Chapter 8

245 26 1
                                    

Hanggang sa naka-uwi ako hindi pa din mawala sa isip ko ang sinabi ni Milton. 

Sa trabaho ilang beses din akong nagkamali sa pag0serve ng inumin kaya napagalitan ako ni Ma'am Anizza. 

"Okay ka lang ba?" napatigil ako sa pagtapon ng basura at napalingon sa nagsalita. Ymir looked at me with concern. He approached me and gently took the plastic bag filled with trash from me.  

"Ako na dito, mauna ka na. Asha.... Ako na bahala dito" aalma sana ako pero tinulak nya na ako ng mahina. Dahil pagod na din ako hindi na ako tumanggi umusal na lang ako ng pasalamat saka tumalikod na.

The wind of twilight envelops me. The soothing feeling of the wind calms my nerves. My smile started to fade away when I didn't see the moon. "Grabe pati ba naman buwan iniiwasan ako" I bitterly uttered. 

Malungkot na pinausad ko ang bisekleta pauwi.


Nagluluto ako ng sinangag ng biglang pumasok si Tita. 

"Asha, ano di ka na binalikan?" I swallowed a lump in my throat and avoided her gaze. "Hindi nga po kami Tita" saying those words taste bitter.

"Punyeta" she harshly pulled me. Dinuro-duro nya ako kaya napayuko na lang ako. 

"Dapat nagpa buntis ka doon! Baka naman hindi mo pinagbigyan kaya ka iniwan. Ang mga lalaki, Asha lalo na ang mayayamang ganyan. Sex ang gusto nyan kaya dapat binuka mo 'yan. " She said those words angrily while still firmly holding my arms.

"Hindi po ako ganoon" my eyes got misty. I tried to stop my tears from falling but I failed. 

"Sinasabi ko sayo wag kang maging bobo, Asha.  Halata ngang patay na patay sayo hatid - sundo ka pa. Ibuka mo yang mga hita mo at ng magkakwenta naman yan." pabalya nya akong binitawan muntik pang mahulog ang sinangag kaya agad ko itong pinigilan. Napahiyaw ako dahil mainit ang kawali. Sa taranta ko nakalimutan kong mainit iyon. I wipe my tears before mending my burned hand. Pero kahit ang gawin kong punas patuloy pa din sa pagpatak.

Ang dami ko ng iniisip kelan ba ito matatapos. Oh Lord, please. 


My hand still hurt a lot when I went to my first class. Hindi ko na din pinansin pa si Duke na nasa gitang parte ng classroom umupo. Kung tama nga ang hinala ko na may kinalaman si mama sa kanila, mas mabuti pang hindi na talaga pa kami magsama pa. Brix isn't here, which makes me sad even more. I sighed. Kahit maingay si Brix mas gusto kong nandito sya para hindi ko ramdam na mag-isa ako. 

"HI" I looked up and I saw Brenna's smiling face. This girl is really pretty. Madaming magaganda sa school pero para sa akin si Brenna ang lamang sa kanila. Napaayos ako bigla sa buhok ko. Nakaka conscious. Sobrang linis kasi ng pagkakatali nya walang takas na buhok sa pagkaka ipit nya. Ang dami kong baby hairs!

"Can I sit here?" she pointed out Duke's chair. My gaze turned to Duke. I caught him staring at me. He held that gaze for a few moments before breaking it. I sadly sighed before nodding. 

"I saw you sitting here alone. So I came here." she sweetly smiled at me. Napangiti na din ako. Syempre ngitian ka ba naman ng anghel di ka ngingiti din. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. 

Buti naman at walang pasok na hapon dahil may general meeting ang mga instructors. Makakapahinga ako.

"Where are you eating?" Brenna asked me

Pinasok ko muna notebook ko sa bag ko bago sumagot. 

"Sa carinderia sa labas ng school"

"Can I join?" wala naman sigurong masama kong isama ko sya. Tumango ako. 

The Gaps Between Us - La Croix Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon