Kabanata 6

9 0 0
                                    

Isaiah's Pov

Sa bawat umagang pumapasok ako ay sinasalubong niya ako ng matamis niyang ngiti, kaya kahit pa kung minsan wala ako sa mood ay nagugulat nalang ako sa t'wing nahahawa na rin ako sa mga ngiti niya.

Pero syempre hindi ako sanay sa ganon, hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya minsan kahit alam kung nakangiti na siyang nakatingin sakin ay nagkukunwari na lang akong walang napapansin.

Ngayon ay Isang maulan na araw kaya wala halos pumasok sa mga kaklase namin. Wala rin kami masyadong klase kaya bawat isa samin ngayon dito ay may kanya-kanyang mga kinaaabalahan. Nakaupo ako sa upuan malapit sa bintana at may hawak na gitara. Nags-strum ako roon nang lumapit siya sakin, ayan na naman ang ngiti niya.

"Jamming tayo. Tahanan by Adie, alam mo? Ikaw mag gitara, kakantahin ko."

Sumenyas siyang gawin ko na kaya hindi pa man ako um-Oo ay sinunod ko na lang siya. Nag umpisa akong mag strum sa gitara at kumanta naman siya gaya ng sinabi niya.

Song lyrics: Tahanan by Adie

Sa araw-araw
Tanging ikaw ang
Palagi kong hinahangad
Laging tanaw sa 'yo ang ilaw
Na nagsisilbi kong liwanag

Labis ang ngiti kapag ika'y kaharap
Ramdam ko ang pagmamahal giliw
Namumukod-tangi ka at walang katulad
Ikaw lang ang para sa 'kin

Sa 'yo lang sa 'yo lang ako uuwi
Kaya naman

Dito ka sa piling ko
O dito ka lang
Dito ka lang
Bumabagal ang ikot ng mundo
Kapag ika'y nariyan
O aking tahanan

Ta ta ta ta ta tahanan
Dito ka lang
Dito ka lang
Dito ka lang
O aking tahanan
Latatadatadatadada mmm

Sa bawat sandali
Na tayo ay magkayakap nang mahigpit
Taglay mong init ang bumabalot sa 'king
Nilalamig na damdamin

Tayong dalawa'y pinagtagpo
Ng tamang pagkakataon
Hindi maitatanggi
Na sa akin ikaw ang tanging
Tiyak ah

Ikaw lang ikaw lang ang tinatangi
Ikaw lang at ako ang
Naaaninag
Sa gitna ng paraiso na
Ating sinimulan
O aking tahanan

Habang kumakanta siya ay pinilit ko ang sarili na hindi siya titigan. Ibang klase. Bukod sa magaling na siyang sumayaw, napakanda rin ang boses niya.

Pinapawi lahat ng iyong mga ngiti
Negatibo na nakadikit sa 'king labi
Huli ng iyong ngiti ang aking kiliti
Katotohanan na hindi ko maitatanggi
Na mahal kita
Walang iba
Kaya naman

Dito ka sa piling ko
O dito ka lang
Dito ka lang-

Napapapikit pa siya habang kumakanta at kung tumingin man siya sakin ay ngumingiti pa siya. Hindi ko na kinaya ang matinding pananaga sa dibdib kaya sa kalagitnaan ng pagkanta niya ay huminto ako.

"Oh bakit ka huminto?" Nanghihinayang na aniya

"G-gusto ko na palang matulog." Iyon nalang ang dinahilan ko

Kinaumagahan ay inanunsyo nang wala na munang pasok dahil may paparating na bagyo. Pero siguro ay walang ano mang bagyo rito ang makakapigil kay Faith na dayuhin ako rito para lang ayaing maglaro ng chess

"Oy ikaw na." Natauhan nalang ako nang magsalita siya.

Kasalukuyan kaming naglalaro ng chess sa bahay. Paminsan-minsan ay pinupuntahan ko siya sa kanila pero kadalasan ay siya ang pumupunta rito para makidayo at makapaglaro kami.

"Inaantok ako e." Hikab ko at sinundan iyong kaninang move ko

"Gusto mo bang makapagpahinga muna?" Ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala.

Napakurap-kurap akong napatingin sa kanya nang mapagtantong baka iba ang pagkakaintindi niya roon sa sinabi ko "H-hindi. Nananalo na ako e." Biro ko

Nakita kong naglapat ang mga labi niya at bahagyang tumango bago sinundan iyong move niya. Napakamot nalang ako sa batok.

Hanggang sa makauwi si Faith ay nag-aalala pa rin ako na baka na misinterpret niya iyong sinabi ko kanina. Kumuha ako ng isang pirasong papel at ballpen saka muling nagsulat doon, pagkatapos ay pinaskil iyon sa maliit na board kasama ang nauna ko ng ginawa at iilang pictures naming dalawa.

*****

LULLABY 🎼

Whenever I arrived

You always welcome me with your sweet smile

And tho at them I responded like wednesday's,

I wonder why every time you're still doing it anyway

I only acted that way because I didn't know how else to feel

If I'd describe the feeling

Darling, it's like you're offering candy to a clown

I wasn't used to sweetness, but I lived for the fun

Oftentimes you don't give rhythm

like a squeaky noise it's irritating

But right after I looked at you

I always wonder why I'm smiling too

So when you thought you drained me with your energy

Cause some times I'd say I'm tired and too sleepy

But that's only 'cause like a lullaby,

With you I can rest with an open eye.

Greatest Encounter (Unedited)Where stories live. Discover now