Faith's Pov
Bagama't agad naman siyang nag-sorry sa'kin kinabukasan at noong araw kasunod niyon kung saan sinabi kong ayos na kami ay naging mailap na ako sa kanya mula noon. Ewan ko kung napapansin niya pero sa mga naunang araw ay hindi ko talaga siya pinapansin, pero ngayon sa t'wing sinusubukan niyang kausapin ako ay sumasagot naman na ako, iyon nga lang hanggang doon nalang 'yon. Hindi na rin ako nag bibisiklita pauwi dahil nagpapasundo na ako kay ate.
"Faith, nasira ba ulit ang bisiklita mo?" Muli akong sinubukang kausapin ni Isaiah, pero gaya ng mga naunang paglapit niya sakin ay, "Hindi naman." tanging naisagot ko at saka umalis.
Sumunod na araw.
"Sabay na tayong mag recess." -siya
"Sabay kami ni Joanna e."
At sa mga sumunod pa.
"Bakit pala hindi mo na dinadala ang bisiklita mo pag pumapasok ka?"
"Nakakapagod kasi."
Hanggang umabot sa isang buwan ay tila tuluyan nang nawalan ng pag-asa ang pagkakaibigan namin.
"Faith, pwede ba kitang makausap sandali?"
Tinitigan ko pa siya sandali bago umiling "Gagawa pa kami ng research e." at saka iniwan siya roon.
Nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong ang tamlay niya. Maiitim rin ang ilalim ng mga mata niya at naiisip kong baka sa kaka video games niya iyon.
"Faith.." Akala ko ay hindi na niya ako kukulitin pa nang araw na iyon pero heto siya at nilapitan pa rin ako. "Wala ka na bang ginagawa? Pwede na ba kitang makausap?"
"Tungkol sa ano ba? Aalis kasi kami ni Joanna, gagala kami." Mukhang nabigla siya sa tono ng pagkakasabi ko niyon.
"A-ah, ganon ba? Sige, sa susunod na lang ulit." May parte saking gusto siyang pigilan nang tumalikod na siya pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko. Alam kong kapag binigyan ko na naman siya ng pagkakataon ay masasakal na naman ako sa pagiging concern niya, dahil nanliliit ako sa t'wing ginagawa niya iyon. Lalo lang niyang pinapaalala sakin na naiiba ako sa kanila.
Tatlong linggo nalang bago ang graduation namin pero ngayon pa talaga niyang naisip na umabsent palagi. Alalang-alala na ang partner niya sa research nila dahil hindi pa ito pumapasok gayong marami na sa aming mga kaklase nila, maging kami ni Joanna ang nakapasa na, at mukhang sila nalang ang hindi pa.
"May balita ka ba sa boyfriend mo? Bakit hindi pa rin pumapasok yon?" Baling sakin ni Joanna ngayong kaaalis lang ng subject teacher namin.
Isang linggo na mula nang huli itong pumasok.
"Hindi ko siya boyfriend, Jo." Tuwid ko
"Okay. Pero wala ka ba talagang balita sa kanya? Baka hindi pa makagraduate 'yon.. sayang naman."
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Nasa labas ng bintana ang tingin ko at hindi maiwasang mag-aalala sa lalaking 'yon.
Ano bang trip niya?
Sumunod na mga araw ay dinadala ko na ulit ang bisiklita ko para makasilip sa bahay nila, nag babakasakaling makita siya at makausap. Ngunit palagi lang naka patay ang ilaw ng bahay nila at wala rin akong nakikitang tao sa loob. Asan na kaya siya?
Ngayon ay dalawang linggo nalang talaga bago ang graduation namin at talagang wala nang mapaglagyan ang pag-aalala ko sa kanya. Muli akong sumilip sa bahay nila, gaya nang lagi kong ginagawa at laking tuwa ko nang nakabukas na ang ilaw sa loob. Nag door bell ako nang sa wakas ay may mamamataang tao sa loob.
"Sino sila?"
Nagtaka ako nang lumabas mula sa loob ang hindi pamilyar na tao. "Magandang hapon po. Si Isaiah po? Andito po ba siya?"
Lumapit ito sa gate "Ay Ne, walang nakatirang Isaiah dito. Baka nagkakamali ka lang ng bahay."
Kumabog nang malakas ang dibdib ko at muling tiningnan ang bahay. Hindi ako maaring magkamali. "Po? S-si Isaiah Cruz po? Dito po siya nakatira, sigurado po ako." Ramdam ko ang panginginig ng boses ko at maging ng tuhod.
"Wala talagang Isaiah dito e, kakalipat lang kasi ng mga amo ko rito. Baka iyong dating nakatira dito ang tinutukoy mo?"
Nakatulala ako habang pauwi sa bahay. Gulagalaw-galaw ang labi ko at nararamdaman ko na rin ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Nasa gilid ko ang bisiklita ko.
"Hindi.. Imposible.. Hindi pwede.." iiling-iling akong naglalakad.
Pagkapasok ko sa bahay ay doon na ako napaluhod sa mga tuhod ko. Humagolgol ako nang iyak, wala akong naririnig kundi ang pagtangis ng puso ko hanggang sa maramdaman ko nalang na may yumakap sakin.
"Ma.. wala na si Isaiah, Ma.. Lumipat na sila.. Iniwan niya ako.. i-iniwan na niya ako."
Hindi sumagot si Mama. Hinayaan lang niya akong umiyak habang yakap siya. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa unti-unti nalang na dumilim ang paligid.
YOU ARE READING
Greatest Encounter (Unedited)
PoetrySa buhay, bawat isa sa atin ay may maituturing ng greatest encounter ng buhay na'tin na maaring magtagal sa atin hanggang sa pagtanda. Iyon ang mga encounter na talagang sa atin nakatadhana. Samantala, may iba ring magsisilbi lamang na aral sa mga b...