Chapter 6

262 33 0
                                    

Pagkatapos ng klase namin. Hinatid na ako ni Duke sa amin. Pero bago iyon dumaan muna kami sa shed para magpaalam kela Rella. Napansin kong mas naging close na si Duke sa kanila. Pero mainit padin dugo ni Duke kay Kier. Buti hindi naman napatol si Kier.


"Salamat, Duke. Sige na mauna ka na, iidlip pa ako para sa trabaho ko mamaya" he frowned. He raked his hair with pure annoyance and stared sharply at me. "Are you kidding me? Babalik ka doon!" angil nya

 "Kailangan ko ng trabaho, Duke. Atsaka ngayon lang may nangyaring ganoon. Siguradong hindi na hahayaan ng Ninang mo na maulit pa iyon." I tiredly said. 

"Hindi ka babalik doon" he firmly said. He also kicked some stones. Tumama pa ang iba sa bike nyang nakaparada sa gilid. I gasped.  I know he is just worried. But do I have a choice? May choice ba ang isang kagaya kong walang magulang na pwedeng mag-paaral? Kung may magulang lang ako or kung mayaman lang ako. Magtyatyaga ba ako sa ganoong trabaho? Kung titigil ako saan ako kukuha ng panggastos?

"Papasok ako mamaya at wala kang magagawa." inis na anas ko. 

He closed his eyes tightly. "I can offer you a job" 

"Ano namang trabaho?" tanong ko

"You can be cook for me." I frowned while crossing my arms. "Magkano ang sahod?"  he pinched his nose na tila nag-iisip. "Twenty Thousand" kung may iniinom lang ako ngayon siguradong nabilaukan ako. "Hindi ako naniniwalang may 20k na sahod na taga-luto, Duke" I sighed. Tinulak ko na sya papunta sa bike nya 

"I'll make it 15k" hirit pa nya. 

"Hindi ako naniniwalang kailangan mo ng tutor kaya pwede ba wag ng makulit" 

"I really need a cook, Asha. Do I seem like a liar to you?" he blinked his eyes while pointing at himself. Hindi, gwapo ka lang. Napabuntong-hininga na lang ako sa kakulitan nya. 

"Saan ka ba pinaglihi ng Mama mo? Ang kulit kulit mo" natigilan sya at biglang dumilim ang expression ng mukha nya.  He looked at me sharply. Naguluhan ako sa biglang pagbabago ng expression nya.

"Duke?" gising ko sa kanya. His jaw is clenched. 

"I'm going home" matalim na tingin ang iniwan nya sa akin bago sya tumalikod at sumakay na  bike nya at umusad paalis.

Naiwanan akong naguguluhan. May nasabi ba akong mali?


Dahil hindi ko malimutan ang reaksyon ni Duke kanina hindi ako nakatulog.  Gumawa na lang ako ng mga assignments ko. Nang mag-aalasingko na nag-luto na ako. Hindi pa nauwi sila Tito at Tita kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Sinugarado kong sarado ang bahay bago ako umalis.


"Sa counter ka daw sabi ni Ma'am Anizza" napatigil ako sa pag-suot ng uniform namin dahil sa sinabi ni Akiko. Pinalitan na pala ni Ma'am ang skirt namin. Ganoon pa din ang pantaas. Ang pangbaba ay ginawang slacks. 

"Bakit daw?" she shrugged her shoulders. "Siguro dahil sa nangyari kahapon" sinara nya na ang locker nya at lumabas na. Sumunod na din ako. Ang maingay na tugtug ang bumungad sa akin pakalabas ko. Hinatid ko muna kay Ma'am Anizza ang pinahiram nyang dress kagabi bago pumunta ng counter.

"Oh, Naligaw ka?" Ymir jokingly said. I rolled my eyes and settle myself inside the counter. Kumuha ako isang goblet at pamunas at tinulungan sya sa pagpupunas ng mga baso. 

"Dito ako pinapwesto ni Ma'am eh" inabot ko sa kanya ang pinunasan kong baso 

"Sabagay mas safe ka dito sa tabi ko" he winked at me. 

The Gaps Between Us - La Croix Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon