Kabanata 2

14 0 0
                                    


Isaiah's Pov

Nasa bahay kami naglalaro ng video games ng dalawa kong kaibigan nang maalala kong ikwento ang nangyari kanina. Ang unang araw ko sa Gabriela High School.

"May isang babae sa klase ko, may itsura." Pagsasalita ko sa kalagitnaan ng paglalaro namin.

"Talaga, sino?" si Keno na nasa likuran namin at nag-aabang kung sino ang matalo ay nagsalita.

"Baka bagay kami niyan." Biro naman ni Zoi

"Faith yata? Ewan, iyon lang narinig ko." Sagot ko "Kaya lang may tupak ata. Nakita ko 'yon sa bintana nang nasa baba ako ng building, pumipikit na nakangiti e, natakot nga ako." Dagdag ko pa

Pareho naman silang natawa "Baka nagwiwish lang?" sabat ni Zoi

"Umagang-umaga?" Ngiwing tanong ko

"Anong itsura?" Usisa ni keno

"Maganda naman. Maputi, maikli ang buhok, mukhang matalino.. at nerd." Saad ko

"Ay ays, bagay na bagay nyan kayo." Tumango naman si Zoi, sumasang-ayon kay Keno.

"Mukha mo, talo ka!" Hiyaw ko nang mabangga iyong dala niyang kotse sa laro namin.

Sa sumunod na araw ay panay pa rin ang sulyap ko sa babae. Kahit maganda siya ay sigurado naman akong hindi ko naman siya type kaya nagtataka ako ngayon kung bakit may pakialam ako sa bawat galaw niya.

Nakita ko sa nakapaskil na dingding ng kwarto namin ang mga pangalan at litrato ng mga classroom officers at nalamang siya pala ang presidente. Active rin siyang nagpa-participate sa mga subject namin.

Ngayon ay may itinanong ang subject teacher namin na malayo naman sa tinuturo niya kanina. Tanong niya kung alin ba raw ang mas mahalagang mayroon ang isang taong nangangarap, talino o galing?

Siya ang sumagot at pinili niya ang talino. "Kapag may kaalaman ka, maiiwasan mong magkamali. Magkamali ka man ay maitatama mo dahil nga may alam ka." Paliwanag niya, mukhang sumang-ayon ang lahat.

Wala naman sana akong balak makisagot ngunit ang pakialamiro kong side ay nabuhay. "Ma'am?" Taas ko ng kamay

"Yes, Isaiah? May sasabihin ka ba?"

Tumango ako at tumayo bago nagsalita "Tama nga naman 'yon, pero ang kagalingan ng isang tao ay siyang bagay na natural na nitong taglay noon paman at nahahasa lamang sa pagdaan ng panahon, pero ang katalinohan ay napag-aralan. Iyon ang mga bagay na alam mo ngunit hindi mo pa alam noon. Kaya para sakin, mas mahalaga pa rin ang kagalingan dahil 'yon ang isang bagay na hindi basta-basta naituturo gamit ang mga salita lamang." Pagkasabi ko non ay parang gusto ko nalang magtago sa silyang inuupuan ko. Hindi ko maintindihan kung anong pinatutunayan ko e.

"Oo nga, pero ang tanong dito ay kung saan ang mas mahalaga. Aanhin mo naman ang galing mo kung hindi ka naman umuusad dahil sa katiting na kaalamang meron ka? Kapag matalino ka, kahit saan ka ilagay gagaling at gagaling ka." Nabigla ako nang magpasalita pa si Faith

"Tama nga naman." sang-ayon ng guro namin

"Ang katalinohan, may nilulugaran yan. Mga mga parte ng buhay na hindi mo kailangan ng talino para umusad, pero kapag magaling ka, kahit saan ka pa ilagay tiyak na aangat ka." syempre hindi pa rin ako nagpatalo

Ramdam ko na ang pagtataka sa mga mukha ng mga kaklase namin at ang mga pabalik-balik ng tingin ng mga ito sa aming dalawa.

Isang maliit na espasyo lang ang mayroon sa pagitan naming dalawa habang nakatingin sa isa't-isa. Seryoso ang tingin niya habang ako naman ay malayang pinagmamasdan ang mukha niya. Naka ponytail ang buhok, ang una mong mapapansin dito ay ang maliit na blondeng parte niyon sa ilalim. Maraming nunal sa mukha, manipis na labi, maliit na ilong, at.. bakit parang nakangiti ang mga mata niya gayong napakaseryoso naman ng mga ito?

Nang uwian ay dumaan pa muna ako sa opisina ng adviser namin para ipasa ang mga kulang ko pang requirements. May iilan pa kasi akong kulang at pinalampas lang basta ba raw ay maipasa ko rin agad sa mga sumunod na araw.

Medyo madilim na nang matapos iyon dahil nagpaphoto copy pa ako. Palabas na ako nang mapamilyaran ko ang isang babae na mukhang inis na inaayos ang kanyang bisiklita.

"Baka kailangan mo na ng ibang rides pauwi? pagabi na." wika ko pagkalapit sa kanya

Nakapantay ang katawan niya sa kanyang bisiklita at pilit iyong inaayos. Nangunot ang noo ko kung paanong umabot sa ganon kalala ang lagay niyon pero mas pinili kong itikom nalang ang bibig ko at baka paalisin pa ako.Ngumiti ako nang tingnan niya ang dala kong bike. Nakita ko siya kahapon at pareho lang kami nang dinaanang kalsada, mukha nga lang nasa unahan pa iyong kanila.

Ang nangyari ay pinaangkas ko siya sa bike ko. Bahagya pa akong nanginginig dahil sa pagkakahawak niya sakin sa bewang ko na mukha rin namang hindi siya komportable kaya naman ay paminsan-minsan ay napapaduling-duling ang takbo namin.

Nagkunwari akong natatawa "Akalain mo yon? May kabigatan ka pala?" Sabi ko pero nang bahagya ko siyang lingunin ay nakita kong nasa kalangitan na ang tingin niya.

"Gustong-gusto ko talagang lumalabas pag ganitong mga oras dahil sa ganito. Ikaw ba, nagagandahan ka rin ba sa t'wing lumulubog ang araw?"

Mayroong malawak na palayan sa gilid ng dinadaanan naming kalsada at sa unahan niyon ay matatanaw ang papalubog na haring araw.

Tango lang ang tanging naisagot ko kahit pa na alam kong hindi niya iyon nakikita dahil wala akong makalap pa na salita.

"Ang ganda-ganda niya, 'no? Mahaluan man ng ibang kulay, lalo lang na gumaganda, pambihira." Usal niya kaya sinadya kong bagalan nang bahagya ang pagpedal. Sinabi niya iyon na hangang-hangang nakatutok sa napakagandang tanawin.

"Yan ang tunay na ganda. Kahit sa anong anyo, magpalit man ng kulay, lalo lang namumukudtangi." Sa wakas ay nadamayan ko rin siya, nasa kalangitan na rin ang tingin ko

Nilampasan ko ang bahay namin at hinatid siya sa kanila sa tulong niya. Nahihiya pa siya nang magpasalamat at magpaalam. Hinayaan ko muna siyang pumasok sa loob bago ako umalis roon at bumalik sa bahay.

Hanggang sa makauwi na ako sa bahay ay hindi pa rin maalis-alis ang ngiti ko. Samu't-saring mga salita ang kasalukuyang tumatakbo ngayon sa isip ko kaya napagisip ko nang kumuha ng isang pirasong papel at ballpen para mailabas na ito, sa tanging paraan na alam ko.

*****

Dusk and Dawn 🌄

You are the sun in Dusk and Dawn

As the sun began rising when the moon has had its fun

Thus that little blonde on your hair,

Constantly reminds me of how it rises up there


You said you loved sunsets

And asked me if I do,

I nod not only of when the sun sets

But because it will remind me them of you



You've always been a fan of a rising sun

You said it'll look more majestic when colors were combined

And tho I couldn't agree more,

But when I get asked which master piece to frame, don't be surprised cause I might just say your name




So in this world where dawn gives hope in every tomorrow

Be my Dusk, oh give me Faith tonight




Wherever life gets you, know that you'll always have the things that I'll adore,

Like a sunrise that is so beautiful

And even those that make you insecure

Are like the sunset that I will always be looking for.

Greatest Encounter (Unedited)Where stories live. Discover now