap ng bahay namin at alam ko, narinig niya iyon lahat.

Greatest Encounter (Unedited)Where stories live. Discover now