Chapter 24

1 0 0
                                    

We get to school normally, nasanay na ang mga bully sa mukha namin kaya siguro hindi na nila kami inaapi. Tsaka sa pagkahiwalay ni Tanya at Thomas ay sabay silang umalis ng university matapos malaman ang totoong rason kung bakit sila nag kahiwalay. Sa pagkawala nila, nawala rin ang mga nang aapi sa amin.

"Oi, nerdy. Ay— Sandy pala, thank you dahil tinanggap na ni ma'am ang research output namin." salubong ni Guerra isa sa group leaders na major sa output. Ang sabi kasi ni ma'am hindi niya tatanggapin kung may mali parin sa output.

"Thank you, rin."

"Thank you, Sandy." nakangiting pasasalamat ni Alicia sa ’kin at lumapit pa para yakapin ako.

I know how stress she is, siya ba naman ang leader at mga member niya walang mga ambag pero sinali niya parin ang pangalan sa research output nila at binigyan niya pa nang kopya para maka sagot sa defense.

"No problem." sabi ko at na upo na.

Habang si Joylyn ay naki-chismis sa kaklase namin ako naman ay nag basa lang nang paborito kong libro. Hindi rin naman nagtagal at dumating rin ang aming teacher kaya tumahimik na sila at bumalik na sa kanilang mga pwesto at isa na si Joylyn dun. I just listen to our teachers discussion habang si Joylyn naman ay busy kakachat kay Refry.

Lunch time na at nagulat ako nang makita ko si Kuya June sa labas ng room kasama si Tita Jen. Tumayo agad ako para puntahan sila at sumunod naman agad si Joylyn.

"Tita, good noon po. Hi Kuya June." bumati rin si Joylyn at gaya ko hinalikan rin siya ni Tita Jen sa pingi na ikinagulat niya. Ngayon niya pa kasi makikilala ang asawa ni dad.

"Tita, Kuya si Joylyn po pala. Joy si Tita Jen at Kuya June." ngumiti lang si Kuya kay Joylyn. 

"Now, let's have a lunch girls. June pwede ka nang umuwi tatawag ako kung magpapakuha na ako." tumango naman si Kuya at iniwan na kami kasama si Tita Jen.

"So... Saan ang canteen niyo dito?" tanong ni Tita.

"Dito po ang daan, Tita." sagot ni Joylyn at na una na sa paglalakad sumnod naman si Tita na hawak ako sa braso.

Ang awkward kong hindi kami magsasalita kaya naman habang papunta kami sa canteen ay nagu-usap kami tungkol sa building ng schools at kung ano-ano pa. Nang makarating kami sa canteen ay pumila na kami agad, ako lang sana yung pipila para bumili nang makakain namin kaso sabi ni Tita siya naman ang magbabayad kaya sasama siya sa pila. Hindi ko na lang pinigilan at hinayaan siyang maki pila na rin, pagkatapos naming mamili at makuha ang order namin hinanap namin agad si Joylyn na siyang na atasan na mag hanap ng table para sa ’min.

"Ang dami naman nito, Tita." nakangiting sabi ni Joylyn, siya kasi talaga tong matakaw pagdating sa pagkain.

"Tita Jen," masayang bati ni Christian kay Tita Jen, bumati rin si Maniya at pina upo sila.

"I know you knew each other, but let me introduce my niece Maniya and her boyfriend na kaibigan niyo." pamangkin ni Tita Jen si Maniya?

"Yung Middle name mo is H diba, so isa kang  Hanzier?" tanong ni Joylyn  kay Maniya, Hanzier kasi ang apilido ni Tita.

Antebellum Series #4: We Owned The NightWhere stories live. Discover now